© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-18-2018)
---
MANY DAYS na ang nakalilipas, October na. Sobrang bilis ng panahon di ba? At noong nakaraang apat na buwan... ang daming nangyari.
Naging kami ni Ivan for just two months, at nag-break kami noong last day of exam last September. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang sakit. At buti naman my friends help me to move forward.
After ng exam, sinabi ang mga taong pasok sa honor roll. Sa kabutihang palad, kasama ako doon. Out of seven, pang-anim ako. First honors si Chelsea, tapos pangalawa si Gelli. Sumunod sina Hanna, Anne, Patty, ako at si Lianne. Sabi naman ni Lianne, first time lang niya na mapasama sa honor roll. Tuwang tuwa naman kaming dalawa sa Gurlaloo.
Nakikisali na rin ako sa mga activities sa school, kami pa ang champion sa Paligsahan sa Pagdudula, Cooking Contest, sa badminton at iba pa. Nakakatuwang isipin, na ang isang transeferee nakagaya ko, maraming napapalanunan. I'm so proud of myself.
Recess na namin ngayon, kabibili ko lang ng pagkain sa canteen. Papunta ko pa lang sa uupuan ko noong biglang may binato sakin.
**POINK!**
Nagulat ako, nainis na rin. May binato kasi saking papel, naka-crumpled. Sino naman ang may gumawa nito?
"Sino ang nagbato?" tanong ko. Napansin ko ang pulungan ng mga Gwapings na nasa tabing bintana. Mukhang sila nga.
"Sorry Ally ah, huwag mo kaming isumbong kay Gab!" sabi ni Mart na lumapit sakin at kinuha ang papel na binato.
"Sino bang nangbato?" tanong ko.
"Ally, si Shawn ang nagbato," sabi ni Harry.
"Ako, ikaw kaya, sinisisi mo pa ako ah!" giit naman ni Shawn sa paratang ni Harry. "Ally, si JB ang nag-start. Hindi ako."
"Anong ako? Hoy, ginagalang ko ang prinsesa ni Gab!' tanggi rin ni JB. "Baka si Ricky!"
"Bro, ako pa talaga ang sinisi mo?" sabi naman ni Ricky habang naglalaro sa callphone niya. "Wala kaya akong kinalaman diyan."
"Impossible namang ako," singit rin ni Jeremy. "Hindi ako nakikibato ah. Ally, maniwala ka, si Harry ang nauna."
"Hindi, silang dalawa... sina Harry at Shawn," singit din ni Drew.
Nag-sisisihan pa rin sila kung sino ba talaga ang nagbato. Napatawa na lang ako... hehehe.
"Hoy! Ano bang pinag-aawayan niyo diyan?" tanong ni Andrei sa kanila na may hawak na gitara.
"Kasi naman, ako ang sinisisi ni Shawn na nagbato," sumbong ni Harry sa pinasan niya.
"Ikaw naman talaga eh," sabi pa ni Shawn. "Ako daw... "
Nagtuturuan pa rin sila... mga boys talaga.
"Ally, ano bang nangyayari, nagsisisihan sila?" tanong ni Gab na nasa tabi ko napala. May dala siyang sandwich na binili niya sa cantten.
"May binato kasi silang papel sakin, nong tinanong ko si Mart kung sinong bangbato, yun, nagtuturuan na sila. Huwag daw isusumbong sayo," sagot ko, sabay ngumisi.
"Tss, mga boys talaga. Gusto mo?" sabi niya, inalok niya ang sandwich na binili niya.
"No thanks, busog na ako," sagot ko. At ginulo niya ang buhok ko at umalis sa tabi ko.
"Gab... sila oh!" narinig kong sabi ni Mark sa bestfriend niya.
Napatawa lang si Gab sa kanila.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...