Chapter 23:
Enzo: I need to fix you visa and your passport...........were going to states.
.
.
.
.
Ace: states?
Enzo: the united states of America.
.
.
.
.
Hindi ako makapagsalita. Mangingibang bansa na ako. STATES?! STATES?! TANGINA! HANGGANG BOHOL LANG AKO PERO STATES?! Binalot ng ligaya ang buong katawan ko. punong puno ako ng exitement, saya, at marami pang hindi mapaliwanag na feeling. Agad kong niyakap si Enzo sa sobrang tuwa.
Ace: were going to states?
Natuwa din si Enzo. At niyakap din ako pabalik.
Enzo: yes were going to states.
Bumitaw ako sa yakap.
Enzo: I can fix your passport and visa for less than a week so maybe we can leave next Tuesday.
Ace: Tuesday?! Oh my! I can't wait.
***
Monday na at handa na lahat ng gamit ko. pero parang may kulang pa. paano si daddy? Pero Ace, ibinenta ka niya sa kung sino. Ngayon ang tanong, sino yung sinong iyon. Lumbas ako ng bahay at kumuha ng taxi at pumunta sa police station kung saan nakakulong si daddy. Pagbaba ko sa taxi, parang may nagtutulak sakin na huwag nang tumuloy. Pero kailangan ko namang malaman. Pumasok ako sa loob at nakita ko sa may visiting section ang isang lalaking kumuha sakin. Nagpaalam ako sa police at lumapit sa lalaki. Kaso mayroon siyang kausap, isang babae na may dalang sanggol. Nilapitan ng lalaki ang sanggol at hinalikan niya ito sa noo. May asawa't anak na pala tong lalaking to pero bat pa siya gumawa ng krimen? Umalis ang mag ina at papaalis na sana ang lalaki pero nilapitan ko siya.
Ace: sandali!
Huminto siya at humarap sakin. Punong puno ng hiya ang kanyang mga mata.
Ace: please gusto kitang kausapin.
Umupo siya at umupo rin ako.
Ace: kamusta na kayong tatlo?
Lalaki: tumakas yung dalawa pero pinatay sila ng pulis.
Ace: bat hindi ka rin tumakas?
Lalaki: alam kong nagkasala ako at kailagan kong panagutan iyon.
Ace: please sabihin mo sakin kung kinino ako ibinenta.
Lalaki: Ace, hindi mo ba naiintindihan? Kahit ano pang gawin mo sakin para magsalita, hinding hindi ako magsasalita.
Ace: please. Gusto kong malaman.
Lalaki: hindi ako magsasalita.
Tumayo ako at aalis na sana ako pero tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.
Lalaki: mag ingat ka, sa mga taong nakakalapit mo. Hindi mo alam may maskara silang suot suot para itago nila ang kanikanilang totoong paguugali.
Ano daw?
Ace: ano?
Umalis siya at naiwan akong nakatayo sa gitna punong puno ng katanungan. Umuwi ako sa mansion ni Enzo at nakita ko siyang dinadala angkanyang maleta.
Enzo: were have you been?
Ace: ahhh, I just thought I could by something for me.
Enzo: our flight has been moved around 6 pm. We need to go now.
Ace: okay.
Kinuha ko ang maleta ko at sinundan ko si Enzo papunta sa kotse. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, hindi manlang ako nakapag paalam sa daddy ko, sa kaibigan ko at sa ibang taong malalapit sakin. Mabilis kaming nakarating sa airport at duon tulalang tulala ako. Matagal naman kaming naghihintay sa flight. Pagdating ng eroplano, parang bumalik ang feeling ng excitement at saya. Pagsakay namin sa eroplano, sosyalin ang lahat. Pagupo na pagupo ko, kumportable na ako. Nararamdaman ko na na umaandar na ang eroplano. Pabilsi ng pabilis at dahan dahan lumilipad. Nakaupo ako katabi sa bintana kaya nakikita ko ang paglubog ng araw sa pilipinas. Good bye pilipinas. Magkatabi kami ni Enzo kaya duon kwentuhan kami ng magagandang experience sa eroplano. Binigyan kami ng dinner at champagne. Nasa eroplano lang kami pero kailangan maging disiplinada ka Ace.
Natapos kaming kumain at kinuha na ng flight attnedants ang mga plato. Nanood naman kami ng movie ni Enzo sa laptop niya ng the raid. WATT THE PAK! ANG ACTION NAMAN NITO SOBRA SOBRA! Sa sobrang ganda muntikan pa akong mapa stnding ovation sa eroplano.
Ala una na sa pilipinas at tulog na ang lahat sa eroplano except ako. Hindi ako makatulog sa pagiisip. Tulog na si Enzo sa tabi ko. tumigin ako sa bintana at ang nakikita ko lang ay buong kadiliman. Gio, magkikita din tayo. Magkikita narin tayo. Pero hindi ko lang alam kung papaano at kailan. At dinalaw ako ng antok at nakatulog na ako.
Pagmulat ng mga mata ko, may breakfast na agad sa lamesa ko.
Ace: what time is it?
Enzo: in philippines or in states?
Ace: where are we now anyway?
Enzo: one hour before take off. It's six AM in America.
Ace: I'm so excited Enzo. Thank you so much.
Enzo: your most welcome.
***
Kami ni Enzo ang huling lumabas sa eroplano, at parang hindi parin ako makapaniwala na naasa america na ako ngayon. Iba't ibang tao ang nakakasalubong ko: bata matanda, maitim, maputi, maliit, matangkad. Naiiba ako. Paglabas ng airport, parang naka aircon parin kami. Gosh ang lamig! Bigla nalang na isinuot ni Enzo sa balikat ko ang isang jacket niya. Medyo naging komportable ako.
Ace: thank you.
Sumakay kami ng taxi at mula sa taxi nanlaki ang mga mata ko sa bagong lugar na nakikita ng mga mata ko. sandamak mak ang mga lugar na nakikita ko lamang sa pelikula.
Enzo: they shoot 'Now you see me' here in this bridge. You recognize this?
Ace: yes I do.
Marami pa akong nakikita na bago sakin. At hindi rin pala bago duon ang traffic. Na trafffic kasi yung taxing sinasakyan namin. Habang naghihintay, kinalabit ako ni Enzo at may itinuro sa itaas. Tumigin ako sa bintana at tumingala. Nakikita ko ang billboard ng Keaton Watches. May nakasulat na: Someone will change the face of time. ako na yuon. Agad agad na pinagawa iyon ni Enzo. Ito talagang lalaking ito.
Enzo: I think you know who that is.
Ace: why are you doing this?
Enzo: for you.
Swear, ayokong magsinugaling pero kinilig ako duon. WATT THE FUCK! WAG KANG KILIGIN! BAKA IKAMA KA NANAMAN NIYAN! Huminto ang taxi at nagbayad si Enzo. Nandito na siguro kami. bumaba ako at lumamig nanaman. Ano ba! hindi ba umiinit dito?! Kinuha ko ang maleta ko at sinundan ko si Enzo. Lakad ako ng lakad hanggan sa mapadpad ako sa malaking bahay. Hindi nakapagtataka.