Delaney
"I think it's yours?"
Shit! My diary! How come nasa kaniya?
"Y-yes, it's mine, ma'am." At agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat sa kaniya. "Binasa niyo, po?" Kinakabahang tanong ko.
"I did not. Besides, it's disrespecful if I did. And, I am not interested." Flat na saad niya pero diretso pa rin ang tingin niya sa mukha ko. Nakakailang! "But I accidentally read a note na nahulog from that diary. And don't worry, your secret is safe with me." She smirked at nilagpasan na ako.
Namumutlang naiwan ako sa room namin. Hindi pa rin ma-proseso ang nalaman. P*tangina! Paano napunta iyon sa kaniya?!
And worst, ang pinaka-ayokong malaman at mabasa niya ay iyon pa ang hindi nakatakas sa kaniya. Sh*ta!
I am begging, kunin niyo na lang po ako!
Arrrggg!
Nasa cafeteria na ako ngayon kasama ang mga kaibigan kong dugyot. Ang iingay nila at nag-aasaran na naman. Hindi ako nakikisali kasi wala ako sa mood. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina.
"Excuse me. Miss Bautista and Miss Reyes, pinapatawag po kayo ni Miss Gavien sa English Club Office." Saad ng babaeng medyo nerd tukoy-tukoy si Ate Jen Gavien, our EC President.
"Why daw?" Asked Reiz.
"Important meeting daw po for your upcoming event." Sagot nito at agad na nagpaalam ng sabihan namin itong susunod kami.
Agad naman kaming nagpaalam ni Reiz sa mga kaibigan namin at tinahak na ang daan papuntang EC Office.
Nandito kaya siya? Sana wala.
Pagkarating na pagkarating namin ay agad na kaming nagsimula dahil kami na lang pala ang hinihintay. Buti wala dito ang EC Adviser namin dahil kung hindi, magpapalunod na lang talaga ako sa kahihiyan. Nakakahiya ang nabasa niya sa totoo lang!
"So, since we're already complete, let's start already." Panimula ni Ate Jen habang hawak-hawak ang marker. "This upcoming Professor's Night, we are the one who's tasked to facililate the event and create a program for our Professors. Naisipan namin ni Felice to have a pageant for our profs." That made us 'ooh'. "What do you think?"
Everyone agreed, kasama ako dun. It's a good idea. Magandang laban iyon lalo na sa mga nagtatalinuhang mga Professor's ng University na ito.
"Include pa ba natin ang talent portion?" Ate Fel asked. As expected, everyone said yes. Aba'y dapat lang. Para makita ang tinatagong mga talento ng mga striktong propesor na iyon.
"So ang categories natin; production, talent, and long gown lang?" Asked by ate Jen na sinang-ayunan naman ng lahat. Okay naman na iyon.
"Do we have minor and major awards, Ate Pres?" I asked that made them look at me---when I say them, all of them.
"Yes we have, but I still don't know kung anu-ano. Pag-iisipan pa natin, baby Zielle." Yeah, baby. Iyan ang tawag nilang mga fourth-year-ate's namin.
Tumango-tango ako at bumalik na sa pagkakaupo ko. Madami pa kaming pinag-meetingan at parang nae-excite ako na ewan. Masayang laban kasi kung iisipin, hindi kasi basta-basta ang mga propesor ng unibersidad na ito. Mataas ang standards at hindi ka basta-bastang makakapasok sa pagtuturo dito kung hindi ka qualified. Masyadong strikto at high standards ang eskwelahang ito. Ganun rin sa mga estudyante. Ganun na nga lang ang pagsusunog ko ng kilay noon makapaaok lang ako sa unibesidad na ito. Hays. Missed those days.
"See you again tomorrow, guys!" At siyang paglabasan namin matapos magpaalam sa isa't-isa. Mabuti nga't wala siya rito dahil baka mahimatay ako sa kahihiyan, gosh!
Nakakairita talaga sa tuwing naaalala kong nabasa nito ang pinakatinatago kong note sa diary ko. Ba't kasi ang burara ko sa mga gamit ko? Shuta talaga, kainis. Pwede naman sanang iba na lang e bakit kasi 'yon pa. Tss.
Na-curious tuloy ako kung anong reaction o nasa isip niya nung binabasa niya iyon. Sheeeeet, nakakahiya!
---
A/N: please do vote. thank you & God bless!