Chapter 31

69 1 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-18-2018)


---


KATATAPOS LANG ng ginawang hearing tungkol sa ginawa ng mga kaklase ko na teamwork kahapon. Nawala na rin ang nerbyos ko, na kesa kaninang kulang na lang hihimatayin na sa sobrang atake ng aking konsensya.

Salamat naman, buti at ako at ilan sa mga kaklase ko, walang kinalaman dito.

Naglalakad ako kasama ang mga ka-gurlaloo ko pabalabas ng school. Di ba nga pinauwi na kami? Nasa hallway pa lang kami noong may humarang samin.

"Patty?" pagtataka ko. Mukha siyang kinakabahan na natataranta.

"Ally, buti nandito ka pa," sagot niya na hinihingal pa. "Tama lang, may ipapakita lang ako sayo, kailangan mong malaman to." Napakunot ako ng noo sa mga sinasabi niya, pati sina Lianne, Abby at Vhin, nagtataka na rin. May hinalungkat si Patty sa bag niya, tapos nilabas niya ang cell phone niya. May ipapakita yata sakin to, ano naman kaya?

"Ally, eto!" sabi ni Patty saka niya pinakita sakin ang mga pictures na nasa cellphone niya. Teka.. parang kilala ko to... di ba kaya si...

"I-I-Ivan??" pagtataka ko, habang tinititigan ang picture niya na may kahalikang babae. Di man ako sigurado, si Gretchen ang kasama niya. Halos natanggal na ang butones ng polo ni Ivan habang nakikipagpalitan siya ng laway kay Gretchen.

Nakatitig lang ako sa picture, at hindi ako makapagsalita. Ano ba ang magiging reaction ko, magugulat ba, magagalit, o ano?

Ano na naman bang kahihiyan pa ang pinapakita niya? Hindi panga nakakapg-sorry tapos ganyan pang katarantaduhan ang ginagawa niya? What the—

"Ally, si fafa Ivan ba yun?" tanong ni Vhin.

"Oo, siya nga," sinagot na ni LIanne ang tanong na dapat sakin.

"Ku-kuya?" pagtataka rin ni Abby, siguro tulad ko, nagulat din sa nakita niya.

Nakatitig lang ako sa pinakita ni Patty. Walang biro nga, si Ivan, may kasamang babae. How dare is he to do this to me? Waw, at HINDI MAN LANG NAHIYA!

"Patty, totoo ba to?" tanong ko na may kasamang mixed emotions. I just can't believe it.

"O-oo, Ally," sagot niya, nanginginig siya.

"Kailan lang nakuha to?" tanong ko.

"Di-di ko alam," sagot niya. "Ally, di ko nga alam kung sino ang kumuha nan, may nagpasa lang sakin."

"Sino?"

"Hmm... di ko kilala."

"SABIHIN MO KUNG SINO!" pasigaw ko nang tanong. Gusto kong malaman ang lahat! Etong nakakapatay na pagtataksil niya sakin, ang katarantaduhan na nakakasakit na sa puso... buwiset!

"Ally, tama na!" pang-aawat sakin ni Abby, niyakap niya ako sa aking likod para mapigil ang galit ko. "Ally, tama na, di lang naman ikaw ang galit eh, ako rin Ally. Nahiya na rin ako, lalo pa sa pinsan kong pinagkakatiwalaan ko. Nagulat rin naman ako eh."

"Yan, diyang magaling ang pinagkakatiwalaan mong pinsan, sa pagiging mayabang, makasarili, pati lang, marunong na ring magtaksil! Buwiset!"

"Ally, tama na!" sabi pa ni Abby, na umiiyak na rin.

"Abigail, kausapin mo ang kuya mo, tungkol sa nakakahiyang ginawa niya," naiirita kong utos sa kanya.

"Talaga, Alliana, kakausapin ko," sagot niya.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon