Kabanata 8

12 1 0
                                    





Kabanata 8


Valentine's Day


Tulala ako sa hapagkainan umaga ng Biyernes. Hindi pa rin ako nakabihis at heto pa rin ako ang bagal ng usad. Nasa pintuan ng bahay ang paningin ko at tulala ang mga mata habang ginalaw-galaw ko lamang ang pagkain sa aking plato gamit ang kutsara.


Nakakawala ng ulirat ang mga iniisip ko nitong nagdaang mga araw. Sa katotohonang palagi kong iniisip ang mga damdamin ko sa masungit na iyon ay parang hindi ako makapaniwala. Hindi makapaniwala dahil ilang araw ko pa lang naman siyang nakilala ay may nabuo na akong damdamin sa kanya.


Oo, inaamin ko. Parang nagugustuhan ko na siya pero gusto kong sabunutan ang sarili dahil tumatatak sa utak ko ang mga katagang kaya ko lang naman siya nagustuhan dahil sa hitsura niya, nang dahil lang nakita ko ang FB account niya at kung gaano pala siya ka-hot sa profile picture niya. Parang akong katulad sa mga babae diyan sa tabi-tabi na nagkakagusto sa isang lalaki dahil sa hitsura nito at pisikal na pang-anyo.

Hindi ko tanggap ang damdamin ko sa lalaking iyon. Inaamin ko pero ayaw kong malaman nito na may nararamdaman pala ako sa kanya. At isa pa, napaka-bata ko para sa masungit na iyon. Imagine, Grade 12 na siya at ako Grade 9 pa? Masyadong di kaaya-aya sa paningin ng iba dahil ang babata pa namin.

At kung di na kayo bata, aber? UGH! So, what? Wala akong pake basta at hindi ko i-to-tolerate ang feelings ko. Base nga sa MAPEH teacher namin na si Ma'am Fontillas, ang mga nararamdaman ngayon ng mga teenagers na katulad ko ay isang infatuation lamang. Physically attracted to someone lang.

Siguro ganyan lang ako at isa pa, normal lang naman daw na magkagusto sa isang tao. Part iyan sa growth ng isang tao. Or siguro nga ang nararamdaman ko lang ngayon ay pag-i-idolo sa kay Kuya Deus lang because I was shock but at the same time awed when I saw how built he is. Hindi kapani-paniwala to the point na nakakamangha. Yes, namamangha lang ako. Namamangha. Pero paano iyung reyalisasyon kong nagugustuhan ko siya? Ano iyon? Pag-i-idolo at pagkagusto, pareho ba iyon? Pareho naman diba kasi kaya mo iniidolo ang isang tao dahil nagustuhan mo siya? Nakakalito.


Nabalik lang ako sa aking ulirat nang sitahin ako ni Mama na nasa labas ng pintuan.


"Ano ba ang ginagawa mo diyan, Sam? Kumain ka na at mali-late ka na sa klase. Mag-a-alas siete na, oh?" Aniya at kahit na sinita na ako ay naging mabagal pa rin ang kilos ko at may kung ano sa tiyan ko na nagpapawalang gana sa aking kumain.


Alam ko naman na kaka-alas sais pa lang at matagal pa bago mag-alas siete. Minsan, papraning itong si Mama, eh.


Kaya naman tumayo na ako sa upuan kahit na kaunti lang ang kinain ko. Wala talaga akong gana. Parang natatae pa ako kahit na kaonti lang naman ang laman ng tiyan ko.


Naligo na ako't nagbihis. Basta-basta ko nalang kinuha sa cabinet ang uniform ko. Green skirt, white blouse, pati green necktie na ilang taon nang nakasabit sa tukador ay kinuha ko. Wala naman akong school shoes kaya yung parating sinusuot kong white rubber fashion shoes ang sinuot ko na pinarisan ng puting medyas sa ilalim.

Wala ako sa sarili at hindi ko inisip ang oras. Ni hindi ako concern sa oval na lilinisin ko pa dahil sobrang okyupado ang utak ko sa mga kaisipang hindi dapat iniisip.

Drops of my MemoriesWhere stories live. Discover now