Matapos ang mahabang panahon
Sa wakas, nakauwi na ako sayo.
Mahaba-habang paglalakbay na rin ang nagawa ko
Sa huli'y sa'yo pa rin ako paroroon.Hindi pala sasabay sa pagsapit ng dapit-hapon ang nararamdaman ko
Andito na ako mahal
Bumalik ako
Umuwi na ako sa tunay na tahanan koSa totoo'y hindi naman talaga ako nawala
Lagi lang akong nakabantay nang may malaking distansya
Masaya akong masaya ka
Masaya akong malaman na umuusad ka na.At habang pinagmamasdan ka,
Alam ko nang ikaw lang ang kaya kong mahalin ng ganito
Sa'yo ko lang kayang maging ganito
At kahit mawala ka, sigurado akong hahanapin kita
BINABASA MO ANG
Mga Tula Para Sa'yo
PoetryPara sa iyo 'to love. Ginagawa ko ito tuwing nag iisip ako ng masasaya at malulungkot na bagay tungkol sa ating dalawa.