EPILOUGE

89 5 1
                                    

-----------

"Maayos naba ang lahat?." Rinig Kong tanong ni Dark sa tauhan niya. Nilibot ni Dark ang paningin niya sa buong rooftop. Kasalukuyan kaming nasa isang hotel na pagmamay ari nila. Nasa rooftop sila at naghahanda habang ako naman ay nasa hamba lang ng pintuan nakatago habang paimpit na humagulgul.

"Yes sir, Si Ma'am nalang po ang kulang." rinig kong sagot ng tauhan niya. Ngumiti si Dark habang nilibot ang paningin sa buong rooftop. Tumango ito saka ngumiti. Yong ngiti niya ang pinakamamis ko pag alis ko.

Today is our anniversary!

I'm sorry!

Nag uunahang umagos ang luha ko habang nakatingin sa napakagwapo niyang mukha. Kanina pa ako dito sa hamba ng pintuan habang nag sisimula sila sa pag hahanda. Mas nauna pa nga ako sa kanila. Gusto Kong masilayan sa huling pagkakataon ang mukha niya.

Tumango si Dark.

"That's good then. Once she enter that door, you'll know what to do."

Dali dali akong nagtago ng napunta ang mata niya sa pintuan ng rooftop. Lumipad kaagad ang palad ko sa bibig ko upang pigilan ang lakas na pag iyak. Nahihirap ako at ang sakit sakit habang nakikita ko Itong sobrang excited at nagagalak.

Ramdam ko ang kaba sa boses ng lalaking pinakamamahal ko pero at the same time nagagalak. Ang sikip sikip sa dibdib ko. Parang gusto ko nalang magpakita sa kaniya at tumakbo palapit sa kaniya at yakapin ito ng mahigpit at halikan kong kailan ko gusto.

Please take all the pain away.

Dahan dahan ulit akong sumilip upang Makita ko siya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pag iyak pero kaagad ko itong pinunasan upang Makita ko pa ang mukha niya.

Ito yong huling araw na Makita ko Ang mukha ng lalaking mahal ko.

I'm sorry!

Mas Lalo akong naiyak. Sunod sunod umagos ang luha ko. Ang sikip sikip sa dibdib habang pinapanood mo itong nakangiti habang tinitingnan ang buong rooftop.

Nagtago ulit ako at pumikit ng mariin habang dinamdam ang sakit sa dibdib. Para akong pinapatay ng paulit ulit. Tumingala ako at kaagad kong tinakpan ang bibig ko upang pigilan ang hagulgul.

Gusto Kong lumabas. Gusto kong magpakita sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero isang matinding pagpiligil ang ginawa ko sa sarili ko.

Isa, dalawa, tatlo, apat, Lima, anim, pito, Wala, siyam, sampong oras akong nanatili doon sa hamba ng pintuan habang umiiyak ng palihim. Hindi ko maihakbang ang paa ko paalis, na parang merong nakadagan sa aking mga paa na mabigat na bagay.

"Sir? Nilalamig na Po Ang pagkain?." rinig Kong isang boses sa rooftop. Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng rooftop at sapat na un para marinig ko ang pinag usapan nila.

Hindi ako tumingin at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magpakita at tumakbo palapit sa kaniya.

Hindi ko narinig ang sagot ni Dark sa tauhan dahilan para sumakit Lalo Ang dibdib ko. Nag uunahang umagos ang luha ko. Pumikit ako ng mariin pero kaagad din akong nagmulat ng mata ng marinig ko ang pagsabog sa langit.

12am.

Tapos na ang anniversary namin.

"Sir?pasensiya na pero sumabog na Po Ang surprised niyo para Kay ma'am at mukhang Hindi na darating."

Lumipad ulit ang palad niya sa bibig niya ng napatingin siya sa itaas ng langit pagkatapos sumabog ang mga fireworks at hindi ko inaasahan na mas lalong madurog ang puso ko ng mabasa ko ang nakasulat sa itaas ng langit.

WILL YOU MARRY ME?

Fuck!

Nanlabo na ang paningin ko sa luhang parang tubig na umagos. Halos hindi ko na Makita ang paligid dahil sa luhang nasa mata ko.

"Shut up, She's coming, maybe she's late. Darating siya para sa akin, alam ko un. Hihintayin ko siya dito. Baka na late lang yon."

Mas lalong nadurog ang puso ko ng marinig ko ang nanghihinang boses ng pinakamamahal Kong lalake. Nanghihina ang boses niya at mababakas sa boses niya ang sakit. Nakayuko ito habang nakasandal sa concrete ng rooftop na haggang bewang niya lang.

I'm sorry!

Please don't wait for me!

Bago ko pa hindi napigilan ang sarili ko ay tumakbo na ako paalis sa hamba ng pintuan pababa sa hagdan ng rooftop. Kahit ang hinahina ko ay kinaya ko. Kahit ang sakit sakit kinaya ko.

Damn it!

DARK KAIOUS MONTECILLO OBSESSION (ON GOING)Where stories live. Discover now