© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-26-2018)
--
ILANG LINGGO ang nakalipas, nawala na si Ivan sa Alumina High. Balita ko lang kasi, na-expel siya dahil sa scandal na nangyari sa office ng SG, na siyang dahilan kung bakit di ko siya sinagot, and well a good thing for me, pati si Gretchen na kapatid ni Gab. Mabuti nga sa kanila ang ganun, at di ko akalain na nalaman din ng admin ng school ang scandal na yun. Hindi lang ang SG at basketball team ang pinahiya, pati na rin ang pamilya niya. So his parents decided na mag-aral siya sa US, where his auntie lives. At kapag nakatapos na siyang mag-aral, babalik siya dito sa Pinas para magtrabaho.
Late nang sinabi sakin ni Abby ang tungkol doon para hindi na ako mag-alala sa kanya.
At mga sinabi ni Ivan sakin bago siya mawala, hahayaan ko na lang. Basta, gagawin ko ang makakakaya ko para maging outstanding student ako sa AH. But I'm still puzzled on what he's talking about. Hays... buhay nga naman.
Nasa klase na kami ngayon ng English kasama si Ma'am Dimaculangan.
"Class, may feld trip tayo sa October 25, nakabayad na ba kayo?" tanong samin ni Ma'am na mukha ring excited sa field trip.
"Opo, Ma'am!"
"Ma'am, kelan po ba ang deadline?" tanong ni Ange.
"Sa 18 pa... pero malapit na," sagot ni Ma'am. "Sasama ka ba?"
"Opo," sagot ni Ange.
"Okay, class sino-sino dito ang sasama?"
Tumaas ako ng kamay, pansin kong halos lahat samin, tumaas. Lahat ba tayo, sasama? Nice... magandang trip to.
"Wow ha... napag-usapan niyo bang lahat kayo sasama?"
"Hindi naman po," pabirong sagot ni Bea kay Ma'am. "Gusto lang po namin eh... hehe."
"Mabuti naman kung ganun... so eto na pala ang mga inteneraries natin," sabi ni Ma'am as she dicdates our road trip.
All around north Luzon ang trip namin, sa Zambales ang focus. Una, sa Barasoain Church sa Bulacan. Legendary church yun kung tutuusin. Tapos nun, punta na kami sa Zambales, sa Subic Safari. Sabi ni Ma'am, dito ang mahaba naming time, after nun, magsho-shopping kami sa Duty Free. In fairness no? Buti naman kasama ako, kada namang field trip, kasama ako.
Mga ilang araw matapos ang announcement sa field trip at isang araw na lang bago ito, nag-meeting na kami tungkol sa magiging seat plan namin. Sa aming Gurlaloo na sasama, katabi ko si Abby. Tapos sa likod namin, sina Lianne at Vhin. Tig-dadalawa naman ng upuan sa lob ng bus, kaya by pair ang arrangement.
Dahil kaming Oriental ay may kumpletong esrtudyante na sasama, kaming lahat ang magkakasama sa iisang bus. Sa kasamaang palad din, kasama namin sa bus sina Ma'am Arida (yung register namin) saka ang kinatatakutan naming si Ma'am Mercedes.
"Guys... paano yan, kasama natin ni Ma'am Merceds, anong gagawin natin?" tanong ni Bea habang inaayos ang seat plan namin sa bus.
"Sus... si Ma'am lang ba, hayaan lang natin," sabi ni Alex.
"Eh... gusto kaya palagi ni Ma'am, may peace and order, paano tayo mag-sasaya?" tanong naman ulit ni Bea.
"Ganun lang ba?" tanong ni Andrei. "Ganito..."
"Guys! May sasabihin si Andrei oh... yooohooo!" tawag ni Ms. President saming lahat... mukhang may sasabihin.
"Pinapayuhan ko kayo, magdala kayo ng... maraming pagkain, powerbank, mga gadgets, at saka mga headset, okay ba?" sabi samin ni Andrei. "Dagdagan niyo pa ang Wifi ha, sa mga may Wifi diyan, mag-dala kayo, kahit sponsor lang, basta may dalang charger."
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Fiksi RemajaSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...