HE needed the money.
Kailangan niya iyon para sa bubuksan niyang photostudio kasabay ng documentary photography project na nakatakda sa susunod na taon. Ngunit ginamit ng kanyang ama ang koneksiyon nito para maipit ang trust fund na ipinagkaloob sa kanya ng namayapa niyang ina. His goddamned father did that to make him acquisce to his plan. Iyon ay ang tanggapin ang posisyong inaalok nito sa sarili nilang kompanya.
Bumalik sa memorya niya ang naging pag-uusap nilang mag-ama isang buwan na ang nakararaan.
"Encoder?"Natatawang ulit ni Lorenzo sa sinabi ni Alfaro.
"What's wrong with that? The only way to the top is from the bottom. Kailangan mong malaman ang operasyon ng business mula sa posisyong iyon. Eventually, ibibigay ko rin naman sa'yo ang pamamahala sa Montalbo Shipping Lines."
Alfaro looked smug. He was reclined to his seat, seemingly amused at his confused state.
"No way, Papa. Hindi ako interesadong pamahalaan ang shipping lines. I have no interest in being part of the company either." Matigas niyang tanggi.
Sa sinabi niyang iyon, tumuwid sa upuan ang matandang lalaki. Biglang namula ang mukha nito, pigil ag emosyon. It took Alfaro a few seconds to calm down but he remained nonchalant. "Ano ba'ng interes mo, huh, Lorenzo? Kumalikot ng camera? That's not even a job, for shit sake. Nagsasayang ka lang ng oras at pera sa lintek na ambisyon mong 'yan."
Nais niyang salungatin ang komentong iyon ng ama. Ngunit mahirap makipag-diskurso sa taong sarado ang isip sa sasabihin niya. His dream did not matter to him. Neither did he. Wala nang silbing ipaglaban pa niya iyon dito.
"I have to go, Papa. I'm sorry pero hindi na mababago ang isip ko."
"You're going to regret it, Lorenzo. I'm gonna make sure you're going to regret the life you chose. Ibabagsak ka ng walang kwenta mong ambisyon."
Iyon lang at lumabas na siya. He could not hear anymore from him. Ni paghinga nito ay pinangangambahan niya.
Since high school, he had long decided what he wanted for himself. Iyon ang ang maging photographer. Hindi ang makulong sa apat na sulok ng opisina o ang makihalubilo sa mga taong umiikot ang buhay sa negosyo katulad ng kanyang ama. Tanging ina lamang niya ang sumusuporta sa kanyang pangarap. Too unfortunate, Laura Montalbo died three years ago after succumbing to ovarian cancer. Dahilan din iyon para lalo pang lumawak ang relationship gap nilang mag-ama.
At ngayon, si Lorenzo Javier Montalbo, nag-iisang anak ng pamosong shipping magnate na si Don Alfaro Montalbo ay parang pulubing namamalimos ng pabor sa mga kabigan para lang makuha ang kailangan niyang halaga. Kagaya ng pagbebenta niya ng paborito niyang Ducati Hypermotard sa bestfriend na si Dave.
"Take care of her, bro. Alam mo namang 'yan lang ang chicks na inalagaan ko."
Pagak na natawa ang kaibigan. "Of course. Once you get your money, pwede mong bilhin ulit sa akin 'to. I won't even use it. Kung tinanggap mo na lang kasi ang ipinahihiram-"
"No, Dave. Ayaw kong isipin mong ginagamit ko ang sitwasyon para-" he paused. "Gusto kong patunayan kay Papa na kaya kong maging matagumpay nang wala ang tulong at manipulasyon niya. Hindi rin ako maninilukluhod sa kanyang ibalik sa akin ang pera ko sa trustfund." Mapait niyang wika.
"Sigurado ka bang kaya mo?"
May himig ng alinlangan sa tanong na iyon ng kaibigan. Hindi naman lingid dito ang nakalakhan niyang lifestyle. When not engrossed with his artistic work, he was living up to his reputation as a party animal. He travelled most of the time, too. Both for work and leisure.
BINABASA MO ANG
The Good Mistress
RomanceSa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal, maituturing na isang social stigma ang pagpatol sa may asawa. Isang sitwasyong hindi kailanman maitatama ng isang justification o ng anumang rason. Ang baluktot ay baluktot. Ngunit...