Dear Jules,
Nakilala kita nung 7 palang tayo. Hindi pa tayo magkaklase noon pero sikat ka na dati pa dahil matalino at gwapo ka. Pero huwag mo sanang isipin na nagustuhan kita dahil doon. Matagal na kitang hinahangaan. Hindi ko triny na kausapin ka dahil alam kong di mo naman ako mapapansin.
Gustong gusto kita Jules. Ito na siguro yung right time para malaman mo.
Hindi ko hinihiling na magustuhan mo ko. Ipinaparating ko lang sayo yung nararamdaman ko. Goodluck sa pag-aapply sa Krypton Academy!Sincerely yours,
JadeItinupi ko ang letter ko at nilagay sa magandang envelope na nabili ko pa sa daiso. Pinabanguhan ko yung envelope at hinalikan ito.
Nagmadali akong pumasok sa school, hindi ko na hinintay yung dalawa kong kapatid na mas mabagal pa sa pagong kumilos. Halos unahan ko na din yung mga guard sa pagbubukas ng school. Madilim pa kaya sigurado ako na walang makakahuli sa gagawin ko.
Desidido ako! Kailangan ng malaman ni Jules na gusto ko siya.
Tumakbo ako papunta sa locker room ng boys, mabuti nalang at marunong akong mag lock pick. Kumakanta-kanta pa ako ng Dear future husband tapos hinulog ko sa locker ni Jules yung letter ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang may nagsalita. Inilipat ko ang tingin ko sa lalaking nasa likod ng mga lockers. Kanina pa ba siya nandyan?
Nakita niya kaya ang ginawa ko?"W-Wala ka ng pake dun!"sabi ko sabay takbo palabas
Takte! Sino ba yun? Familliar siya sakin pero hindi ko maalala kung sino dahil wala naman akong pakealam sa ibang lalaki maliban kay Jules.
Hindi ko muna inisip masyado at dumukdok ako sa arm chair. Inaantok pa kasi ako dahil maaga ako pumunta dito sa school, naunahan ko pa nga tumilaok yung manok.
Maya-maya ay nagising ako sa mahinang pagtapik sakin ng kaklase ko na si Liz.
"Jade, yohoo. May dala akong ice coffee"sabi niya pa
Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya atsaka inabot niya sakin yung hawak niya.
"Uy salamat! Sakto di pa ako nag-aalmusal"sabi ko tas ininom yung bigay niya at nakikagat na din ako sa hawak niyang tinapay
Kaklase ko na si Liz since grade 7, siya ang nakakaalam ng kalokohan ko at ng pagkakacrush ko kay Jules.
"Ha? Hindi ba nagluto si Emerald?"tanong niya
Umiling ako. Pero ang totoo, inunahan ko lang talaga magising ang mga Kuya ko.
"Nga pala, Liz. Nabigay ko na yung letter sa locker hihi."
Kumunot naman ang noo niya atsaka niyugyog ang balikat ko.
"Dapat binigay mo ng personal! Para mas may impact!"sabi niya tas umiling-iling
Hindi nalang ako nagsalita at uminom nalang nung ice coffee. Maya-maya nagsidatingan na din yung iba namin kaklase. Wala pa din si Jules. May sakit kaya siya? Bakit wala pa din siya.
Bago pumatak ang 7:30 ay dumating si Jules. Hawak niya yung water bottle niya at umupo na siya sa armchair niya. Nabasa niya na kaya? Hindi ako mapakali sa kakaisip. Ilang beses na nga din napansin ng teacher namin na tulala ako.
"Jade, okay ka lang? Kanina ka pa di nagsasalita dyan."sabi naman ni Jane, kaibigan namin ni Liz
"Ayos lang ako... May iniisip lang"
Napatingin ako sa gawi ni Jules, tahimik lang siyang kumakain ng rebisco at umiinom ng juice. Ang cute niya talaga! Pati yung snacks niya ang simple lang din. Nagulat ako nung napatingin siya sakin. Puno ng kuryosidad yung paraan ng pagtingin niya.
Nabasa niya na kaya? Tatayo na sana si Jules papunta sa kinauupuan ko nung napakatakbo ako sa labas. Sumunod naman yung dalawa at kaagad nilang tinanong anong nangyari.
Pumunta lang ako cafeteria dahil recess break na. Dahil kinakabahan ako bumili lang ako ng madaling kainin. Tapos tumambay lang kami sa labas ng room.
Ano ka ba naman Jadelle? Sana di ka nalang nag confess kung tataguan mo lang din si Jules!
"Alam niyo, mukha tayong pulubi na nakaupo dito"sabi ni Liz
Nag agree naman kami ni Jane sa sinabi niya kaya tumayo na kami at hinatak sa loob ni Jane.
"Jadelle,"
"Ay kabayo! J-Jules bakit?"sabi ko
Lumalala anxiety ko dahil dito. Tahimik naman siya umupo sa tabi ko. Wala pa yung seatmate ko na for some reason di ko maalala yung name. Basta lagi absent dahil member ng sports team.
"Nabasa ko yung sulat mo. Thank you for liking me Jadelle."sabi niya tapos ngumiti siya
Cliché man pero si Jules yung may pinaka magandang ngiti dito sa school.
"W-Wala iyon."
"Do I make you uncomfortable?"
Umiling ako tas tumango tango naman siya.
"I like you too Jadelle..."sabi niya kaya napabalikwas naman ako sa upuan ko
"Bulinggit! Gising na my love"
Bigla kong minulat ang mata ko at sumalubong sakin ang mukha ni Emerald. Wtf? Panaginip lang?! Hindi pa din ako nakakapag confess kay Jules!
"May laway ka pa, my love. Maligo ka na malapit na tayong malate, magwawala na naman yung isa."sabi niya tas hinawakan pisngi ko
Nagmadali akong tumakbo sa shower dahil nakita ko na mag alasiete na.
Haba ng tulog ko ah. Pero yung letter! Alam ko nabigay ko na kay Jules.
Anong nangyari kahapon?Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako at sumalubong sakin at naka busangot na mukha ni Sapphire.
Mas puyat pa ata siya sakin.Tiningnan niya lang ako at parang sinasabi ng mga tingin niya na 'alam ko ang ginawa mo'.
"Paano ako nakauwi dito? Alam ko nasa school ako kahapon!"
"Dinala ka nila Liz at Darren kahapon dito dahil nakita kang hinimatay sa labas ng boys locker."seryosong sabi ng kapatid ko
Huh? Ibig sabihin, naihulog ko talaga yung letter sa locker ni Jules. At sino si Darren?
Tahimik lang kaming tatlo sa sasakyan, ang tanging naririnig lang ay ang mahinang pagmumura ni Sapphire dahil traffic.
"Anyare dun?"bulong ko kay Em
"Wala siya sa mood, di pa kasi pinapadala ni Mama at Papa yung allowance at pang gastos natin dito sa bahay."
Nalate na naman siguro, baka nagkaproblema sa work. OFW kasi ang parents namin sa Amsterdam.
Malapit na din kasi bayaran ng kuryente at konti nalang grocery namin dito sa bahay.Pagkababa namin bumungad sakin ang mukha ni Jules na nag aabang. May hawak siyang bulaklak. May nililigawan pala siya?
"Jade, mukhang inaantay ka ata"bulong ni Em tas humagikhik
Inabot sakin ni Jules yung bulaklak at letter. Anong nangyayari? Panaginip na naman ba 'to?
"I like you too Jadelle! Can I court you?"
BINABASA MO ANG
The Cupid Master
Teen FictionJadelle Figueroa never thought that her longtime crush Jules will finally notice her. Pero bakit ngayon pa? Kung kailan nasa last year na sila ng Senior High School. But thankfully nandyan naman si Darren para tulungan si Jadelle makapasok sa univer...