Chapter 6: Past

10 1 2
                                    

Ayana's POV

Tinakpan ko ang aking malalalim na eye bags pati na rin ang mata kong parang namamaga kakaiyak kagabi gamit ang concealer. Naglagay na rin ako ng kaunting make up dahil mukha akong patay sa sobra kong putla.

Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at tinodo ko ang pag-iyak kagabi? Mukha na tuloy akong haggard ngayon!

"Saan punta mo, Ate?" mapang-usisang tanong ng magaling kong kapatid na nakadungaw sa may pinto.

"Nag-aya nga ng dinner si Carrol sa condo niya," sagot ko naman.

Kanina pa tanong nang tanong itong makulit kong kapatid kung saan daw ba kasi ako pupunta, as if naman magbabago ang sagot ko sa kaniya.

Nga pala, akala ko talaga totoo 'yong sinasabi ni Carrol na mag g-girls' night out kami, 'yon pala simpleng dinner lang sa condo niya, pero ayos lang, ang mahalaga makakapagsama samaulit kaming magkakaibigan.

"Weh? Baka mamaya may date lang kayo ni Kuya Eric eh?!" tukso niya sa akin.

Inirapan ko naman siya at hindi na pinansin pa at nagpatuloy na lang sa pag-aayos sa aking sarili. Minsan kasi ay papansin talaga itong kapatid ko, at the more na pinapansin mo siya ay the more ka niyang iinisin.

"Ewan ko sa'yo, bahala ka nga diyan!" pagtataray ko sa kaniya at kinuha na ang aking bag.

"Aalis ka na?" wika niya at hinarangan ang aking dadaanan.

"Malamang!" sarcastic ko namang sagot. "Tabi nga! Dadaan ako! Harang harang ka pa kasi eh!"

Akma na sana akong dadaan sa gilid niya nang bigla na naman niyang hinarangan ang dadaaanan ko. Para tuloy kaming nagpapatintero sa ginagawa niya.

"Hoy! Ano ba 'yan!" inis ko namang sabi at hinawi siya sa dadaanan ko.

"Ano na naman ba 'yan?! Nag-aaway na naman ba kayo?! Kalaki laki n'yo na ah?!" sigaw ni mama mula sa kusina.

"Ito naman kasing si Ate, gusto lang naman sana kitang ihatid papunta sa sakayan," agad na sabi ng magaling kong kapatid.

Tindi niya rin talaga gumawa ng palusot.

"Hindi na! Kaya ko na ang sarili ko!" sabi ko at dinaanan siya.

Nagpunta naman ako sa kusina at nagmano kay mama bago ako nagpaalam. "Aalis po muna ako. Si Papa po? Wala pa rin po ba siya?"

"Wala pa ang tatay mo, nasa opisina pa, overtime yata siya ngayon. Ingat ka," wika ni mama habang nagluluto.

Lumabas na ako sa aming bahay at naglakad papunta sa sakayan ng jeep, mabuti na lang talaga at isang jeep lang ay makakapunta na ako sa condo ni Carrol, at hindi rin naman kalayuan ang sakayan ng jeep mula sa aming bahay.

Samot-saring mga ingay ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa terminal ng jeep, gaya na lang ang ingay ng mga natitinda sa paligid, sigaw ng mga barker ng jeep, pati na rin ang mga kuwentuhan ng mga pasahero.

Dumidilim na kaya naman sumakay na ako sa jeep na dapat kong sakyan papunta sa condo ni Carrol. Hindi rin naman nagtagal ay napuno na ang jeep at umalis na ito.

Pinagmasdan ko ang mga estruktura at mga bahay na madadaanan ng jeep na aking sinakyan, hanggang sa hindi ko namalayan na oras na pala para bumaba ako rito.

"Para po!" sigaw ko at huminto ang jeep.

Bumaba naman na ako at naglakad papunta sa condominium building kung saan kasalukuyang nakatira si Carrol. Pumasok na ako sa loob ng building at sinabi sa guard na bisita ako ni Carrol para papasukin niya ako sa loob.

The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon