𐌂𐌀𐌐𐌉𐌕𐌵𐌋Ꝋ XII

398 8 0
                                    

Earlier...

Countless servants,slaves and concubines were killed after the darkness covered the whole Marble Palace.

And i am the only survivor, tulala ako sa loob ng chariot na magdadala sakin patungo sa Golden Palace kung saan naninirahan ang Hari.

Kaharap ko si Cecilia at nag aalalang nakatingin sakin pansin yata nya ang pagkabalisa ko sa mga nangyari.

Pero panong hindi ako magkakaganito kung nakikita ko ngayon ang itsura nya. Takot na takot ako kanina ng makita kong masaksak sya at tumagos iyon sa tyan nya at ngayon tanging dugo nalang ang natira sa asul na kasuotan nya.

"I thought you died Cecilia, i saw you got pierced by a long blade." Nanghihinang sabi ko bago namalisbis ang luha sa pisngi ko.

Nanginig ang katawan ko sa halo halong emosyon.

"I am sorry your majesty if you got scared of what you saw back there i failed to explain everything to you and i apologize." Sinserong sabi naman nya, masyado akong bothered at emosyonal sa oras na to at wala akong lakas para kastiguhin sya.

Marami pang sikreto ang lugar na ito, at marami pang sikreto ang mga taong nakapaligid sakin.

Ang alam ko iba sila sa normal na tao, may kapangyarihan, may abilidad, imortal, maganda ang kanilang lahi dahil binless sila ng isang diwata at literal na walang kamatayan, na explain na sakin ni Silvan iyon.

Ngunit nakakatakot pala kapag nasaksihan mo na ang kanilang full ability.

Huminto ang chariot, ito rin ang sinakyan ko noon patungo dito sa Palasyo ng Hari nung unang beses akong mapunta dito.

Inalalayan ako ng lalaking servus pababa sa sasakyan at gumala ang mata ko sa buong palasyo, marble din ngunit nababalot ng ginto ang paligid.

Mas marangya ito kaysa sa Marble Palace, ito ang palasyo ng hari at dito na ako maninirahan magmula ngayon.

Dinala ako ni Cecilia kasama ng iba kong Servus sa bago kong silid sa kabilang palapag iyon malayo sa palapag kung nasaan ang Camere d Oro.

Doon ko lang din napagtanto na lahat ng Servus ko ay puro bampira din at lahat sila ay duguan at magulo ang itsura dahil nakipag laban din pala sila sa labas dahil sila lang ang bampira na naroon sa Harem, puro mortal ang mga kawal na nagbabantay sa Harem kaya agad na naubos iyon kaya mabilis na nakapasok ang Sultan kasama ang kakampi nitong si Roselia ang ina ni Sarina.

Inexplain sakin ni Cecilia ang detalye sa sumunod na araw, Lahat ng Consorts at concubine at servus ay pinag utos na ipapatay ni Haring Marcus upang hindi kumalat ang sikreto ko, ang pagiging baog ko at ang pagiging alipin ko dahil hindi iyon magugustuhan ng Council.

Maaari daw akong patalsikin ng Council at hindi malabong magawa nila iyon dahil ganoon makapangyarihan ang Royal Council lagi silang nasusunod kaysa sa Hari kontrolado nila ang bawat desisyon ng Hari at kapag may hindi sila nagustuhan ay sabay sabay silang tutol para hindi matupad ang mga nais ng Hari.

Nakatakas sa bilangguan si Lolita dahil binayaran daw ni Roselia ang mga prison guards para magpalabas ng isang bilanggo bilang isang testigo, nalaman din ni Lolita ang pagiging bampira ng Hari dahil kay Roselia at inutusan nya ang dating Consort para bumalik sa Istanbul upang maghanap ng kaalyado at doon nila napag alaman na hinahanap ako ng Sultan ng Ottoman at sinabi nila kung saan ako matatagpuan at nakipag sabwatan sila dito para makapag higanti.

Napabuntong hininga ako sa mga sinalaysay ni Cecilia, lahat ng ito ay nangyari dahil sakin.

Ang daming nawalan ng buhay dahil sa pagiging mahina ko, bakit ba ako hinahabol ng kamalasan?

The King's Harem #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon