Chapter 22:
Minulat ko ang mga mata ko. nararamdaman ko ang malamig na patak ng ulan sa buong katawan ko. nasan ka Gio? Nasa highway ako at nagkalat ang mga sasakyan kung saan saan. Biglang gumalaw ang lupa at ako'y napadapa. Hindi ko kayang tumayo dahil napaka lakas ng uga ng lupa. At ayun medyo humina at kinaya kong tumayo. Pagtayo ko, nakita ko agad agad si Gio na nakatayo sa malayo. Wala akong lakas na maglakad pero kinakaya kong tumakbo ng hindi gaanong kabilisan. Malapit na ako kay Gio. Palapit....ng ........palapit hanggang sa yakap yakap ko na siya.
Ace: Gio!
Bigla kong napansin na kalong kalong ko na ang bigat niya. Hanggang sa napahiga na ako sa sobrang bigat niya. Pag tigin ko sakanya, hindi si Gio ang kayakap ko pero kamukha ko. perpektong perpektong kamuka ko. namumula ang damit niya at dilat ang mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng takot. Hanggang sa mabilis siyang yumakap sakin at pumatong sakin. At pagkapatong niya sakin, agad akong nakaramdam na parang nahuhulog ako. Nahuhulog ang katawan ko.
Ace: AHHHHH!
Agad akong tumayo at pinakaramdaman ang sarili ko. madilim pa ang buong kwarto nang tumayo ako sa kama. Ano na nangyayare sakin?
Gio's POV
Masayang maglakad dito sa sidewalk. Andami kasing iba't ibang taong pwede mong makasalubong. Papunta ako sa Rudy's, isang fast food chain. Paborito ko yung special burger nila. Pero, may ibang umagaw sa attention ko. napadpad ang mga mata ko sa bill board ng Keaton Watches. May nakalagay na: Someone will change the face of time. huh? Di ko gets. Someone? So may bagong mayari ng kumpanya? Pero ang ganda ng advertisment nila. Parang pinapaabang at parang gustong ipaabang ng kumpanya sa mga tao kung sino yung someone na yun ah. Hayaan mo na nga! malapit nang maggabi eh.
Natapos na ang isang school year at para bang hindi kumpleto ang bakasyon ko na hindi ko nakikita si Gio ng personal. Eto ako ngayon, nakatitig sa larawan ni Gio sa facebook. Gio, na-mimiss na kita. Siguro kung nakikita kita sa malayo, tatakbo ako ng napakabilis para mayakap ka.
Gio's POV
Dumaan ang mga araw, linggo at buwan at para bang may malaking nawawala sa buong pagkatao ko. ito ba nang dahil wala sa piling ko si Ace? Nais ko mang buksan ang facebook ko pero grounded ako dahil nakakakuha na ako ng c- sa grades. Dumadami ang mga projects, homeworks at kung ano ano pang nagtutulak sakin na makalimutan sandali si Ace. Paminsan minsan, nagtatakas ako at pumupuntasa bahay ni Garren, duon minsan napapainom ako ng alak, nagsasabihan ng problema. Sa eskwelahan, magdadag ka ng nakakastress na proffesor, lumalanding mga babae, mga bully, at kung ano ano pang kumpilikadong mga taong hindi mo madalas makita sa eskwelahan sa maynila. Tumatagal na kaming hindi nagkikita ni Ace. Alam kong nasasaktan din siya nang dahil sa pagkawala ko. na mimiss ko na siya.
Enzo: I just want to ask you if you want to go in this school.
Ano ba? aatend ba ako dito sa bussines school? Bahala na, keri ko naman ang ABM.
Ace: yes. I do. When will I start?
Enzo: next month. 23rd of may. Are you sure?
Wala nang atrasan to. Aja!
Ace: yes. I am. But, I think I'm going to have a problem with the supplies.
Enzo: I'll have them covered.
Hay! Sobra sobra na tong ginagawa sakin ni Enzo!