Chapter 38

87 2 0
                                    

Chapter 38

Diretsong nakatingin

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Dude! samin na ni Jarred sasakay si Hera at Mildred!" sabi ni Travis nang makarating na kami sa Costa Pacifica Resort.

Sasama rin sia David, Reinee, Trixx at Lauryn. Sa LandCruiser ni David sila sasakay. Etong si Travis ay isasama ang mga kaibigan ko sa Montero Sport niya. Hindi raw nagdala ng sasakyan si Jarred kaya malamang apat sila sa sasakyan. At ako, ipinagkanulo nanaman nila kay Brayden. Konting-konti nalang talaga, nararamdaman ko ng ibinubugaw talaga ako ng mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa pa sila eh. Pati sila Reinee ay natatawa rin.

Nasa biahe na kami. Wala kaming imik si Brayden, tila nakakabinging katamikan ang bumabalot sa madilim na kalyeng tinatahak namin.

Bumuntong hininga si Brayden.."M-arionne...."

Ako naman ay napalunok. "Ba-bakit?"

"I felt that you're avoiding my question. Can you please, tell me if you don't want to or not. You're upsetting me." mahina niyang sabi.

Kumakalabog ang puso ko. Tingin nya ba ayaw ko? Tss. Kinakabahan lang akong sagutin pero sa loob loob ko ay gustong-gusto ko! Gustong-gusto ko siya....

"Kasi Brayden....."

"Ayan ka nanaman sa kasi-kasi, anu-ano mo eh. Please be straightforward, Marionne. Matatanggap ko naman eh."

Gosh! Sinong babae ang aayaw sa ganito kagwapo at katipunong lalaki eh! Yes Brayden! It's a YES!

Pero merong bumubulong sa utak ko. Hindi ba masyadong mabilis Marionne? Katatapos lang ng heartache mo kay Kevin tapos magpapaligaw ka na agad? Paano kung mas masaktan ka rito? Gwapo ito at mayaman, samantalang ikaw hindi ganun kaangat sa buhay...Hindi ka naman nagmamadali diba??

Saglit akong hindi nakasagot ng dahil don. Narinig ko naman ang mumunting buntong hininga ni Brayden. Tila ba nawawalan sya ng pag-asa.

"Brayden, gusto mo ba talaga ko??" bigla kong tanong. Nakita ko namang naging curious sya.

"Hah? Oo naman.... Gusto kita, Marionne. Hindi naman siguro ako magpupunta dito sa Baler kung ayaw kita diba?"

Kumunot ang noo ko. Sya naman ay parang nagulat sa nasabi. "I thought, dito niyo napiling mag-outing kaya kayo nandito?"

Lumunok siya. "Okay, 'kay. Sinadya ko 'to. Pinilit ko sila para pumunta lang dito, and I fuckin' made that outing reason para lang makita kita. Okay?"

Feeling ko ay ang pula pula ng mukha ko. Salamat nalang at gabi na at hindi namin masyado kita ang mukha ng isa't-isa.

"Damn it, Marionne. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko talaga matagalang hindi ka nakakasama o nakikita. Kaya a week after mong umalis ay nagpasya kong sumunod dito, coz I really miss you...." saka niya itinigil ang sasakyan. Nauuna sila David at Travis kaya hindi nila napansin ang paghinto namin.

Hinawakan niya ang kamay ko, at pinagsalikop nya ang mga daliri namin. "Please, Marionne. Give me a chance, papatunayan kong seryoso ako sayo.. Please?"

Wala naman sigurong masama kung bigyan ko siya ng chance. I know na magkaiba kami ng estado sa buhay pero ayokong isiping magiging hadlang yon para magkagustuhan kami. Kasi in the first place, kung iyon lang ang hadlang, Brayden wouldnt give his attention to me. Hindi na siya pupunta pa rito para makita ako. Nararamdaman ko namang seryoso siya.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon