Asar

1 0 0
                                    

Sa isang Barangay na makikita sa Davao isang babae ang nakatira at ang pangalan niya ay Kaye. Si Kaye ay isang mabait na babae, sa kanilang barangay may mga tropa sya na halos araw-araw ay kasama niya.

Nag-uusap sila ng mga kaibigan nya at sabay biruan. Maya-maya nakita nila ang isa nilang tropa na lalaki na si Jake sa kalsada.

Biglang naisipan ni Shen na asarin si Kaye"Oii Jake daw yiieee"asar ni Shen. "Yiiieeeeee" sabi naman ng ibang kaibigan ni Kaye"

Nabigla si Kaye sa sinabi ni Shen "luh! Parang tanga" sabi ni Kaye.

Asar parin ng asar si Shen kay Kay Kaye. Inasar ng inasar nila si Kaye at biglang tinawag ni Shen si Jake"Jake!"sigaw ni Shen.

"Baket??! " sagot ni Jake sa pagtawag ni Shen.

"Kaye daw"sabi ni Shen kay Jake.
Sinampal ni Kaye si Shen. Naasar na sya.

" huh"sabi ni Jake.Di marinig ni Jake kaya lumapit nalang sya samen.

"Sabi ko Kaye daw" sabi ni Shen.

"Hahaha" tawa ni Jake.

"Yiiiieeeeee!!! "Sigaw ng lahat ng kaibigan ni Kaye.

Sobrang nahihiya si Kaye kase di naman yun totoo.

" Basketball tayo? "Aya ni Kaye sa kanyang mga kaibigan para tigilan na nila pang-aasar nila dito.

Habang nanghihiram si Kaye ng bola nagpapaplano mga tropa nya na pagtripan siya kay Jake sumang-ayon naman si Jake dito kase sa tingin niya naman mag eenjoy siya.

So yun naglalaro na nga sila ng basketball maya-maya, tinulak ni Shen si Jake kay Kaye.

" ayy sorry "sabi ni Shen.

" Di okay lang"sabi ni Kaye. Wala siyang kamalay malay sa plano ng mga tropa niya.

Pero habang papatagal na ang paglalaro nila pansin niya na parang palagi na lang ito nang yayare. Tinulak naa naman uli ni Shen si Jake kay Kaye at sa tulak na yun muntik na sila magkabalikan. Magwalkout si Kaye sa kanyang mga tropa at di parin nakuntento si Shen,

"Jake sundan mo" pabiro niya sinabi.

Sinundan naman ito ni Jake at sinundan rin nila si Jake.

"Kaye okay ka lng? "Tanong ni Jake kay Kaye.

" Di okay lang kakaasar lang"sagot ni Kaye.

"Sorry" sabi ni Jake.

"Luh? Bat ka sosorry? Ako nga dapat magsorry kase nadadamay ka sa pang aasar sakin ni Shen" sabi ni Kaye.

"Sorry alam ko rin kase naa gagawin nila yun sayo ei" sabi ni Jake na mukang nag sisi siya.

"Yowo?! Pinagkakaisahan nyo ko" asar na asar na sinabi ni Kaye.

Inakbayan bigla ni Jake si Kaye "sorry na"lambing na sinabi ni Jake.

Nakarinig ni Kaye ng tawa.

" Yiiiiieeeeee!! "Hiyaw ng mga tropa niya na nakikinig sa kanila.

" Ano yang ginagawa niyo ah sabi ko sundan mo lang Jake ei"sabi ni Shen.

"May paakbay akbay pa ah" sabi ng isa niyang kaibigan na babae na si ash.

Napansin si Kaye na nasa balikat niya kamay ni Jake. Hiyang hiyang siya ngayon niya pa napansin na naka-akbay si Jake.

"Yowo! yowo! yowo!" pasigaw at asar na asar na sinabi ni Kaye.

Simula ng nangyare yun naging close na close na si Kaye at Jake.Naging 1st love rin eto ni Kaye dahil sa lagi itong pinapakilig ni Jake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaye's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon