(AMIAH'S)
Nagising ako dahil sa parang mainit init na hangin ang tumatama sa mukha ko. At muntik na'kong mapasigaw sa nakita ko!
Si sir Gael?! Ay oo nga pala yung kagabi, pero kasi...
Ba't nakayakap siya sa'kin?!! Yung hininga niya pala yung mainit init na hangin! Bale kasi yung braso niya yung unan ko tapos basta parang nakayakap lang!
Tiningnan ko naman ang katawan ko baka may nangyari...
"Hoo buti naman walang nawala." Teka may nangyari kagabi!
*Flashback
"Dito ka lang, sa tabi ko." Sambit niya pagkatapos niyang ilayo yung labi niya, pero sobrang lapit parin ng mukha niya sa'kin.
Bakit gan'to? Para akong nawalan ng lakas sa ginawa niya. Sa sumunod na nangyari ay naipikit ko na ang aking mga mata.
Hinalikan niya ulit ako, pero hindi na yung dampi lang... Kundi isa ng madamdaming halik... Tapos nararamdaman kong palalim na nang palalim yung halik.
"Mmmm s-sir G-gael hmmm." Sambit ko habang patuloy parin niyang hinahalikan. Hindi 'to tama... Pero parang may sariling buhay yung mga kamay ko, napahawak nalang ang mga ito sa braso ni Sir Gael.
Tapos sa leeg ko naman na sana siya ng bigla nalang siyang bumagsak sa'kin kaya napaungot ako ng wala sa oras! Ang bigat niya kaya remember?! Tapos dadaganan niya lang ako!
Pwersahan ko nalang siyang tinulak ng makahinga na'ko! Ansakit ng dibdib ko magkaka breast cancer yata ako nito.
Nang makabawi na'ko, tiningnan ko siya. Ayon humihilik na, langya lang. Tapos tatayo na sana ako para pumuntang couch pero hinila na naman ako! Ano yung hilik niya prank lang?!
Kala ko ba ang lalim na ng tulog nitong mokong na'to! Hindi na'ko nakapalag pa nang yakapin na niya 'ko. Bahala ka mangalay bukas gagawin kong unan yang braso mo!
*End of flashback
Jusmeyo nag-init yung buong mukha ko nang maalala yung... Kyahhhhh!!!!!
Tumayo nalang ako at binuksan na yung bintana bahala kang masilawan jan! Pero in fairness ang gwapo niya tulog man o gising nyahahaha.
Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na'ko, tapos naabutan ko sina mama, papa, at Sir Owen sa dining area nag-uusap.
"Good morning nak." Bati nina mama't papa sa'kin, kaya bumati rin ako pabalik, tapos si Sir Owen naman di makatingin sa'kin, problema niya?
"Musta naman yung tulog mo Sir Owen?" Tanong ko nalang habang kinuha yung gatas na tinimpla ni mama tapos kumuha narin ako ng pancake.
"Aherm, o-okay naman M-miss Sarmiento." Pfft ba't siya nauutal? Nahihiya ba siya?
Tapos napasimangot naman siya nang siguro napansin niyang pinipigilan ko yung tawa ko, ang cute lang nyahahaha.
"Oh magandang umaga Eya, mamainit ka muna iha." Sabi ni mama...
"Hahahaha." Sorry sorry pero di ko na napigilang napatawa nang makita si Alleya.
"Ano?! Ba't ka tum- sir Owen?!!" Mas lalo akong napatawa sa reaction niya.
"Kyahhhhh nakakahiya!!" Tili ni Eya at tumakbo pabalik sa taas, Hahaha pa'no ba naman kasi ang gulo-gulo ng buhok tapos yung mukha niya di pa maipinta, in short nagmukha siyang palaboy.
"Nako namang bata oo, pagpasensiyahan niyo na Sir nasanay na kasi yung batang yun na ganun ang hitsura pagka umaga pagkatapos maglasing." Naiiling na sabi ni mama.

BINABASA MO ANG
Cornelia Street
Romance"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan...