Chapter 5

8 6 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 5     
╚════════════. .✯ .  ╝

Pinapanood ko lang naman silang nag uusap ng masaya habang ako ay kumakain ng gawa ng nanay ni Ae. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, basta ay malagkit ito

Kain lang ako ng kain habang nakikinig sa pag uusap nila. Katabi ko si France habang nasa kanan ko ay si Misaki, nawala na rin naman ang galit ko sa kanya

Mukhang kuya lang naman talaga ang tingin niya kay France. At mabait naman ito dahil minsan ay kinakausap niya ako kahit na tipid ako sumagot

"Pano po kayo nag kilala ni lord France?" Tanong sakin niya sakin habang kumakain din ng katulad sakin

"Kaibigan siya ni kuya" Tumango tango naman siya. Lagi naman kasing mag kasama si kuya Xaeious at France pag nasa palasyo sila

Lagi silang sabay nag sasanay at mas pinipiling mag sanay ni France sa palasyo kesa sa kanila. Marami din naman kasi silang kasabay doon, katulad ni Rosh

"Sino pong kuya?"

"Kuya Xaeious" Maikli kong sagot. Andami niyang tanong kahit bata pa siya, parehas sila ni Hexia pero mas mahal ko naman si Hexia

Mag tatanong naman na ulit sana siya pero tinawag na siya ng nanay niya. Kapatid niya kasi si Ae at wala na silang ama dahil iniwan sila, narinig ko lang

"Are you fine here?" Baling sakin ni France at bahagya akong pinag masdan "Oo." Maikli kong sagot sa kanya

"Are you comfortable?" Tanong ulit nito sakin kaya tumango ulit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya tanong ng tanong

Siya naman ang nag dala sakin dito kaya dapat hindi na siya nag tatanong. Ayos din naman ako dito dahil natutuwa ako na marami na rin akonh nakilala at sana may madagdag pa

"Tell me if you not feel comfortable, we can back in mansion" Umiling naman ako "I'm okay, don't worry" Tumaas naman ang isa niyang kilay

May sinabi ba akong hindi maganda? Ang alam ko ay pag tumataas ang kilay ng isang tao ay naiinis ito at parang makikipag away

"You're talking is improving"

"What do you mean?" Wala naman akong napapansin sa pananalita ko. Maayos naman ako mag salita at maayos ding nakaka sagot

Baka may nasabi akong hindi maganda kaya ganyan siya. Wala naman kaya, baka kung ano-ano kasi ang napapansin niya sakin

"You talked properly now without pain. You can speak many words too" Natigilan naman ako sa sinabi niya. At kalaunan ay napa hawak ako sa bibig ko

Ngayon konga napansin na hindi na ako nahihirapan mag salita ng diretso at maraming salita na akong sinasabi. Nag iimprove naba ako dahil nasasanay nako na laging kinakausap?

"Tama ka France," Tumango tango naman siya at bakas ang tuwa niya sa kanyang mata

"That's good, Elise. I'm so happy for you, you help yourself to became like that" Nilagay naman niya ang kamay niya sa ulo at hinimas iyon kaya ganito nalang ang pagka init ng mukha ko

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon