Fire's POV
"Isa ka ba din sa gusto tumuklas sa mga misteryo ng school na ito?" Sabi ng lalaki sa harap ko. Umiling ako para malaman ko ang sinasabi niya.
"Di ka naman nagbibiro ng lagay na yan? Delikado pumunta ang mga kaluluwa dito." Sabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko. Bigla naman sumeryoso ang mukha niya. "Minsan di ka kaagad makakaalis sa lugar na ito. Pwedeng matrap ang kaluluwa natin dito dahil sa Mystery Girl's curse." Sabi niya. Mystery Girl's curse? "Bat ka nandito?" Tanong ko. "I'm just having fun. Haha." Sabi niya.
"Alam mong delikado pero palaro laro ka lang." Sabi ko ng seryoso, napatawa naman siya doon. "Haha joke lang. Naririnig ko lang yung mga rumors na yun sa school. Balak kitang takutin eh kaso di ka yata na-apektuhan?" Sabi niya.
Napa-psh naman ako. "Malakas ang aking tolerance sa scary/suspense stuff. Tutuklasin ko ang sikreto ng skul na ito." Sabi ko.
"Ikaw siguro ang tinutukoy nila.. Ikaw ang may gusto tumuklas ng misteryo ng school na ito. Sa ginagawa mo may mga taong pwedeng mapahamak sa ginagawa mo."
"Wala akong pake sa kanila." Sabi ko.
"Hala! Anong oras na pala?" Sabi niya na mukhang nagpapanic. Napatingin ako sa braso ko. Di ko suot relo ko. "I guess mga mag tu-two AM na." Sabi ko. "Patay tayo, matatrap tayo dito! Kailangan na natin umalis dito!" Sabi niya. Tumakbo siya papunta sa pinto at tinry tumagos sa pinto pero..
Nauntog lang siya. "Totoo nga! Hala kakainin na tayo ng mga demonyo na natrap sa spiritual dimension na ito! Waaah!" Sabi niya. "Tumigil ka nga. Para kang bakla eh." Sabi ko. "Hindi ka ba natatakot?" Sabi niya ng seryoso tas lumapit sa akin.
Sobrang lapit na nararamdaman ko na ang hininga niya habang nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa dalawang magkabilang braso ko.
Ang lamig niya.
Tinitigan ko siya ng seryoso. "Tumigil ka." Sabi ko.
Pero ngumiti lang siya sa akin tsaka lang umalis.
Napansin ko biglang nagbago ang kinaroroonan namin. Napalibutan kami ng maraming pinto, pare parehas lang ng kulay. Pula.
"Could this be.. The red door of Lyciens Academy? Pero bat marami.." Nasabi ko sa sarili ko.
"Wag kang maloko. Alam kong may nabasa ako na halos lahat ng mga pintong yan puro illusion ang nasa loob...pero i doubt it. Mukha itong totoo dahil nasa ibang dimension tayo." Sabi niya. "Mukhang marami kang alam sa bagay na ito. Alam kong nagsisinungaling ka lang kanina. You also pretended na takot ka pero hindi naman talaga, diba?" Sabi ko.
Ngumisi lang siya sa akin at nagkibit balikat.
"Im Laxus. You?"
"Fire." Sabi ko.
"I see. You look interesting. So what are we gonna do now?" Sabi niya.
Napangisi naman ako tsaka nagsalita.
"Let's enter these doors."