Ang sakit talaga ng mga salitang narinig ko......
Parang ayoko pang umuwi at umupo nalang dito.. ayaw talaga tumigil ng iyak ko eh...
"Uy bakit ka umiiyak?, ganda ng araw oh"
Si kuya greg.... siya yung kamukha ni niall from one direction ng village namin, he is one of my crush... pero college na.
Na starstruck na naman ako, famous siya dito sa village kasi magaling magbasketball tsaka gwapo din...."Wala, sige okay lang ako"
"Anong okay eh magang maga yang mata mo"
"Pag naman sinabi ko sayo , di mo maiintindihan, tsaka di naman tyo close, baka nga di mo ko kilala eh""Familliar yung itsura mo, lagi nga kitang nakikita eh, ayoko kasi makakita ng babaeng umiiyak"
Ang charming ni kuya greg!!! ♡♡
"Im brenda, kilala na kita, famous ka eh"
"Sus, ano na yun brenda"
Umiiyak pa din ako... hays. Hirap tuloy mag salita."May mga mean sa village na sobrang sakit magsalita, di kasi nila alam na naririnig ko sila, hayss kasalanan ko to eh, ang taba ko, feeling ko din trying hard ako sa vball, tama naman sila"
"Uhhjmmm, alam mo kaysa mag iiiyak ka dyan, patunayan mo na hindi totoo ang sinasabi nila, prove them na kaya mo magbago, gawin mo silang inspirasyon, hayaan mo tutulungan kita, ang gaan ng loob ko sayo, kasi para kang kapatid ko dati, ganyan din sya , jolly kaso..... wala na sya"
"Pero parang ang hirap kuya..."
"Dont worry kaya natin to, sumali ka sa liga"
"Hah?"
"Next month pa yun, may 4 to 5 weeks pa"
"Pero..."
"Wala ng pero pero, umuwi ka na, mag breakfast, kunin ko number mo?"
"Di ko memorize eh"
"Sige maya nalang"