She Dont Need A Man

83 8 2
                                    

Heart breakers gonna break-break-break. So shake it off. So shake it off~ ♪♪♪

Nakikinig ako sa kanta ng idol kong si Taylor Swift ng bigla kong pinause ang kanta ng marinig ko ang mga lirikong dapat talagang mangyari sa mga taong ganyan.

Dapat silang masira. Dapat silang mawala. Dapat hindi na lang sila nag-eexist sa munding ito. Gusto kong gumanti! Gusto kong sirain ang mga buhay nila. Ngunit paano?

Dalawang magkasunod na boyfriend ang nagkaroon ako na nagbigay sa kin ng walang kapantay na sakit. Sakit sa aking puso.

Hindi lang nila ito basta hiniwa o chinapchop. Tinanggalan nila ito ng dangal!

Dahil sa kanila kaya ganito ako ngayon. Mas lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko.

Dont get me wrong. Hindi naman nila ako ginahasa o kung ano man. Basta ang alam ko, mas masahol pa sila sa demonyo. Silang dalawa. Lahat ng mga lalaki manloloko. Hindi niyo na maaalis saaakin yan. Natuto na ako.

Natuto na nga ba?

Siguro natuto na, pero hindi ko masasabing kaya ko na. Masyado pang sariwa ang sugat ma binagay nila sa aking dalawa. Magkasunod... Magkasunod... Sariwa pa ang mga magagandang alaala na sinira lang ng dalawang taong masasabi kong minahal ko ng sobra. Higit pa sa buhay ko.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nagkulong ako sa kwarto at nakatuon lang ang sarili ko sa pag-kain.

*pop*

Message galing kay Paul. Hmm. Siya na lang talaga ang masasabi kong pinakakakampi ko sa lahat ng kakampi ko.

Alam niyang hindi ko kayang lumaban kaya siya. Siya ang gunagawa noon para sa akin.

Yoon talagang bunso kong yoon. Kahit bakla, sobrang palaban.

"Ate! Ano na naman ga ang nangyari?!"

Napangiti ako sa kanya habang kagat-kagat ang labi ko at pinipigilang tumulo kahit konting luha galing sa mga mata ko.

Hayy. I envy him. He's only 14 but he can fight for his own decisions and for his ambitions. I envy him. I wish I was him.

Pero maswerte na rin ako at may bunso akong ganito. Kahit papaano, alam kong merong taong handang intindihin ako. At ipagtanggol kahit hindi kami magkaano-ano.

"Ayos na ako Bunso. Thank you :*"

Sagot ko sa kanya. I lie off course ayoko ko namang lalo siyang mamroblema dahil dagdag pa ako sa kanya.

"Echosera ka talaga ate? Kung kasama kita magagabutan pa kita! HAHAHAHAHA! Ano nga kasi?"

Kilala niya talaga ako. Napangiti na lang ako. Buti pa siya kilala ako, kaso ako hindi ko kilala ang sarili ko. Hay.

"Btw! Ano yung nabasa kong post ng sunog mong ex? Wtf! That bitch! Had the nerve! The oddesity para murahin ka! At nakamention ka pa. Proud na siya sa pagiging prangka niya? Gaga talaga yun! Mas bakla pa sa akin"

Hindi pa ako nakakapagtyoe ng isasagot ko sa kanya. May naisunod na agad. So nabasa niya ang post ng ex kong nakamention akong punong-puno ng mura.

Napangiti na lang ako ng mapait. Sigurado akong nakapag-post ma rin si Paul ng status na pang-ganti niya sa akin.

"Ate! Stalk me. Now."

"See my post?"

"Thats for him!"

"Or should I say her?"

Sunod-sunod niyang message sa akin.

Agad kong binuksan ang profile niya at binasa ang post niyang wala pang isang minuto ay naka 89 likes na agad.

Queen's One Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon