Autumn's PoV:
Thankfully, nakalapag nang walang aberya ang eroplanong sinasakyan naming dalawa. Mabuti na lang at hindi nangyari 'yung mga crash thingy na napapanood ko sa mga movie.
Kinuha na rin namin ang mga gamit namin. Tapos na rin iproseso ang lahat ng mga kailangan naming documents.
And oh, if you're thinking about the person na nasa likuran ko sa flight, hindi na sya naglikot pa. Pumirma na rin ang taong 'yon sa seats nya.
You can literally meet different types of people every day. Magugulat ka na lang talaga sa mga nangyayari.
"Bitch, get back to your senses." I snapped into reality nang maramdaman kong may pumipisil sa aking balikat. I looked at the person who did that, and it was Celine.
I noticed na may isang short limousine ang nakahinto sa harapan naming dalawa. Mukhang ito na ang sasakyan naming dalawa ngayon.
At hindi nga ako nagkamamali dahil isang lalaking naka-suit ang lumabas doon at pinagbuksan kami ng pinto. Kinuha nya rin ang dalawa naming handbag.
"Wait. Where are we going nga pala?" Tanong ko.
"To the house that I rented for the both of us." Walang kagatol-gatol nitong turan.
Napatango-tango ako. Kaunti na lang talaga ay iisipin kong pwede ng maging isang sugar mommy si Celine. Magkakaroon sya ng maraming sugar baby. Hindi biro ang yaman ng isang 'to. Aabot sa napakaraming generation ng angkan nya.
The drive didn't take some time. Maya-maya pa ay huminto na rin ang sinasakyan namin.
Now, we're here in front of a 3-story modern house. Malaki ito at maganda rin ang place na kinalalagyan. Tanaw na tanaw mula rito ang dagat habang sa left side naman ay ang city view.
"Good job, Celine. Pwede ka nang mag-asawa at dito kayo magloving-loving." At nag-thumbs up pa.
As far as I remember, hindi pa nakakaranas ng dilig ang isang 'to. Kaya siguro parang palaging pinagsakluban ng langit at lupa. I'm sure na kapag may humawak na sa flower nya, lalambot na rin ang isang 'to.
Hindi ko maiwasang malungkot. Na-miss ko tuloy bigla ang longgadog ni Paris. 7 months have already passed, at sa mga buwan na 'yun ay hinding-hindi nadidiligan ang flower ko. Lantang-lanta na nga eh.
But I always make sure that it's clean para kapag magkita man kami ay ready ako.
"Shut up. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Matalim na turan ni Celine. "Alam mong ayaw na ayaw kong natatali sa isang tao."
Napakasama ng mga tinging ipinupukol nya sa akin. Uh-oh. I think I pressed her bad mood button.
Well, palagi ko kasi syang inaasar pagdating sa ganitong bagay.
About sa huli nyang sinabi, Celine's bound to marry someone. It's a sad matter. She said na kapag hindi sya pumayag na magpakasal sa taong 'yun, she could lost everything, even her surname.
You know, every individual on this planet has problems, and it's up to us to decide how we will deal with them.
You can see her as a stoic and ruthless woman, but behind that, you can see a lady who just wants to feel loved and free from anything.
Sinimulan naming libutin ang buong bahay. Halos kompleto na ang mga gamit dito. Magkatabi lang kami ng room for this trip.
"Nasaan nga palang bansa si Keziah ngayon?" I asked while fixing my outfit for today. Well, tapos na kaming magpahinga at nagbabalak na kami ngayon ni Celine na maglibot-libot dito.
BINABASA MO ANG
Love-struck
Genç KurguAutumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beauty of a goddess and a body to die for. She has an hourglass figure kung kaya't marami ang naiinggit s...