Kabanata 1: Ang Pagdating

9 1 0
                                    

Sa aking pagmulat may mga taong kakaiba ang itsura kumpara sa'min, sila'y matatangkad at may mga matatangos na ilong.

Sumasakit ang aking ulo at di ko alam kung na'pano ito. N-naalala ko na ang mga nangyari.....

Bago mangyari......

Masaya kaming nagdiriwang sa kadahilanang kaarawan ng unang anak ng aming pinuno, nagkatay kami ng baboy ramo't mga ligaw na manok. Ngunit biglang may nakita ang aking mga ka-mamamayan na tila isang malaking barko sa malayo, noong una akala ko'y ito'y maliit ngunit noong dumaan ang ilang minutong paglapit nito, ito'y lumaki. Pang dalawang balik na ng sasakyang pangkaragatan na ito at dalawang beses na naming naitaboy ang mga ito ngunit narito na naman ang mga puti.

Sa paglapit nito'y agad namin pinaulanan ng mga sibat at bato ang barko at agad namang natamaan ang mga taong aming nakikita. Ang ilan sa kanila'y namatay at ilan naman ay sugatan.

Naging alerto ang bawat isa samin at agad nag dampot ng mga kampilan, sibat mga pana na may apoy ang mga kalalakihan. Ang mga bata, matanda, at mga kababaihan ay lumikas patungong kweba sa taas ng bundok.

Ngunit may ilang mga kababaihang nagpilit na gustong umatake sa mga dayuhan. Nagtago kami sa may pangpang upang lusubin ang mga dayuhan.

Ilang minuto ang nakalilipas, dumating na't sinunggaban namin sila habang ang ilan sa'min ay nagtapon ng mga sibat at nagpaulan ng pana. Ang iba nama'y hawak ang espadang ginamit ng kalaban na napaslang.

Balik sa kasalukuyang nagaganap ngayon.
Nadakip ang mga kalalakihan habang ako at ilan pang mga babaeng nakipaglaban ay nakatakas. Pumunta kaagad kami sa pinagtataguang kuweba ng mga lumikas.

Pagkapasok ko'y nadinig ko na umiiyak ang mga bata. Sumulyap sa amin ang mga tao sa loob at agad napuno ng katanungan ang kuweba.

"Nasaan ang anak ko? Ba't kayo lang ang nandito?"

"Susunod ba si Diklom? Asan siya?"

"Ate! Nariyan ba si Kuya?"

Sunod-sunod na tanong ng mga tao. Bigla akong natulala, hindi ko kayang sagutin ang kanilang mga katanungan. Kailan kaya matatahimik ang isip ng mga nakatira rito, yung walang inaalala, na baka pag gising nila may nakatutok na mga patalim sa kanilang mga leeg.

Masyadong delikado ngayon lumabas para maghanap ng makakain, ipagsasabukas na lang ang paghahanap at maglilibot-libot muna kami ng ibang malalabasan ng kuweba dahil sa may pangpang naroon ang mga kalaban nagkakampo. Nakahanap na kami nang malalabasan ngunit makipot na makipot ang daanan. Dahil isa ako sa mga babaylan, pinahintulotan ako ng mga matatanda na mamuno sa paghanap ng pagkain at sa sekyuridad.

"Kung sino ang may lakas ng loob para lumabas dito ay sumunod saakin, at kung ayaw niyo namang lumabas bantayan niyo ang kuweba"

"Aalis tayo ng maaga bukas"

Anunsyo ko.

At sumapit na nga ang umaga, parang hindi natulog ang mga matatanda kakaisip sa kanilang mga kapamilya. Agad kami nagtungo para humanap ng pagkain.

Nang makalabas na'y nanibago ang aming mga mata sa liwanag at naging alerto ang bawat isa, at agad kami umakyat sa puno ng niyog. Naglatag na nga kami ng bitag para sa mga baboy ramo. Pinauna ko na ang dalawa naming kasama para ihatid ang nakuhang niyog ng sagayon ay makain at mainom na ng mga tao sa loob ng kuweba. At ang iba samin ay nag-antay sa taas ng mga puno at nag baka sakali na may mabitag kaming mga hayop.

Nagdaan ang ilang oras at magdadakip silim na ngunit wala pa ring kumakagat sa aming bitag. May na aninag kaming tao sa gawing malayo isa yata siya sa mga dayuhan na pumatay at inalipin ang aming mga ka-tribo, ngunit tila nag-iisa at nawawala ito kaya't nagtago muna kami sa mga sanga.

Papunta nga ang dayuhan sa may bitag, ilang hakbang na lang ay mahuhuli na ang kanyang mga paa. Sigurado akong mababalian ito ng buto dahil lahat ng mga nahuli naming hayop ay nabalian ng buto o kaya naman naputol ang mga paa upang 'di na ito makakatakas pa o pabagalin ang pagtakbo ng mga ito.

"Aaaaaaaa-" nahuli nga ang kanyang paa at dali-dali kaming bumaba at tinakpan ko ang bibig nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DayangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon