Chapter 5

94 5 0
                                    

                                                                                          Mayera's POV

Masarap ang simoy ng hangin, makulimlim pero hindi mukhang uulan, tahimik... Nandito ako ngayon sa isang balcony sa may library. Hindi ako makaisip ng ido-drawing na isang floor design para sa isang hotel. Nagresearch na ako. Nagbasa-basa pero walang pumapasok sa isip ko. Punong puno na kasi.

Iniisip ko parin yung mga sinabi ni Kyle nang magkausap kami nung nakaraang linggo. Nagkaroon ng permanent amnesia si Nic. At ako, hindi niya ako pinansin nung magkabunggo kami dahil ako daw yung isa sa mga nakalimutan niya. Certain things lang ang nakalimutan niya... At ako yun. Ako, ang mga magulang ko, at memories naming dalawa. Hindi ko naiwasang umiyak nang malaman ko yon...

Maaari daw na nagpapanggap lang si Nic na nakalimutan na niya ako. Hindi ko naman masisisi si Nic kung galit siya sa akin. After all, it's my fault. Kung bakit siya nabunggo, nabalian ng mga buto, at na-coma. I think I deserve this, being forgotten...

Pati kaya yung pangako niya sakin na hindi niya ako iiwan, na mamahalin niya ako pagpakailan-kailanman... kakalimutan nalang din niya? Lahat ng pinagsamahan namin... Kakalimutan niya?

I was drowning within my deepest thoughts of him, when I suddenly felt inspired to draw. Kinuha ko ang bag at sketchpad ko at lumipat ng pwesto. Nagpunta ako sa garden, sa center fountain. Nakapatay naman ito kaya hindi naman ako mababasa. Umupo ako sa edge... Konti lang ang mga estudyante dito kaya pwede na rin. Gusto ko kasi tahimik...

Nang matapos akong magdrawing ay nagligpit ako ng gamit pero naalala ko, may nalimutan ako sa library. Shit naman, 5th floor pa naman yun. Ano kaya yung nakalimutan ko? Nang maalala kong nalimutan ko yung wallet ko at napagalaw ako na parang ewan at natabig ko yung bag ko... Nahulog sa tubiiiiiggggg. WAAAHHHHH! Mabuti nalang Water proof yun, kaso... It's a pain in the ass. T.T kailangan ko pang mabasa! Medyo napalayo kasi yung bag. Ewan ko ba kasi.

Tinanggal ko ang sapatos at medyas ko. Pinagtitinginan ako so I felt conscious. Umupo ako sa edge at isinawsaw ang paa ko. Hindi makuha yung bag ko. Ano ba'yan. Medyo nagtagal ako sa pagkuha, pinagtitinginan na ako! Tyaka 5pm kasi nagbubukas na itong fountain. I need to hurry up! I checked my wrist watch and... Shet! 4:59 na! Nabadtrip ako at bumaba na ng tuluyan sa tubig at pinulot ang bag ko gamit ang kamay ko. Nabasa ang halos buong palda ko, at yung long sleeves ko. Pag tayo ko ay bumungad sa harap ko si Nic.

Nagulat ako at napaatras. May naapakan akong matalim, ang sakit! Dahil doon ay na-out of balance ako at napaupo.

"Waaahhhhh!!!"

"Uuuuy!" Narinig ko ang boses ni Nic pero hindi ko na siya nakita kasi lumubog na yung ulo ko sa tubig ng fountain. Bakit ba kasi bang lalim neto? Agad akong tumayo kasi hindi ako nakapag-baon ng hininga. Sa pagtayo ko ay narinig kong may mga nagtatawanan.

"Halika na." Tinulungan ako ni Nic sa pagahon. Nasa edge lang siya. "Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko... Gusto ko siyang yakapin, kamustahin, pero... Pero hindi pwede... I'm a complete stranger to him.

Hindi ko pinansin ang tanong niya. Kinuha ko ang medyas at sapatos ko, then I walked and ignored him. Pag alis namin ay saktong bumukas ang fountain. Good... We made it on time.

BOOK 3: The Forgotten Vow (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon