Chapter 36

627 40 2
                                    

Carmella Pov


ETO NA!! Ang araw na pinakahihintay ko hahaha kaya naman agad na akong tumayo para maligo at kinuha ang aking pinakamamahal na alkansya na never pang mapuno, kinuha ko na yung laman non at nilagay sa wallet ko hehehe, yung mga bag ko naman na kakailanganin ko para sa event ay nasa kotse na ni Kuya Sevy tapos si Kuya Arian naman ay nauna na dahil daw sa booth nila habang ako ito nagmamadali sa paghahanap ng ibang bagay na kakailanganin ko pero sa handbag ko lang naman ilalagay kaya naman mabilis lang akong natapos, simpleng t-shirt at pantalon lang suot ko dahil doon na ako magpapalit ng damit sa school.


"Dahan dahan lang naman sa paglalakad, pag ikaw nadapa tatawanan pa kita" Rinig kong sabi ni Kuya Sevy paano ba naman kasi halos italon ko na ang pagbaba sa hagdan kaya naman ngumite nalang ako sa kanya bago maunang pumunta sa car nya na bagong linis lang para maganda entrance hehehe


"Tandaan mo wag ka makulit doon ahh" Payo naman ni Kuya Sevy ng sumakay na sya sa kotse nya


"Ano ba yan Kuya, ang laki laki ko na kaya HAHAHA hindi na ako bata" Natatawang sagot ko kay Kuya habang sya naman ay napangite nalang at nagumpisa ng mag drive. Hindi naman ganoong ka trapik kaya naman nakarating na agad kami sa school, nag presenta na din si Kuya Sevy na tulungan ako sa pagbubuhat kaya naman pumayag na ako pero habang naglalakad kami sa hallway ay agaw pansin yung presensya ni Kuya Sevy, paano ba naman kasi ang gwapong nilalang din nito ni Kuya ewan ko nga eh bakit wala pa syang jowa pero syempre pag pogi sya ako naman maganda hahaha si Kuya Arian naman ay pangit, baka nga sya ang ampon pero syempre joke lang yon hehehe


Nakarating na pala kami sa tapat ng classroom hindi ko lang napansin kaya naman kinuha ko na yung ibang gamit na hawak ni Kuya pero pinalayo muna ako ng saglit kaya naman lumayo ako, nagusap lang naman sila Kuya at Liam at ang cute nila sa harap ni Kuya hahahaha para silang daga. After nilang magusap ay pinalapit na ulit ako at doon na nagpaalam si Kuya Sevy na aalis na sya, pagalis naman ni Kuya ay nagplano na kami sa mga kakailanganin namin para sa event, si Kapal kilay naman ay late daw kasi may importanteng ginagawa pero buti naman nandito sila Lucas at Cayden para i explain lahat ng gagawin namin


Makalipas ng ilang minuto ay napag pasyahan ko ng magpalit ng damit, nag formal dress lang ako at kulay sky blue ito, ewan ko ba minsan lang naman kasi ako magsuot ng ganto pag trip ko lang o pag nasa mood ako. After kong magbihis ay bumalik na ako sa classroom, pagkabukas ko palang ng pinto ay napalingon na agad sila kaya naman napangite ako, ngayon lang ba sila nakakita ng anghel??


"Tara na daw, may speech pa daw si Dean" Saad ko bago tumalikod at pumuntang gymnasium na may ngite sa labi syempre sumunod sila sa akin hehehe


Natapos naman ang first day ng walang sinasabi kundi gaano sya ka excited para sa event at story life time favorite kaya yon ng teacher gawin, tapos sinasabi pa na nung panahon daw nila wala pa daw pagantong event kaya daw ang swerte daw namin, well usapang swerte buti nalang hindi lang ako ang naka dress dahil halos lahat naman ng babae ay naka dress at syempre hindi papatalo si Lilith na naka dress din pero nakareveal yung ano basta!! Hindi naman sya sinasaway ng iba dahil daw kuno sa malakas ang kapit ng pamilya nila pero nakikita ko naman na sinusubukang takpan ni Ares gamit nung jacket nya, si Lilith lang talaga ang ayaw non


"Ang boring naman ng first day natin" Rinig kong reklamo ni Liam at sumangayon naman sila, kasalukuyan kaming nakahiga sa sahig pero may makapal na kumot naman tsaka hindi naman gaanong kainit at kalamig dito dahil may aircon at kahit nasa gilid ako ay wala pang kumakagat na lamok sa akin kaya naman napaka komportable ko sa pwesto ko, well sila din naman


"Ayoko pang matulog!!" Sigaw naman ni Liam na nakaupo na sa higaan nya, well madami pa naman sa kanila ay nag s-selpon pa at kasama na ako doon


"Edi wag kang matulog tsk inagy mo" Sagot naman ni Hunter na naglalaro pa rin, siguro nagulat sya sa biglaang pag sigaw ni Liam well kami din nagulat eh. Tama naman si Liam na boring at masyado pang maaga para matulog kaya naman kinuha ko na yung laptop ko sa bag ko at puwinesto ko naman ito sa uluhan ko, balak ko kasing manood ng Incantation, recommend sa akin ni Kuya Arian and hindi naman daw ito gaanong nakakatakot kaya panoodin ko muna. Ng marinig nila yung tunog ng laptop ko ay isa isa na silang pumunta sa direksyon ko maliban nalang kay Hunter na busy sa paglalaro at kay Ethan at Ryan na mahimbing na natutulog

"May speaker ka ba dyan??"Tanong sa akin ni Mike

"Ang hina" Reklamo naman ni Jake

"Ang liit ng screen" Rinig kong bulong ni Liam, malamang laptop lang toh eh! Kokotongan kitang bata ka

"Tsk nakikinood na ngalang kayo puro pa reklamo, at oo may speaker ako kukuhain ko lang sa isa kong bag tanga pag may nag play dyan sisipain ko" Iritang sabi ko bago tumayo at kinuha na yung speaker at bumalik na sa kanila. Natapos naman namin yung movie at ang inagy namin kaya naman yung iba mukhang na trauma puro kasi panggugulat tapos si Liam naman ay hindi makaalis para umihi dahil walang gustong sumama sa kanya, kawawang bata

"Dali na, samahan nyo na ako dyan lang naman eh" naiiyak na sabi ni Liam

"Ace ikaw sumama sa kanya matapang ka naman diba" Sabi ni Cayden kay Ace

"Bakit ako?? Ayan ohh si Hunter hindi naman sya nanood bakit hindi sya tanungin nyo" Depensa ni Ace sa kanyang sarili kaya naman napatawa ako sa kaloob looban ko, baka kasi maasar sila. Napatingin naman kaming lahat kay Hunter na busy pa rin sa paglalaro kaya naman hinatak na sya ni Liam paalis papuntang banyo kaya naman naiwan kaming tawa ng tawa.


//I will just take a break po kasi may personal problem po ako ngayon pero i will make sure na matatapos ko po ito.

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon