Ayana's POV
"Yana!!!!"
Nakabibinging sigaw ni mama ang agad na nagpagising sa akin.
Ano nanaman kaya ang nangyari? Kaaga aga ah? Tsaka parang wala naman akong ginawa last night? Masaya pa nga sina mama dahil marami ang bumibili sa flower shop namin.
"Yana! Lintek na bata ka! Hindi ka ba talaga babangon diyan?!" sigaw ni mama at hinampas ako ngkung ano.
"Aray! Mama naman!" inda ko at umayos ng paghiga.
As long as alam kong wala naman akong ginagawang masama hindi ako dapat-
"Aray! Ma!" sigaw ko nang muli akong hampasin ni mama. Sa pagkakataong ito naman ay mas nilakasan niya ang paghampas sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang imulat ang aking mga mata at bumangon. "Masakit ho! Wala naman akong ginagawang masama!"
Kinusot ko ang aking mga mata at nakita kong may hawak si mama na hanger sa kaniyang kanang kamay, samantalang isang parcel naman ang hawak niya sa kaniyang kaliwang kamay.
"Anong wala?! Ikaw talagang bata ka! Ano 'to?!" sigaw ni mama at muli akong hinampas ng hanger. Buti na nga lang ay nakailag agad ako kung hindi ay baka hindi na ako makakalakad pa mamaya.
"Anong ano 'yan? Mama! Wala akong inorder! Promise!" depensa ko naman sa aking sarili.
Wala naman talaga akong binili online kung 'yong parcel ang tinutukoy niya.
"Wala talaga, Ma! Promise!" Umiiling kong sabi.
Mukhang hindi naman naniwala si mama sa aking mga sinabi dahil binato niya sa akin ang parcel na nasalo ko naman.
"Anong hindi sa'yo?! Tingin mo ba bulag ako? Tingnan mo kung kanino nakapangalan 'yan!" sigaw ni mama at dinuro ako ng hanger.
Kunot noo konamang tiningnan kung kanino nakapangalan 'yong parcel at nakita kong sa akin nga ito nakapangalan.
Sa pagkakatanda ko talaga wala akong inorder na kahit ano online! Nagtitipid kasi ako kaya iniwasan kong bumili online.
Pero baka may nagpadala sa akin? Siguro si Eric ang nagpadala sa akin nito?
"Wala naman akong inorder online. Pero kung libre naman 'to, baka may nagpadala, kaya okay lang," kinikilig at natutuwa kong sabi.
Eric talaga! Ano kaya 'tong pinadala niya?
"Anong libre!"
Nawala bigla ang aking ngiti nang bigla akong paluin ni mama ng hanger sa braso.
"Aray! Ma!" inda ko at nabitawan ang hawak kong parcel.
"Nine hundred pesos 'yan! Inabonohan ko 'yan! Ikaw talaga! Ang mamahal ng mga pinagbibili mo!" Umiiling na sabi ni mama bago siya lumabas sa aking kuwarto.
Ha?! M-Magkano?! Nine hundred pesos?! Tapos COD pa?! Ano ba 'to?! Prank?!
"Bumangon ka na diyan bata ka! Ano oras na! Dapat nandoon ka na nga nagyon sa flower shop! Tulog tulog pa kasi!" rinig kong sigaw ni mama.
Alam kong magagalit sa akin si mama kapag hindi pa ako kaagad umalis sa higaan pero hindi kasi talaga ako makatayo sa sobra kong gulat.
Hindi talaga ako makapaniwala! Sino namang walang puso ang magpapadala sa akin ng COD at halagang nine hundred pa! Nakakainis naan talaga! Nakakagalit! Sobra!
"Ate!" tawag sa akin ng aking kapatid na biglang sumulpot mula sa kung saan. "Tumayo ka na diyan! Nagagalit na si Mama!" natataranta niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...