Special Chapter 1

142K 3K 325
                                    


Special Chapter 1

"Josh! Josh!" paulet-ulet kong binabanggit ang pangalan nya habang nagdo-doorbell ako sa labas ng bahay nila.

As soon as I got off the plane ay dito na ako dumiretso. Dala-dala ko pa ang luggage ko dahil hindi naman ako nagpasundo dahil biglaan na rin itong pag-uwi kong ito't ayoko ng abalahin pa ang driver.

"Oh, Lyrae!" gulat na sambit ni Tita sa pangalan ko ng makita nya ako pagkabukas nya ng pintuan.

"Tita, si Josh po? Nandyan po ba sya or nasa restaurant nyo po or nasa condo nya? Nasan po sya?" sunod-sunod kong tanong dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin ngayon si Josh.

Bigla namang nawala ang ngiti ni Tita sa labi nang dahil sa mga tanong ko. "You didnt know?" nagtatakang tanong nya sa akin. "He didnt told you?"

Agad naman akong nakaramdam ng matinding kaba nang dahil sa mga binitawang tanong sa akin ni Tita.

"Didnt told me what?" pati ako ay punong-puno na ng pagtataka't kaba.

"He left for Singapore yesterday night." she stated. "Ang akala ko'y alam mo dahil alam ko'y hindi naman sya aalis without your consent pero.. hindi mo pala alam."

"Singapore?" ulit ko.

Magbabakasyon sya sa Singapore? Magpapalamig ba sya sa mga nangyayari sa amin ngayon?

"Ilang araw po sya don, Tita?" tanong ko.

"It's not days, Lyrae.." ani Tita. "He'll be staying there for a year." she added.

Nanglaki ang aking mga mata ng marinig ko ang sagot ni Tita sa akin.

One year? He'll be staying at Singapore for a year? Bakit? I mean, bakit sya magtatagal doon ng one year? Is he trying to move-on from me? Oh, please dont. Wag sana. Hindi ko 'yon kakayanin. Araw-araw kong pagsisisihan ang pagtaboy ko sa kanya kung kakalimutan nya ako.

"He's going to train there for a year and come back after." she explained. "I thought you knew about it dahil baka sinabi nya sayo or kase he'll train for your mother's company as said by your grandfather."

Naningkit naman ang aking mga mata sa sinabi ni Tita.

"Hindi ko po alam." mahina kong sabi at napayuko nalang.

Wala akong alam. Josh will train for a company? Hindi ko alam 'yon. And why would he train for my mom's company? Naguguluhan ako. I need to talk to mommy and lolo. I need answers.

"Ah, mauuna na po ako, Tita. Thank you." nakangiting paalam ko sa kanya.

"Oh sige. Mag-ingat ka." paalala nya ng makalabas na ako ng gate.

Mabilis akong nakasakay ng taxi dahil marami namang dumadaan dito at agad kong ni-recite ang address namin upang makauwi na ako't makausap ko sila mommy.

"Ate!" masayang bati sa akin ni Vini na mukhang kakagaling lang ng school nang mapalingon sya nang buksan ko ang pintuan.

Tumakbo sya papunta sa akin at mahigpit akong niyakap habang si mommy ay gulat na nakatingin sa akin na naka-suot ng corporate attire na pang buntis.

"Vini, can you please go up first?" tanong ko sa kanya. "Susunod ako maya-maya at saka tayo magk-kwentuhan." nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumuso naman ang kapatid ko at mas nadepina ang kanyang mapulang labi na parang labi ng isang babae.

"Okay." sabi nalang nya't kinuha ang backpack nya sa may sofa saka mabilis na umakyat sa taas.

Hinarap ko naman si mommy na ngayo'y hindi pa rin makapaniwalang nandito ako ngayon sa bahay at umuwi na galing Davao.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon