"Mataku..." sabi ni Fuma sa wikang japanese.
Narinig iyon ni Yel dahil nakaka-intindi siya ng Japanese "gome ne"
"WATCH OUT WHERE YOU'RE GOING!" masungit na sabi ni Fuma.
"Ay pasensya na ah?" (sikat nga, ang yabang naman). bulong ni Yel.
"Anong sabi mo?" sigaw ni Fuma.
Nagulat at sinabi ni Yel na "hindi ka naman siguro bingi at mabuti nakakaintindi ka ng Filipino, para hindi ako mahirapan mag-english, ma-nosebleed pa ako sayo."
"Aba? Hoy! Hindi mo ba ako kilala huh?" sabi ni Fuma.
"Hindi, at hindi ako mag-aabalang kilalanin ka." banat ni Yel.
"Ya! Ige mwoya??" tanong ni Erean sa wikang Korean.
"Naku wag mo na lang pansinin" sabi ni Yel kay Erean. Nakakaintindi din si Yel ng Korean pero mas bihasa siya sa Japanese.
"Hoy Ate! Alam mo bang sikat siya sa Japan! Siya ang hottest guy 'no?"
"Research, research din pag may time ate!" sabi ng mga fans ni Fuma.
"Gaya nga nang sabi ko wala akong balak kilalanin yang DUCK FACE na yan!" galit na sabi ni Yel.
"Aba? Ayos ka huh? Duck face?? Ako??" tanong ni Fuma.
"Hindi... yung mga fans mo! Paulit-ulit?" banat ulit ni Yel.
"Ah... aba? Ah alam ko na nagsusungit ka sa akin para mapansin kita, kunwari galit ka pero ang totoo gusto mo ako." Hirit ni Fuma.
"Ano?? Ang kapal naman ng mukha mo, kasing kapal ng maleta mo! Asa ka namang magkakagusto ako sayo eh ngayon lang kita nakita!" sigaw ni Yel. "Tara na umuwi na tayo!" sabay hatak kay Erean papa-uwi galling airport.
[Sa bahay ni Yel...]
"Gusto ko sanang mag-sorry pinapunta pa kita sa airport para sunduin ako tapos ganito ang nangyari sayo, gomenasai~" malungkot na sabi ni Erean.
"Hay naku ang drama mo okay lang 'no? diba nakita mo naman pagkainis niya so it means panalo ako marami kaya ako naibato sa kanya haha!" pagmamalaki ni Yel.
"Oo nga eh, dito muna ako mag-stay kasi di ko pa sinasabi sa eomma ko na uuwi ako, kanina ko nga iti-next eh sana nabasa niya" sabi ni Erean.
"Okay lang, kahit forever ka na lang dito para may kasama ako mag-fangirling hehehe nga pala oh binili ko para sayo." sabi ni Yel at saka ibinigay iyon kay Erean.
"Kyaa!! Super Junior!! Omo... si... si Yesung! Hala Eru, hindi mo naman kailangan gawin ito wala tuloy akong regalo sayo" sabi ni Erean.
BINABASA MO ANG
Like? or Love?
RandomPrologue: Si Yel ay isang matalino, masipag at makulit na college student, si Kento ay isa namang half Japanese, half Filipino na bestfriend ni Yel, pareho silang nag-aaral sa isang Multimedia College, pareho rin ng kursong kinuha. May secret feeli...