CHAPTER 66

1.4K 41 3
                                    

Delaney

Naiinis na sinipa ko ang gulong ng sasakyan ko. Taena! Kung kailan pa gusto ko nang umuwi dito pa nagka-problema. Tss, kainis! Kanina pa ako minamalas. Nakakainis talaga!

Sapo-sapo ang ulong naupo ako sa tabi ng sasakyan ko. Pigil na pigil ang inis at baka kung anong magawa ko. I dialed ate-mommy's number upang magpasundo kung hindi siya busy.

[Yes, baby?] Panimula nito sa kabilang linya.

"Ate-mommy, busy ka? Sunduin mo naman ako dito. Hayop na gulong e." Naiinis na saad ko that made her chuckle.

[Alright. I'll be there in a minute. I love you!]

"I love you, too." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Maya pa'y kusang tumulo ang aking mga luha dahil sa inis na aking nararamdaman mula pa kanina. Ba't kasi ang malas-malas ng araw ko ngayon?!

"Tine, I miss you. I badly need you right now." Mahinang saad ko at saktong ako lang ang makakarinig. Hikbi pa rin ako ng hikbi.

"Kapag iyan sumagot, lagot ka." I heard someone said na ikibapitlag ako dahil wala naman akong nakikitang tao at sa pinagmulan ng boses.

Tumayo ako at nilinga-linga ang paligid, and there I saw her, standing elegantly na parang model sa paraan ng pagkakatayo niya.

Titig na titig ito sa akin at walang kahit na anong emosyon ang mababakas sa maganda niyang mukha. Galit ba 'to sa akin?

Hindi ko ito inimik at nakipagtitigan lang sa kaniya. Hays, I missed to stare in those eyes of her. But it'll just remind me of Tine.

My Tine.

Akmang magsasalita na sana ito when a car stopped right in front of us. Ate-mommy's here.

Sinundan ko ng tingin ang pagbukas niya ng pinto at agad na tumakbo papalapit sa akin. Matanda lang siya ng ilang taon kina Miss Natalia. But she still looks young. Hindi mo aakalaing nasa 30's niya na siya.

"Hi, baby. Let's go?" She said after niyang kumawala sa pagkakayakap namin. Tumingin ako sa inilahad niyang kamay at tinanggap ito. Magpapaalam na sana ako kay Miss Natalia ng biglang magsalita ito. Shuta, napakatalim ng mga tinging ipinupukol niya.

"Hindi pa na-iisang buwan inilibing si Celestine may bago ka na. Such a flirt and a bitch." Flat na saad nito pero mababakas sa pagsasalita nito ang gigil sa kada salitang binibigkas niya.

Bigla naman atang nagpantig ang paningin ko at ganun rin sa katabi ko.

"What did you say, Miss?!" Inis na tanong ni ate-mommy at humigpit ang pagkakahawak ng kamay ko. Pinaliit pa nito ang mata niya. Sobrang nakakatakot siya 'pag ganito. Minsan lang kasi siya magalit at 'pag nangyari yun, maghahalo talaga ang dugo sa lupa.

"I don't repeat myself to anyone." She blankly said while crossing her arms.

"Aba bastos 'to ah. Sino ka ba?!" Gigil na tanong ni ate-mommy pero ngisi lang ang ibinigay ng propesora. Shuta!

"Tama na iyan, let's go." Pagpipigil ko sa kaniya pero ayaw niya talaga.

"No, Zielle. I won't tolerate this kind of behaviour of hers."

"Ate-mommy, hayaan mo n---"

"Ate-mommy?" Tanong ng magandang propesora ko at nakataas pa ang isang kilay.

"Yes, miss. I am her guardian. Why?"

Hindi nakaimik si Miss Natalia at napalunok pa. Biglang nag-iba ang mukha nito at napakurap-kurap pa't iniwas ang tingin sa amin. Embarassed?

"I-I thou---"

"You thought Zielle and I are in a relationship?" Palaban na saad ni ate-mommy pero umiwas lang ng tingin si Miss Natalia. Nahiya ata sa inakto niya. Ayan kasi, hindi muna inaalam bago magpakita ng attitude. "What a poor thing."

After that, kinaladkad na ako ni ate-mommy papunta sa sasakyan niya. Wala kaming imikan hanggang sa makauwi na sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay umalingawngaw agad ang napakalakas nitong tawa na naghatid kilabot sa akin.

"Sinaniban ka ba?!"

---

A/N: please do vote. hanggang dito na lang muna. bukas ulit 'pag sinipag ako, haha. thank you & God bless!

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now