Chapter 20:

2 0 0
                                    

Chapter 20:

Daddy: ACE! ACE!

Tumalikod ako at natanaw ko si daddy na pasugod papunta sakin. Nakatayo lang ako ng tuwid sa kinatatayuan ko. hindi ko alam ang gagawin. Naghalo ang kaba at takot sa buong katawan ko. parang gusto kong tumakbo papalayo sa lahat ng tao.

Biglang may lumapit kay daddy na isang lalaki at sinapak si daddy sa mukha. Mabilis na lumapit ang isang lalaki at hinawakan ang dalawang siko ni daddy. Tatakbo sana ako appalapit pero may naramdaman akong matulis na nakatusok ng bahagya sa tagiliran ko.

Lalaki: wag kang sisigaw o papatayin kita. Sumama ka samin Ace Hernandez.

Mahapdi at napakasakit ng kamay ko. Dinilat ko  ang mga mata ko at nakatali nalang ako sa isang poste. Bat ako nakatali? Pati mga paa ko ay nakatali. Tumigin ako sa paligid ko, nasa likod ang ang tatlong lalaking nakaupo sa upuan at nagiinuman. Shit, kinidnap ako ng mga lasinggero.anong gusto nila? Pera?

Ace: anong kailangan mo sakin?

Humarap sila sakin at tumayo ang isang lalaki  at lumapit sakin. Umupo siya sa harap ko at tumitig sakin.

Ace: anong kailangan mo sakin?

Lalaki: hindi kami ang may kailangan sayo. Si boss ang nangangailangan sayo.

Ace: sino ang boss niyo?

Lalaki: bat naman namin sasabihin sayo?

Ace: so kung hindi mo masasabi, anong kailangan ng boss mo sakin?

Lalaki: hindi ko alam, pero balita ko ibinenta ka na.

Fuck! Sino ang nagbenta sakin? Puta! Hindi nila ako pwedeng ibenta! Hindi nila ako pagmamay-ari!

Ace: at sino namang pontio pilato ang gumawa non? At sinong nagsasabing pagmamayari ako ng nagbenta sakin?

Lalaki: wala ka pang alam Ace. Pero sa unting oras, malalaman mo rin kung sino.

Ace: pano ko naman malalaman na totoo ang mga sinasabi mo?

Lalaki: bat kami magsasayang ng oras para sayo bata? Magsasayang ba kami ng oras sayo kung hindi talaga iniutos samin to?

Ace: so sinasabi mo na sunod sunuran ka sa boss mo?

Lalaki: tumahimik ka kung ayaw mong mabugbog.

Natakot ako. Pero kailangan kong alamin ang nangyayari ngayon. Kung sino ang nagbenta sakin.

Ace: anong balak-

Bigla akong sinamapal ng lalaki. Nakaramdam ako ng napakasakit at mahapdi sa labi ko. nararamdan kong dumadaloy ang dugo sa baba ko.

Lalaki: sabi ko tumahimik ka! sinusunod lang namin ang utos samin.

Nagvivibrate ang bulsa ko. ang phone ko! dala ko nga pala ang phone ko! salamat panginoon! Itinaas ko ang tuhod ko para malaglag sa  sahig ang phone ko. naku! Ayaw pang magpalaglag! Ginalaw ko lang nang ginalaw ang tuhod ko hanggang sa nalaglag sa sahig ang phone. Tumatawag si Enzo. Yes! Please Enzo tulungan mo ako! Iniikot ko nalaman ang sarili ko para makuha ko sa kamay ko ang phone. nang makuha ko na, pinindot ko ang accept. Desperado na akong matulugan kaya sumigaw na ako.

Ace: ENZO! PLEASE HELP ME!

Gulat na gulat ang mga lalaki at tumigin sila sa mga paligid na para i-check kung may tao sa paligid nila. Hanggang sa may isang lalaking nakakita ng phone ko sa kamay ko sa likuran. Agad siyang tumakbo at sinipa ang kamay ko. nawal sa mga kamay ko ang phone ko at may napakasakit na sensation na gumising sa buong katawan ko. Puta! Please lord tulungan niyo ako. Ayoko na.

If I were to stop loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon