[BOLCT-FIFTEEN]

3.4K 103 0
                                    

[BOLCT-FIFTEEN]

Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili ko. Naglakad ako ulit pabalik, kung nasaan sila.

"Nel, bakit ang tagal mo?" puna pa ni ate Moana sa akin.

"Tinawagan pa kasi ako ni Veronica," sagot ko.

"Come on. Let's have some snacks," yaya pa ni Enzo.

"No but thanks. Una na ako," biglang singit ng pinsan ko.

"Pero..." pagtutol ko pa.

"Una na ako, Nel," paalam pa ulit ng pinsan ko at kumaripas na nang lakad palayo. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Ano ba nangyari?" pang-uusisa ko.

Napahilamos naman si Enzo sa kanyang mukha.

"We talked but she always refused," sagot niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Okay lang ba kung itanong ko kung bakit?" paalam ko pa.

Ayaw ko rin naman kasing manghimasok ng basta-basta. Napatango naman siya.

"Ayaw niya na talaga sa akin, Nel."

Bakas sa mga mata niya ang matinding lungkot at pakiramdam ko ay nagagalit ako rito sa loob-loob ko. Ano ba talagang problema ni ate Moana? Dahil 'di ko talaga siya makuhang intindihin. Tinapik ko na lamang ang balikat niya.

"Subukan pa natin," sabi ko pa ng punong-puno ng encouragement. Napatingin naman siya sa akin.

"Thank you," mahina niyang sagot. Napatayo naman ito bigla.

"Let's not spoil the day. Come on," aniya pa at biglang hinawakan ang kamay ko. Para akong tangang hindi magkamayaw sa gagawin ko.

"Teka lang Enzo," awat ko pa pero ngitian niya lang ako.

Napapayuko na lang ako sa hiya. Naiilang ako sa ginagawa niya. Napatingin ako sa paligid namin. Putik! Puro couple ang nandito, 'yong iba naman, dala ang mga anak nila. Wala akong nakikitang magbabarkada man lang.

"Nel? Gusto mo ng ice cream?" tanong niya pa sa akin habang kaharap ako at naglalakad nang paatras.

"Ah oo," tipid kong sagot.

Nginitian niya lang ako at umayos na siya sa paglakad. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hanggang ngayon kasi ay hawak pa rin niya ang kamay ko at nakakailang ito sa part ko. Alam kong normal na pagkakahawak lang ang ginagawa niya pero ang laking epekto nito sa akin. Pakiramdam ko, parang mapipigtasan ako ng hininga. Sa biglaang pagsimoy ng hangin ay siya ring pagdala sa malakas na pabango ni Enzo.

"Nel, anong flavor ang gusto mo?"

"Axe," wala pa sa sarili kong nautas.

Bigla namang napatawa si Enzo at pati na ang sorbetero. Napakunot ako ng noo. May nasabi ba ako?

"Nel are you sure? There's no axe flavor in ice cream," aniya at napatawa ulit.

"Cheese, ube at choco lang po ang mayro'n sir," singit pa ni Mamang sorbetero.

Napapitlag ako. Putik! Naisagot ko ba 'yong axe? Napatampal ako sa noo ko at nahihiyang ngumiti na lamang. Gusto ko yatang lumubog na sa kinatatayuan ko.

"Choco na lang," nakayuko ko pang sabi.

Tanga mo Nel! Day dreaming! Isisi sa pabango! Lakas maka-high e. Nanunuot pa sa ilong ko ang malakas niyang pabango. Iniabot naman niya sa akin 'yong ice cream.

"By the way Nel? My body spray is axe," aniya pa at todo kung makangiti sa akin, 'yong tipong nakakaasar.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Napatalikod ako at napapikit ng mariin. Diyos ko! Nakakahiya!

"Nel! Come on. Let's try skateboarding," yaya niya pa.

Nag-aalangan tuloy akong lumapit sa kanya. Gusto ko na yatang umuwi. Ang dami kong katangahan ngayong araw.

"Nel?" untag niya sa akin nang mahinto ito sa tapat ko habang nakasakay sa skateboard. Sinimangutan ko siya at kinain muna 'yong ice cream.

"Pahiram," sabi ko pa at inagaw 'yong skateboard saka sinakyan ito.

Matagal na akong 'di nakakapaglaro rin nito. Siguro mahigit isang taon na rin. Naibenta ko kasi 'yong skateboard ko nang magipit ako sa renta sa bahay.

Ginawa ko 'yong trick na gustong-gusto ko. Naglalakad sa ibabaw ng board. Kumbaga ay salitan ng paa.

"Woah! I'd never thought you knew how to play that," bungad pa ni Enzo sa akin habang nakasakay naman sa scooter.

"Favorite past time ko lang pero naibenta ko na 'yong board ko last year pa," sagot ko.

Nahinto kami sa may mini garden. Pareho kaming huminto sa pagsakay sa skateboard at scooter. Umuna akong umupo sa bakanteng bench, saka naman din siya umupo sa tabi ko. Mukhang malalim na naman ang iniisip niya dahil panay ang pagbuntong-hininga nito.

"Enzo?" pukaw ko sa kanya. Saka naman siya napalingon sa akin at ngumiti.

"Ano ba magandang gawin? Surprise dinner date?" aniya.

Napaawang ang bibig ko pero napatikom ito ulit. Akala ko ay kung ano na ang iniisip niya.

"Ikaw bahala kung gusto mo ng surprise date," sagot ko na lamang.

"Help me, Nel. Please?" sumamo niya.

"S-sige," alanganin ko pang sang-ayon.

Napaisip ako. Ano nga ba ang alam ko sa mga surpresang ganito? Nganga! Tss.

BUT ONLY LOVE CAN TELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon