Prologue

10 0 0
                                    

"Grabe! 2 weeks na lang tapos na sembreak natin!"

Reklamo ko kay Loraine na para bang may magagawa siya para i-extend ang sembreak namin.

Nandito kami ngayon sa mall at namimili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan. Ganito kami, e. Bonding namin ang gumastos para bilhin ang mga walang kwentang bagay. Lalo kaming nagkaka sundo tuwing namimili kami. Kidding aside, feeling ko naman lahat ng mga binibili ko ay magagamit ko in the near future. Wow what a lie.

"Kinakaban ako sa 2nd sem, feeling ko ang hirap lalo." Sabi ni Loraine habang hinihintay namin ang order naming lunch. Napagod kami sa paglalakad, e.

I laughed a bit at pinitik ko ang noo niya. Masama niya akong tinignan kaya natawa na naman ako. "Sis, baka nakakalimutan mo, Architecture yata ang course natin kaya kahit anong sem pa 'yan, kahit anong year pa tayo, mahirap talaga!" Sarkastikong sabi ko sakanya at napaayos na ng upo dahil nilapag na ng waiter ang tray sa harapan namin.

Well, nalagpasan naman na namin ang isang year. 2nd year college na kami. Ang iniisip ko nalang ay mabilis naman lumipas ang panahon. Makakagraduate din naman kaagad ako.

Na-shocked si Loraine nang may makitang mahulog mula sa wallet ko. Gosh! Hindi ko pa pala naibabalik 'to. Tanga ko talaga! 

"Seriously? You still have that... I.D? Hindi ba dapat binalik mo na 'yan?" Seryosong tanong niya.

Umirap ako at kinuha 'yon mula sa pagkahulog. Inis kong binalik ulit sa wallet ko at iniwasang makita ang mukhang naroon sa I.D.

"Uh.. Yeah but" sobrang kabado ko at dinadahan dahan ko ang pagsagot ko lalo na't ang sama ng tingin sakin nitong si Loraine! Para bang may ginawa akong krimen. "When I was planning to give it to him.. Uh, wala siya sa bahay nila. 'Yon kasi ang last na usapan namin. Ang ibalik ko ang I.D niya sa bahay nila." Paliwanag ko.

"So you guys still have a communication, huh? And I am hundred percent sure na may dahilan pa talaga para magkita kayo just because of that fucking I.D." Sabi niya. Tumayo na siya at sumunod na ako nang maglakad na siya palabas ng restaurant.

Honestly, hindi ko rin naman na siya gustong makita talaga. Ang tanging sabi lang talaga niya ay mahalaga sa kanya iyon kaya I need to give it back to him. Tanga kasi, e! Importante pala sakanya pero bakit pinahawak niya sa iba. Gosh!

Dala dala ko tuloy 'yon dahil nagbabaka sakali akong makita ko siya out of nowhere at iabot na sa kanya iyon. Kailangan ko talagang putulin ang kung ano pang nagkokonekta sa amin. 

Bago ako umuwi sinubukan kong ihatid 'yung bwisit na I.D. na 'yon at buti na lang ay may naiwan sa bahay nila kaya doon ko nalang inabot.

Finally! Wala nang kahit isang dahilan kung bakit pa kami mag uusap at magkikita. Wala na...

I smiled bitterly before turning my attention to my young sister. "Here, I bought toys for you." Sabi ko para lumapit siya ng mabilis sa akin.

Paglapit niya, tinignan ito ng matagal at humarap sa akin. "Is this toy is from Kuya-"

"Kezhia," mabilis kong inayos ang upo ko nang putulin ni Mommy ang sinasabi ni Kezhia. Hay, buti na lang!

Naglakad na sila palabas ng kwarto ko at may sinasabi pa din ang batang 'to! Sana pala ay hindi ko na lang siya binilhan ng laruan kung ganito ang reaction niya.

"This is the gift that he promised to give me. So I thought it was from him..." Rinig kong pagpapaliwanag ni Kezhia kay Mommy bago sila makalabas ng pinto.

Lumipas ang isang linggo, nagstay lang ako dito sa bahay. Gusto kong magpahinga muna dahil after next week ay sasabak na naman ako sa biyahe.

Napabalikwas ako sa kama ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino ba 'to? Wala naman akong naaalala na may bibisita sa akin ngayon. Surprise visit ba?

"You want?" Nakangiting sabi ni Loraine nang iabot niya sa akin 'yung milktea na dala niya. Dalawa 'yon at halata namang tig isa kami.

Umupo din siya kama ko at tinabihan ako. "Matagal na tayong hindi nag uusap ng seryoso, huh?" Sabi niya habang iniinom 'yung kanyang milktea.

Inirapan ko lang siya at tumayo para kumuha ng pwede naming kainin sa kusina.

Ayoko munang pag usapan.. Matagal na nga noong huli kong binuksan ang topic na 'yon. Hindi ko alam.. I don't have any idea how to open that again. Hindi pa ako handa...

"Goodmorning, Ate!" Kezhia entered my room without my permission. Hala! First day nga pala ng 2nd semester ngayon! Bilis akong tumayo at nagtungo sa bathroom. "Your breakfast is ready!" Sigaw niya nang makapasok na ako sa bathroom.

Mabilis lang akong kumain dahil baka malate ako. Dala ko ang kotseng regalo sa akin ni Daddy noong 18th birthday ko. Since I was 16, marunong na akong magdrive. Kaya noong pagtapak ko ng 18, kaagad akong kumuha ng license.

"Morning," sabi ko kay Loraine. Mukhang wala siya sa mood. Dinaanan ko siya sa bahay nila. Nagsmile lang siya sa akin at nagsuot na ng seatbelt. Almost 2 hours ang biyahe ko kaya kailangan kong makaalis sa bahay ng maaga.

Pinark ko na ang sasakyan ko at ginising si Loraine na nakatulog. "We're here." Tinapik ko ang balikat niya. Nagulat ako nang may bigla akong nakita. Tumatakbo, mukhang nagmamadali.

Imposible... Namalik mata lang ako.

Hinahatak ako ni Loraine ngayon, nasa mood na. Hinatak niya ako papuntang bulletin board. Binasa niya ang mga list of students doon. Tinitignan niya kung may bago kaming kaklase. Wala naman siguro. Sa hirap ba naman ng proseso bago makalipat!

"What the hell!?" Sigaw ni Loraine at napaharap sa akin. Mukhang gulat at takot. Ano may multo ba sa mga ka klase namin?

Tinulak ko siya para mabigyan ako ng space para mabasa ko ang nasa list. Halos atakihin ako sa nakita ko. Ilang beses kong kinurot ang sarili ko na baka imagination ko lang 'yon. Ilang beses akong kumurap.. Pero andoon pa rin.. Hindi pa rin nawawala sa paningin ko ang pangalan niya.. Alam kong siya 'yon. Hindi kapangalan lang. Pati middle initial ay kapareho ng kaniya. May nakalagay ring 'transferee from other campus.' Kaya siya 'yon... Pangalan niya 'yon.. The name that put my life into dark. The name that almost ruined my life.

'Caleb Neil R. Dela Cruz'

•••

PlaylistWhere stories live. Discover now