THE LETTER

412 27 4
                                    

July 14, 2013

Hi, babe! Kumusta ka na? Namimiss na kita. I miss hearing your laugh. I miss laughing with you. I miss your smile. I miss hugging you. I miss your jokes. I miss hearing your I love you's. Miss ko na lahat. Hindi ko alam kung tama ba 'yong naging desisyon ko. Pero wala na eh, nagawa ko na. Sorry ha? I had to do that. Sana pagkatapos mong basahin 'to, maintindihan mo ako. Marami akong sinulat dito na hindi o alam. Marami akong sinulat dito na hindi ko nasabi sa'yo. Pinapaalam ko 'to ngayom sa'yo kasi kailangan. Para malinaw sa akin. At malinaw sa'yo.

Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala? Nasa ball tayo no'n. My memory serves me well kaya naalala ko pa kung paano tayo nagkita.

Maingay no'n. Nasa isang sulok lang ako. Naghihintay ng oras kasi inip na inip na ako. Uwing uwi na ako no'n. Lumapit ka sa akin at inaya mo akong sumayaw. Noong una, ayaw ko talaga. I'm not fond of dancing kasi. Lalong lalo na ang slow dance. Hindi ako sanay plus nahihiya ako. Pinilit mo ako, hindi ka umalis sa harap ko hangga't 'di mo ako nasasayaw. Muntik ka pa ngang lumuhod no'n. Sabi ni Jenny, pumayag na raw ako. Tutal, malapit naman nang matapos ang party, ikaw ang first and last dance ko.

Hanggang sa pumayag ako.

No'ng nasa gitna na tayo, sumasayaw, sabi mo sa akin, matagal mo na akong tinitignan. Matagal mo na kasi akong gusto kaya lang, pinanghihinaan ka kamo ng loob na lapitan ako.

"You're so simple yet you're so pretty." 'Yan 'yong sinabi mo sa akin no'n na hindi ko makalimutan. First time kasing may nagsabi sa akin no'n. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Hindi ako makabitaw sa'yo, kasi ayaw gumalaw ng mga kamay ko.

Tinapos natin 'yong kanta. At ang dami nating napagkwentuhan. Hindi ako napagod kasi nawili akong makinig sa'yo. Babe, hindi ko pinagsisihang sinayaw kita.

Sabi mo sa akin, magkita na lang tayo ulit. Nag-promise ka pa nga. Um-oo naman ako.

Mga isang linggo na, wala, hindi kita nakita. Hindi ka nagparamdamam. Nawalan ako ng balita sa'yo. Hindi ko alam pero umaasa ako. Umaasa ako na baka bigla kang sumulpot sa kung saam at kumustahin ako. Na baka bigla kang magparamdam. Pero wala. Walang bakas mo.

Hinintay kita. Hinintay kita sa hotel kung saan naganap 'yong party. Hinintay kita sa labas no'n. Tinanong ko sa guard kung pumupunta ka do'n pero hindi raw. Hinintay kita araw-araw. Hinintay komg dumating ka.

Hanggang sa dumating ang isang araw na binalitaan na lang ako ni Bea na pinsan mo, na umalis ka. Pumunta ka ng America. You have no idea how you broke my heart. You have no idea how you shattered my heart into small pieces. You have no idea how much it hurts to know that someone whom I've been waiting for all along, left me.

Umiyak ako. Umiyak ako hanggang sa wala nang luhang pumapatak sa mata ko. Pero umiiyak pa rin ako. Umiiyak 'yong puso ko. Nasasaktan ako.

Bakit nga ba kasi ako nasasaktan no'n? Hindi ko alam kung kanino ba kasalanan. Sa'yo ba kasi hindi ka man lang nagsabi sa akin na aalis ka? Sa'yo ba kasi nagbitaw ka ng mga salita? Sa'yo ba kasi bigla ka na lang nawala?

Sa akin ba kasi umasa ako sa sinabi mo? Sa akin ba kasi naniwala ako sa pangako mo? Sa akin ba kasi hindi ko naman naamin sa'yo 'yong nararamdaman ko?

Oo, may nararamdaman na ako sa'yo. Kaya nga kita hinintay eh.

Tinatanong ko kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana. Saka ka umalis kung kailan handa na ako. Saka mo ako iniwan kung kailan handa na akong hawakan 'yong kamay mo.

Napagod akong umiyak. Napagod ako. Pero hindi ako napagod hintayin ka. Araw-araw kitang hinintay. Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Minsan, pumupunta pa ako sa hotel. Umaasang nandoon ka. Pero wala. Wala akong dadatnan doon. Hanggang sa uuwi na lang ako, umiiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The LetterWhere stories live. Discover now