Sarquael POV
"That's all for today's check up same as usual." Sabi ni Sawyer ng mahatid ako sa pinto.
"Yeah, and tonight I was planning to tell him the truth about this." Sagot ko naman at binigay sa kanya ang isang envelope. "The payment."
Hindi niya iyun tinanggap bagkus ay hinawakan niya ang aking balikat, "You don't have to pay me couz, iponin mo iyan para sa magiging anak ninyo." Sagot niya.
"Ayaw ko magkaroon ng utang na loob sayo Sawyer, you've done enough." Sagot ko at hinawakan ang kaniyang kamay para ipatong ang envelope. "Take this, bilhan mo ng pagkain ang anak mo Sawyer." Dahil sa sinabi ko ay medyo natigilan siya. "I already know about that couz, you already told me." Sabi ko at iniwan na siya.
Pakanta kanta pa ako habang bumaba ng hagdan, lumiko ako sa may paliko na daan. Siguro patungo ito sa cafeteria, "Ako iyung ama ng batang iyan." Mabilis na kumabog ang puso ko ng makita ko si Cris at Twinary. Abot tainga ang kaniyang ngiti, babae ang kausap nito at nakaturo siya sa bandang tiyan ng babae. Agad akong napa-atras ng ma-alala ang sinabi ni Twinary kanina. Magkakaroon na sla ng anak tapos si Twinary ang ama? pPero kanino naman siya magkaka-anak? Don't tell me sa babaeng iyan? Mabilis ang kabog ng aking puso at ang lakas ng tunog niyon na para akong mabibingi. Tumulo ang aking luha bago ako tuluyang tumakbo palayo sa kanilng puwesto, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang mahalaga ay makalayo ako sa lugar na iyun at kay Twinary.
Hindi ko masyadong makita ang daan dahil sa kapal ng luhang bumabalot sa aking mga mata. Pagkarinig ko sa tunog ng elevator ay agad akong pumasok doon. Sinapo ko ang aking tiyan ng makaramdam ako ng mapapanhid ng binti. Pinanlamigan ako ng buong katawan, nno hindi ito puwede hindi ako maaaring makunan. Kinapa ko ang cellphone sa loob ng coat pocket ko para tawagan ang number ni Sawyer, ilang ring lang ang itinagal niyo bago niya sinagot. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko parang walang boses ang lumalabas sa lalamunan ko sanhi ng pag hingal. "Sarquael? ano'ng nangyayari sayo? Couz, tell me bakit parang hinhingal ka? ayos ka lang ba, sabihin mo nasaan ka para masundo kita Sarquael1 Hintayin mo'ko d'yan nandito na ako sa elevator baba na ak-Ting!" Binalot ng katahimikan ang paligid g bumukas ang elevator at si Sawyer ang bumungad sa'kin na purong pag-alala ang mababanaag sa kaniyang mukha. Bumigat ang talukap ng aking mga mata at nawalan ako ng malay.
Nakaramdam ako ng may nakatingin sa'kin kaya minulat ko ang aking mga mata pero kalaunan ay muntik akong mahulog sa kama ng si Twinary ang bumungad sa akin. Mabilis na umtras ako at tumama ang likod ko sa head board ng kama.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Galit kong tanong sa kanya.
"Nag-alala lang siya bakit ka nagagalit?" Rinig kong sabi ni Doc. Bida-bida habang may kong anong isinusulat sa clipboard.
"Nasaan ako?" Tanong ko at nilibot ang tingin sa paligid.
"Nandito ka sa VIP room ng hospital. Natagpuan ka ni Sawyer doon sa elevator walang malay." Sagot ulit ni Doc. Bida-bida pero kalaunan ay hinawi ang buhok ko tyaka tinitigan ako sa mata.
"Okay lang ba siya Ate?" Nag-aalalang tanong ni Twinary. Umiwas siya ng tingin at lumingon kay Twinary.
"He's fine." Sagot niya.
Sabay kaming bumaling sa pintong bumukas at lulan non si Sawyer na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Pinandilitan niya ng mata si Doc. Bida-bida samantalang ganon din si Doc.
Napangiwi ako dahil sa uri ng titig nila sa isa't-isa. "We need to talk, may kailangan tayong pag-usapan." Hinatak ni Sawyer si Doc. Bida-bida palabas ng kuwarto.
YOU ARE READING
KTS #1: Rekindled Debauchery (COMPLETED) [BxB]
RomanceA man who had dreams about his mother's health. A man with a golden spoon in his mouth is looking for a person whom can gave him kindness that day. ¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶¶ I am his assistant He is my boss His the one whom cannot control nor stop th...