Chapter 21:
Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nakatali sa poste. May tatlong lalaking nasa harapan ko at pinagmamasadan ang mukha ko. "nasan ako?!" sigaw ko. "relax ka lang" sambit ng isa. Tumalikod ang isa at bigla akong sinapak sa mukha. Nananakit ang buong mukha ko sa sapak niya. Isa, dalawa lima, walo. Hindi parin siya tumigil. Nanghihina na ang buong katawan ko. biglang may pumasok. Si Gio! "gio! Tulungan mo ako!" sigaw ko. tumakbo si Gio papunta sakin pero bigla siyang nilapitan ng isang lalaki at sinapak si Gio sa mukha. Bumagsak si Gio sa sahig at may inilabas na baril ang lalaki at binaril si Gio.
Ace: GIO!
Madilim ang buong paligid. Tumulo ang mga luha ko. gio nasan ka na? kailangan kita. Mali ako, nagkamali ako. Patuloy akong umiiyak. Please ayoko na, bat ako pinarurusahan? Ayoko na. bumukas ang pinto sa kwarto at may liwanag na tumanglaw. Nasa pintuan si Gio. At agad ko siyang niyakap.
Ace: Gio! Ayoko nang masaktan, saan ka pumunta? Hindi talaga kita kayang kalimutan. Bat ba hindi kita makalimutan. Nasasaktan ako Gio. Wag ka nang umalis sa tabi ko.
Bumitaw ako sa yakap at tinignan ko ang mukha ni Gio pero hindi si Gio ang nasa harapan ko. Si Enzo. Nasan si Gio? Si Enzo ba talaga yung niyayakap ko?
Enzo: what happened? I heard you scream.
Ace: I'm sorry. It's just a dream.
Niyakap ako ni Enzo. At niyakap ko rin siya pabalik. Please ayoko na.
Enzo: I can see that you missed Gio.
Ace: I do. I miss him. I miss him so much it hurts.
Enzo: you'll see him one day.
Ace: I hope so.
Enzo: I need to go. I have work to do.
Umalis si Enzo sa kwarto at naiwan akong nakatayo nanaman sa madilim na kwarto. Bakit nga ba madilim? Eh alam kong tanghali na. tumigin ako sa bintana at nakasara ang blinds. Binuksan ko ang blinds at nagliwanag ang buong kwarto. Pani bagong umaga nanaman at hindi nanaman ako pumasok. Excused naman siguro ako. Pero hindi yun ang importateng iisipin. Ang dapat kong isipin ay kung ano ang update ngayon tungkol kagabi. Pumunta ako sa banyo at binuksan ang ilaw.
Sino tong nialalang sa salamin. May galos sa mukha at sa labi. Para akong nangaling sa gera. Sino na ako ngayon? Bat ako nagkakaganito? Dahan dahan kong hinawakan at hinaplos ang mukha ko. kailangan mo pang bumangon Ace. Matatag ka pa. kaya mo sila labanan. Pinatay ko ang ilaw at umalis ng kwarto.
Naglalakad nanaman ako sa magarang bahay ni Enzo. Pagkababa ko ay nakita ko siyang nagsusulat sa napakapal na papel. Pinagmasdan ko siya kung paano magtrabaho. Tahimik, malinis, at parang napakaseryoso. Hindi ko alam kung hindi pa niya ako napapansin na nakatitig sa kanya. Shit, ang gwapo nga talaga niya.HOY ACE! LUMALANDIKA NANAMAN!
Enzo: how long are you going to stare at me like that?
Hindi ako makasagot nung una. Pakshit kasi ang kagwapuhan niya. Nauutal pa ako sa pagsalita.
Ace: i...um..no...I mean, sorry.
Tumigin sakin si Enzo at bigla akong namula. Puta! Obvious! Ngumiti siya at tumitig sakin.
Enzo: what?
Ace: nothing, I'll cook breakfast.
Enzo: I already ate. There's food at the table.
Pumunta akosa dining table at bonggang bongga ang nasa lamesa. Amerkanong Amerkano ang dating. Bacon, pancakes, eggs, toast, coffee, at kung ano ano pang halos hindi ko na kilala. Kumain lang ako ng kumain at naghugas ng pinagkainan.