"Shet, Khalia! Feeling ko course natin ang tatapos sa akin!"
Kakatapos lang ng midterm exams namin. Ang bilis lang ng araw. Thank God dahil mukhang naipasa ko naman lahat ng exams ko.
"Bakit hindi tayo makipagclose sakanila? Para madami tayong friends ganoon," napansin yata ni Loraine na nakatitig ako sa mga kaklase naming may kanya kanya nang circle of friends. Ayoko, wala akong balak makipagclose sa kanila.
I pinched her cheek and smiled at bit bago ako sumagot. "Huwag na, sis. Aalis rin naman ako," nakita ko pang naguluhan siya sa sagot ko.
"Huh? Don't tell me suko ka na sa course natin!? You're doing great, Khali! Mukha ngang basic lang sayo ang gumawa ng plates, e." seryosong sabi niya.
Two months na ang nakalipas, wala pa din akong inoopen kay Loraine na lilipat rin ako pagdating ng second sem. Ayokong malaman niya dahil baka masaktan siya. Sobrang close na kasi namin sa isa't isa. Alam ko rin naman na deserve niyang malaman. At least magiging handa siya pag wala na ako. I know she can make new friends. Jolly siyang tao, e. Sa tingin ko naman kaya niya ulit makipag halubilo sa iba. Gaya noong nakipagclose siya sa akin. Napaka dali niya lang akong nakuha.
"Gaga! Lilipat ako ng campus sa 2nd sem. Malayo kasi ang bahay namin sa campus na 'to. Nahihirapan ako magbiyahe," I answered.
Bakas ang gulat sa mukha niya pero kaagad rin lumiwanag iyon. "Hala! Pareho tayo! Sama ako, ha? Sabay tayong magtransfer. Walang iwanan, Khali!"
Naikwento rin niya ang dahilan kung bakit naenroll rin siya sa campus na 'to bago pa dumating ang prof namin.
Nagpagawa lang ng plates ulit sa amin 'yung prof na pumasok. Pwede na umpisahan ngayon pero mas gusto kong ginagawa ang mga plates ko sa bahay.
"Ate!" Sinalubong ako ng kapatid ko. She's 6 years old. Dalawa lang kaming magkapatid. Our parents already separated noong 1 year old si Kezhia.
CEO si Mommy sa isang kumpanya. Ganoon rin naman si Daddy noon, ewan ko lang ngayon. Bilib ako kung paano i-manage ni Mommy ang time niya. Alam kong busy siya sa work, pero never naming naramdam na nagkulang ang oras niya para sa aming magkapatid.
I can tell na napalaki niya kami ng maayos. Matino naman ako, hindi nga lang halata. Alam kong matino rin si Kezhia paglaki niya. I am good in school, Kezhia too kahit kinder pa lang siya. Kahit doon man lang sa bagay na 'yon gusto kong makabawi kay Mommy sa pagtataguyod niyang mag isa sa amin. Kahit isang beses, hindi ko siya nakita o narinig na nagreklamo. Our best Mom, indeed.
"Oh 'nak, wala ka pa bang jowa nyan?" Ang random ng tanong ni Mommy, ha! Hindi ko inexpect 'yon. Buti na lang ay tapos na akong kumain. Kung hindi mabubulunan siguro ako sa tanong na 'yon.
Hindi ko pinansin ang tanong na 'yon at tinitignan ko lang kumain si Kezhia. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Mommy.
"Mommy.. wala pa po 'yan sa isip ko. Mag aaral na lang po muna ako. You exactly know what happened last time, right?" Tipid akong ngumiti.
She even asked me if masakit pa rin. I'm okay now. Wala lang talaga sa isip ko ang pag ibig na 'yan. Love can wait naman. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko na susugal ulit sa isang tao.
"Sus, baka naman tinatago mo lang sa akin. Hindi naman ako magagalit!" She joked.
Days passed, busy na naman sa school. Tambak na plates ang pinapagawa kaya minsan halos hindi na ako natutulog para lang tapusin ang mga iyon.
"Punyeta," bulong ko sa sarili ko nang mabangga ako ni Ryle. Nagmamadali na kasi akong pumasok sa classroom dahil akala ko late na ako. Hindi pa pala dahil nasa labas pa 'tong mga kaklase ko.
YOU ARE READING
Playlist
FanfictionSome people badly wants to protect us but ending up hurting our hearts. Caleb really wants to protect Khalia's heart. For some reason, he was too afraid of protecting her because he might hurt her without meaning it. He really felt the pressure beca...