CHAPTER I

498 9 4
                                    

FOCUSED sa pagbabasa si Georgina Oliver ng Jayne Ann Krentz's novel. It was a softbound copy of a detective romance original, Smoke In Mirrors. Nagpapalipas siya ng oras sa paborito niyang café nang mawaglit ang kanyang konsentrasyon sa kwentuhan ng grupo ng mga babae malapit sa kanyang pwesto. Hindi muna siya nag-abalang sulyapan ang mga ito though she could glean from her peripheral vision there were four of them.

Hindi pribadong conversation sa pagitan ng magkakaibigan ang nariringgan niya. Malakas ang boses ng mga nag-uusap. Minsan ay nagtatawanan pa ang mga ito. Tila walang pakundangan sa ibang parokyanong naroon kung makapagbitiw ng mga komentaryo.

A bit vulgar and distracting, she reasoned.

Naka-amplify iyon sa kanyang tainga. Not even the enormous pearl earring she wore that day could filter the cheap talking. Saglit niyang inalis ang atensiyon sa binabasa. Tiniklop ang libro at itinabi sa ibabaw ng kanyang table. Tutal, hindi rin naman siya makapag-concentrate sa ingay.

"So, what happened when you caught them? Sinugod mo ba?" anang isang tinig.

"At first, I did not know what to do. Na-shock talaga ako. Iyong parang ako pa ang out of place at kailangang magtago. Good thing, I was with Lydia and Laura that night. Pinalakas ng dalawa ang kompiyansa ko."

She heard a chuckle, maybe from two of the ladies. "That's how travelling in pack comes handy, right?"

"I could just imagine the horror in their faces. How did Ron react?"

"The look on his face is priceless. He was beyond surprised! Ni hindi nga nakapagsalita o nakagalaw. Umurong bigla ang bayag ng womanizer na 'yun."

Halakhakan ang apat. Iyong halakhak na lumalabas sa ilong. Walang poise. Zero finesse.

"Hindi ba sabi mo malaki ang bayag ni Ron, paanong umurong 'yun?" biro ng isa.

"Gaga!"

Yumugyog ang dibdib ni Georgina sa pigil na tawa. Now the funny woman just made sense. Mas pinag-igi niya ang eavesdropping. Mukhang mas engaging na ang usapan kaysa sa librong binasa niya kanina lamang.

"Damn! Napi-picture out ko na nga ang reaksiyon ni Ron pagkakita sa'yo. How about the woman?"

Panumandaling pumailanlang ang katahimikan. Sanhi marahil ng anticipation sa sasabihin ng bidang babae. She, too, was waiting for the response. "Oh, that cheap slut? I would not go into details pero umuwing duguan ang anit at puro kalmot ang mukha ng malanding 'yun. Ginula-gulanit ko ang damit sa harap ng maraming tao. Labas ang dede ng gaga. Tama lang 'yun sa isang kabit!"

Kabit.

Paulit-ulit na nag-echo sa utak ni Georgina ang salitang iyon. She grew flustered, the heat instantaneously travelled down her spine. Napapiksi siya kasabay ng paglingon sa apat na nagkuwentuhan.

She was with a bunch of pathetic, dull wives.

WHEN she was a kid, Georgina had always dreamt of becoming a real-life princess. Hilig na niyang pomustura suot ang ballgowns. Pink ang favorite color niya noon. Halos lahat naman ng batang babae, pink ang paboritong kulay. Tineternuhan din niya ng mumurahing tiara ang kanyang gown. Saka siya tila prinsesang iikot sa harap ng vanity mirror.

Dala-dala niya iyon hanggang magdalaga. At hindi na lang basta ang maging real-life princess ang pinangarap niya. She dreamt of a real-life prince, her knight in shining armor who would save the damsel-in-distress in her. Ang prinsipeng nakatakda na makasama niya habambuhay at mag-alay sa kanya ng wagas na pagmamahal.

Sino ba ang hindi maghahangad ng isang happy-ever-after?

Para kay Georgina, si Rick Sebastian iyon.

She was just twenty one when she met him at a party. Si Rick, thirty seven. But she did not mind the age difference. Naramdaman niyang si Rick ang prinsipeng pinangarap niya noon pa man. Not only that he was princely, he treated her like his princess, too. Not until three years ago she found out a startling, shameful truth.

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon