She believes that she was an immortal, because she was found in the coffin in the depths of the sea.
Hanggang ngayon ay nakatitig ako sa Reyna na tila isa syang misteryo, kung totoo nga ang kanyang sinabi, paano nangyari iyon?
Pumayag syang suriin ko syang muli at wala akong nakitanh mahika sa kanyang dugo, ngunit ang nakita ko lamang ay ang malakas nyang vitality na nakahimlay sa kanyang katawan, iyon ang una kong napansin masyado syang masigla ngunit mahina ang katawan nya.
At dagdag nya pa ay wala syang alaala magmula nang matagpuan sya sa kabaong at mayroon syang abilidad na sinabi nya sakin noon, hindi ko iyon masyadong binigyan pansin dahil naging abala ako sa mga nangyari ngunit ngayon, naisip ko na hindi nga sya simpleng mortal.
Walang taong makakaintindi ng lahat ng lengguwahe sa mundo at mas lalong walang may kakayahang makipag usap sa hayop!
Kakatapos ko lang suriin ang dugo ng Reyna, masyadong mabango ang dugo ng Reyna sa Hari at sya lang ang nagkakaganoon dahil ito ay Mate nya, bukod doon hindi tinatanggap ng dugo ng Reyna ang venom ng isang bampira, sinubukan ko ang sakin at ganoon din ang kinalabasan kagaya din ng nangyari nung sya ay kinagat ng Hari, hindi naghalo ang venom at ang dugo nya kaya imposible syang maging bampira ngunit hindi rin sya tao.
I massaged my temples, i thought i can solve all the riddles now but it got more mysterious and difficult to solve.
Matapos naming mag usap ng Reyna ay iniwan ko na sya sa kanyang silid at sinabi kong magsasaliksik muna ako tungkol dito, ngunit wala akong makuhang sagot.
Nais ng Reyna na ituloy ang proklamasyon kapag nagkamalay na ito ngunit hindi sya basta basta magigising kung hindi sya makakalabas ng dimensyon ng kadiliman.
Biglang malakas na bumukas ang pintuan ng tore ko at niluwa niyon si Arcus na ngayon ay mukhang nanggaling sa Marathon, hinihingal pa ito at pinagpapawisan.
"Gising na ang Hari!"
Nanlaki ang mata ko, ano ganoon kabilis?
Panong nangyari iyon?
Hinablot ko ang pulang kapa ni Arcus at mabilis na nag teleport.
"Putang ina mo Silvan!"
Pagmumura nya sakin ng maibaba ko na sya, nahihilo syang napaupo at parang masusuka na.
Hindi nga pala sya sanay sa Teleportation, mabuti nalang at may pahinga ako kaya hindi ako madaling nanghina ng ginamit ko iyon.
"Gago ka talaga sabi ko sayo wag mo ko isasama sa teleportation mo dahil nahihilo ako!" Reklamo nya pa na dinedma ko lang.
"Wala na tayong oras kailangan nating makausap ang Hari."
Naglakad na ako at sumunod naman si Arcus.
Nang matanaw kami ng mga servus na nagbabantay sa pinto ng silid ng Hari ay agad nya kaming inanunsyo at pinag buksan ng pinto.
Naka suot ng puting roba at nakatalikod sa pwesto namin si Haring Marcus nang makapasok kami sa loob.
"Greetings to the magnificent Sun of the Realm" sabay naming pagbati ni Arcus at lumuhod.
Humarap samin ang Hari at nanigas ako ng makita kung gaano kaaliwalas ang kanyang itsura.
What happened to the sinister aura?
"Ako lang ba o napapansin mo rin na parang may nagbago sa Hari?" Kausap ko kay Arcus sa isip.
"Oo meron nga siguro dahil nagkita na sila ng Reyna, pagkagising kasi nya ang Reyna agad ang hinanap nya eh." Sabi naman ni Arcus sakin.
BINABASA MO ANG
The King's Harem #1
FantasíaThe King Series #1 COMPLETED/R-18 Vampire-Romance Fantasy Sweet as honey bee alas she was named Melitta a barren woman with a mysterious ability and a mysterious past, determined to recover her memories she was captured from the seas and became a sl...