JANE:
"Aminin mo nang gusto mo rin naman ako Maki? Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang kagaya ko. Bukod sa gwapo ang hot pa!"
"Tama HOT ka! Pero hindi sapat yun, hindi ako magkakagusto sa ubod ng yabang na kagaya mo!"
*Tsup!*
*Pak!!*
"How dare you para halikan ako sa pisngi?"
"Naguumpisa palang ako Maki!"
"Cut!" sigaw ni Direk. "That's good!"
Dumiresto naman ako sa assign tent ko, dumiresto ako kay Franz at Ella na kanina pa naghihintay.
"May chemistry talaga kayo!" pang aasar ni Franz.
"Malamang naman baks may past eh!" pang gagatong pa ni Ella saka iniabot saakin ang bouquet of flowers.
"Para saan to?" tanong ko.
"May nag deliver lang, basahin mo yung note para malaman mo."
You are the most beautiful girl I've ever seen, can I be your man?
-Your Handsome Stalker.
"Anong sabi?" tanong ni Franz.
"Walang name eh, stalker ko daw." sagot ko saka inilapag ang bouquet sa may lamesa.
"Stalker magbibigay ng flowers? Kakaiba yan ah!" paliwanag naman ni Ella.
"Nung isang araw may nagpadala din saakin ng ganito at ang pagpapakilala na siya daw stalker."
Curiosity kills! Sino naman ang magpapadala saakin ng bulaklak, at kung fans man siya bakit hindi niya magawang magpakilala. Pangit ba siya? May kapansanan? O baka naman.. OH NO! baka naman. Hindi! Imposible naman ata yun.
"Alam mo bes may napapansin ako sayo." sabi ni Franz, kaya napataas ang kilay ko. "Bakit parang ang blooming mo? Parang saya mo ngayon Jane."
"Ako BLOOMING? O'common Franz lagi naman akong blooming eh! Ngayon mo lang ba napansin?" sagot ko at ininom ang juice na nasa harapan ko.
"Hindi yung ganun. Basta parang may kakaiba sa Aura mo. Ano bang meron?"
"Walang meron franz. Ganun lang kapag natanggap mo ang lahat ng bagay na noon ay iniiyakan mo." naksmile kong sagot.
"Bakit inlove ka na ba ulit sakanya?" tanong ni Franz.
"Ako inlove? Hindi!" sagot ko.
Napasulyap naman ako sa tent nila, nasa harapan lang namin yun. Pero wala siya, asan naman siya pumunta? Baka naman umuwi na. Teka nga.. Bakit ba ako nagiging concern!
"Elizabeth!" napalingon naman ako sa tumawag sa aking magandang pangalan. Si Howard naglalakad papunta saamin ni Franz.
"What are you doing here?" tanong ko sakanya.
"To visit you." nasmile niyang sagot. "Hi." bati neto kay Franz kaya naman halos maglupasay ito sa sobrang kakiligan.
"Howard si Franz, at Franz si Howard!" nashake hands naman silang dalawa.
Inaabot naman saakin ni Howard ang hawak niyang box of pizza. Tss! Alam niya talaga ang weakness ko.
"Alam ko kasing hindi ka pa kumakain eh! So here I brought you a pizza." paliwanag niya at umupo sa tabi ko. "You look tired!" sabay kurot ng mukha ko. It's kidda sweet, pero hindi ako nakaramdam ng kilig. "And this is a sorry gift, for what happen."
JEROME:
"You look tired!" sabi neto saka kinurot ang pisngi niya.
Ta ba itong nakikita ko? Tsk! Sa pagkakaalam ko siya yung Howard, it means siya yung nanliligaw kay Jane. Ano bang ginagawa niya dito? Alam na nga niyang may shooting tapos nang iistorbo pa siya.
"Bro nauunahan kana!" pang iinis ni Lester at tinap ang balikat ko. "Kung ako sayo bilis bilisan muna baka maunahan ka niya."
"Tsk!" sagot ko sa sinipa ang upuan sa harap ko.
Oo na nagseselos na ako, sino ba naman ang hindi. Here I am watching them na anong ginagawa? Nagtatawanan at naghampasan, mabuti nalang nandiyan si Franz.
"Jerome!" napalingon ako sa pagtawag saakin ni Franz muli sa kabilang tent. "May Pizza dito oh!" aya niya pero ngumiti lang ako.
Tinawag na nga ko't lahat lahat hindi parin sila tumigil. Akala ko ba hindi niya pinapayagang manligaw? Nakakainis!
"Bro ying script mo!" natatawang paliwanag ni Lester. Hindi ko napansing nalukot na pala ito.
Maya maya ay tinawag na din kami ni Direk dahil may importante daw siyang sasabihin.
"So may iaadd akong bagong character. And his character will be Sed Villarico your rival Jerome."
Sed Villarico? Ang alam ko dapat si Tristan ang gaganap sa role na yan, so anong nangyari. "What happen to Tristan Direk?" curious kong tanong. As far as I remember ummattend pa kahapon si Tristan.
"Kailangan niya munang magfocus sa new Indi-Film niya with Michelle. Kaya naman nagdesisyon kaming si Howard James nalang ang ipalit sakanya."
Howard James? Are they kidding! That's un usual, of course para saakin o baka para din sakanya. Past niya ako tapos itong si Howard may gusto sakanya. So what will happen? Magiging personalan.
"That's great direk, we all know that Howard is also good when it comes on acting." sagot ni Jane na mukhang excited.
Out of the world bigla namang sumulpot si Howard na abot langit ang ngiti.
"Thank you direk for this opportunity. I guess I really need to prove my self." sagot niya sabay akbay ka Jane.
Kung sapakin ko nalang kaya itong mayabang na ito! Shit! Hindi ba niya nakikitang nasa harapan na niya ako?
"Okay bukas mag start ang taping mo Howard." paliwanag ni Direk at inabot sakanya ang script. "Pack up na tayo!" sabay sabay na nagsigawan ang lahat at nag ayos.
"Ihatid na kita?" lakas loob kung tanong pero hindi pa man siya nakakasagot ay may dumating ng asungot.
"Elizabeth! Sabay na okay." paliwanag niya.
Pansin ko namang napatingin saakin si Jane.
"Sorry Jerome!" sagot niya at naglakad na.
Nawala akong nagawa kundi ang maglakad palayo sakanila, at tanawin kong paano sila masayang magkasama. Kasabay kong umuwi si Lester inihatid mo muna siya saka dumiresto ng bahay.
HOWARD:
Kanina ko pa napapansin na simula nung umalis kami ay walang imik si Jane. Hindi na rin kasi sumabay saamin si Franz, dadaanan pa daw niya si Ella.
"Okay ka lang?" tanong ko saka habang nakatingin sa daan.
"Of course." sagot niya saka binalik ang paningin sa labas.
"Mahal mo na ba siya ulit?" napalingon naman siya sa sumunod na tanong ko.
"Sino?" tanong niya na parang hindi alam ang ibig kung sabihin.
"Si Jerome! Napansin ko kasi sayong lagi kang sumusulyap sakanya. At kasabay nun ay ang pag ngiti mo. Bumabalik ba ang dati Jane?" tanong kong muli.
"Alam mo Howard kong may natutunan man ako sa mga nangyari yun ay ang kalimutan ang nakaraan at maging masaya na meron ka." sagot nito dahilan para mapatahimik ako.
Wala akong balak agawin si Jane sakanya, ang gusto ko lang ay maiparamdam ko kay Jane kong gaano ko siya kamahal at kung gaano ako kaseryoso sakanya.
PS: Labanang Jerome at Howard saan kayo?

BINABASA MO ANG
Once Upon a Lovestory (Book II)
FanfictionThis story is the continuation of the Once Upon a Lovestory, so its means this is the book II of the story. And you will not able to understand this story if you wouldn't read the first book. Ayoko po ng anong mang komentong "Hindi ko maintindihan...