ASHLEY CARRACIO
Sunday is Church day. Pero wala sila Mama kasama yung tatlo kong kapatid nasa Zambales sila nila Papa. Kami lang nila Ate at Kuya Jay ang nandito. Eh puyat sila kay Baby Marie kagabi, so ako lang ang mag sisimba today. Pag dating ko sa simbahan marami ng tao, kaya sa medyo gitna na ako naka upo. Naaalala ko lang nung kami pa, lagi kaming present sa simbahan. Every sunday yun! Tapos pag may Healing mass sa First Saturday present din kami. Ngayon? Ako nalang. Lord, patawarin nyo po si Ethan Amen..
After nung mass pumunta ako sa Mcdo, kakain nalang ako 10am pa lang naman e. Si Gabbie kaya naka simba na? Dun lang kasi yun nag sisimba sa malapit na chapel sa kanila sabagay ganon din naman yun.
To: Bes-Ganda
'San ka bes?'
Fr: Bes-Ganda
'Papuntang Mall, forever alone! Huhu.'
To: Bes-Ganda
'Malandi ka, sige kita tayo sa Mcdo.'
Fr: Bes-Ganda
'K'
Gabbie will be Gabbie. Yung pa 'k' nya sa text. Yung hindi pagsasabi ng 'hello' sa tawag yung pag flip nya ng hair pag napipikon sya, yung namumula yung cheeks nya pag kinikilig sya. Chaka yung pag intindi nya sakin everytime na nagpapaka tanga ako.
***
"Bes!" Tawag sakin ni Gab na parang nagmamadali. Why?
"Oh bakit?"
"Halika dito bilis!"
Tapos, tapos nakita ko si Ethan at Anne na PDA magyakapan ba naman daw sa pilahan sa sine. Duh!! Pero look, I am not affected. Hindi na gaano, thanks to Rade. He's my savior!
"Ts, I don't care bes. Let's go eat na."
Nagulat nalang ako nung yakapin ako ni Gabbie..
"Bakit nanaman ha bes?"
"I'm so proud of you, my gosh! Sa tingin ko malapit ka nang maka move on bes," Malapit na? Talaga? "Nasa stage ka na, na wala nang pakielam kay Ex at sa New girl nya. At dito ka na magsasabi ng mga katagang, 'I will be you're hottest Ex-girlfriend ever.' Kasi dito ka na mag tatransform."
"Transform pinagsasabi mo dyan?!"
"Tara pakulay tayo hair." Tapos hinila nya ako sa may Parlor.
Nagpa blonde kami pareho, tapos pina trim din namin yung buhok namin. Ako kaya ako ngapa ganto kasi nga Broken hearted ako, for a change. Si Gabbie? Trip nya lang. Nagpa kulay din daw kasi yung Lola nya nung isang Linggo e nainggit sya. Haaaay batang 'to!
***
"Bye bes. See you bukas!"
Nauna nang bumaba si Gab ng bus, ako sa pangatlong kanto pa. Pagbaba ko nakita ko si Ethan. Nagka salubong kami kumbaga. Anong ginawa ko? I gave him my sweetest smile. Tapos nilagpasan ko lang sya, kung akala nyang kakausapin at iiyakan ko sya sa harap nya? It's a big no! I've changed, hindi na ako yung Ashley magpapaka tanga para lang maging maayos pa kami. Oo siguro dati ganon ako pero ngayon? Hindi na. Nagising na siguro ako sa madilim kong panaginip.
***
"Ugh! Marie, anong ginawa mo sa damit ni Tita Ninang?!" Nakita ko nalang si Ashley na sinusulatan yung damit kong may naka lagay na 'Ashley Knows' nainis ako. Oo, kasi naman hindi dapat sya yung gumagawa non. Dapat ako!
"Uy nandyan ka na pala Ashley." Bati ni Ate habang nag hahanda ng luch nila, "Kumain ka na ba?"
"Oo Ate. Chaka bakit nya sinusulatan 'to?!"
"Ah yan? Naghahanap kasi ako ng damit na kasya sakin sa damitan mo e, kaso wala. Nagulat nalang ako na ayaw ng ibigay sakin ng Baby ko 'yang panget na damit na 'yan."
Oh okay. Pati pala 'tong pamangkin ko galit din kay Ethan. Pero well, hindi ako magagalit sa kanya kasi wala rin namang papatunguhan 'yun e. Right? Hayaan ko nang yung mga friends ko ang mamuhi sa kanya. Basta ako? Wala na akong pake sa kanya, feelings? Siguro meron pa naman kahit mga 10% pero hanggang dun nalang 'yon.
Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga nag isip isip. Inisip ko kung gaano ako ka pangit nung iniiyakan ko pa si Ethan! Haaaay ang haggard ko siguro non no?! Siguro mukha akong bruha. Kainis ha!
***
"Wow new look." Narinig kong bati sakin ni Kurt. Pang asar e no!
"For a change dear!"
"For a change ka dyan. BH ka lang e!"
"Excuse me?! Wala kang alam no! Dyan ka na nga aga aga e." Umalis na ako don kasi naman si Kurt BH daw ako?! Ts.
"Bes practice na later ng Graduation a. Huhu! I will miss you. Ganon ako sa mga friends ko!" Friends? Eh ang tinutukoy nya yung mga naka away nya!!
"Duh ewan ko sayo Gabbie. Tara na kumain na tayo, at baka magpractice na." Kumain kami ni Gabbie ng chicken. Favorite! Mamimiss ko 'to.
"Woah bes! Talagang one week straight ka nang nag tutubig ha. Proud bestfriend here!"
Luka luka talaga sya, and yes. Hindi ako mahilig mag tubig sa bahay nga kung hindi Soft drinks naka Juice ako e. Ewan ko ba! Minsan naman pag may nakita akong Empi sa may kitchen titirahin, ganon pala ako kabaliw dati kay Ethan?! Pathetic..
"Hoy Ashley! Tara na at nang gagalaiti na daw si Sir," sabi nya. "Oo na ito na ibabalik ko lang. Akin na yan." Nung ibabalik ko na sana sa loob ng Canteen biglang..
"No ako na, baka mahirapan ka e." Anak ng kabute naman oo. Automatic akong napangito don. Haaaay. Sya na ang pinaka timing na kabute!
***
"Sige isusulat ko sa board yung lyrics then kopyahin nyo. Kung merong may angal sa inyo e, lumabas nalang po at dun maghanap ng lyrics sa hangin." Ang sungit naman ni Sir! Kaya itong si Gabbie make face ng male face e. Kulit!!
Hold on to the Memories yung kanta namin sa Elementary naman Break Free. Hm, I wonder magiging masaya 'to kasi may sayaw pa kaming gagawin na Heroes at dun sa part na magpa partner si Rade ang pinagtulakan sakin ni Bes, galing nya talaga! Medyo mahirap yung steps kaya naman na out of balance ako.
"Ay pusa!" Pero nasalo ako ni Rade, "Thank you, and uh Rade.. Pwede mo na akong itayo hehe."
"Oh, oh sorry Ash. Mag iingat ka kasi pwede sana kung sakin ka mahuhulog e, itutulak pa kita!"
"Bolero," bulyaw ko sa kanya. "Ang kulit mo kasi e."
Masaya na merong isang tao na handa kang samahan sa mga katangahang pinag gagagawa mo. Dahil sila yung nag papa lakas ng loob mo.
---------------------------------------------------
Isang chapter lang muna. Thankyy guys! #RaShey <3 :)
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...