"Sorry, I won't be able to come with you, may emergency sa bar."
"Huh? ano nangyari?" Tanong ko.
Malapit na mag alas sais ng hapon pero kailangan naming pumunta ng site ngayon, may maling gamit daw kasing nabili. Imbis kasing silidong narra ang mabili nila para sa pintuan, ang nabili ay gawa sa acacia.
Hindi pa namin nakikita sa personal kaya kami pupunta para makita sa personal kung maganda ang design.
"May nag-away." Sagot niya na tila mo'y frustrated sa nangyari.
Hindi ko maiwasang mag-alala sa palaisipang baka madamay siya, bar iyon kaya paniguradong madaming tao.
"Sige, mag-iingat ka..." Bilin ko.
"Babawi ako, hmm?" Malambing na sabi niya.
Nag-simula nanamang umiral ang pag-tadyak ng puso ko kaya nag-paalam na ako.
"S-sige na! 'wag kang madadamay..."
Nagpaalam na din siya at pina-putol na ang tawag.
"Coffee?" Alok sa akin ni Aries.
Nag-prisinta siyang susunod siya nang malaman niyang nandito ako sa site. Dumaan pala siya sa opisina ko kanina kaya sekretarya ko ang naabutan niya.
"Salamat." Tanggap ko nung kape sa kamay niya.
Wala sa loob kong diretsong ininom iyon kaya nakagat ko ang dila ko dahil sa init.
"Easy. Dahan-dahan lang at hindi naman tubig 'yan!" Tawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Dalawang araw ang nakalipas simula noong tanungin niya ako kung pwede niya ba kong ligawan.
Ang isinagot ko ay oo...
"Maayos naman ba pakikitungo sa 'yo nung partner mo? balita ko suplado 'yon, ah?" Natatawang tanong niya.
"Suplado?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Si Xevier? suplado? "Paano naman?"
"Kung hindi mo pa nababalitaan, sinesante niya 'yong secretary niya. Paano ba naman nga bang hindi? ipilit ba naman na sa kaniya 'yung dalang lunch ng boss niya." Halakhak ng tawa na kwento niya. "Sa pagkaka-alala ko iyon 'yung araw ng huling daan ko sa 'yo."
Magkanda-samid ako sa kape dahil sa huling sinabi niya.
"Anong problema?" Tinatawanan niya akong tinanong nang makita kung paano ako masamid, inabutan niya ako ng panyo kaya tinanggap ko iyon.
"'Yung dala mo nga pala na ulam, masarap." Ngiti ko, gusto ko lang maiba ang topic pero totoo naman kasing masarap.
"Talaga? edi palagi kitang dadalhan ng lunch."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, baka kung ano ang isipin ni Xevier sa kanya!
Tatanggi pa sana ako pero biglang nag ring 'yung cellphone ko.
"Teka lang." Paalam ko kay Aries at bahagyang lumayo, pag-tingin ko sa screen ay pangalan ni Xevier ang naroon.
Pigil ang ngiti kong itinapat ito sa tainga nang masagot.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...