Chapter 27: The End... Is It? I

52 15 1
                                    

Godfrey

A puzzle can be an analogy of our life. When losing, having a missing piece of your puzzle rather, will drive your crazy. The desperation of finding the missing piece, it's like riding a roller-coaster, that mixed emotions; some time you want to shout out of your lungs, in a matter of time, you badly wanna puke, and just a snap, by any chance, you wished to have an ability to stop the roller-coaster from running, you would definitely stop it right away.

That's what my situation right now. Gustong-gusto ko manisi, gusto ko ibuntong ang galit na bumubuo sa loob ko kahit kanino, gusto ko sumabog. Gano'n ang pakiramdam ko noong nakita kong nakahiga si Egleia sa mga bisig ni Stephanie. Kitang-kita ko kung paano tinaga ni Tania ang likod ni Egleia gamit ang sandata ni Roger.

Biglang sumagi sa isipan ko kung paano kami unang nagkakilala ni Egleia. Mula sa pagtulong ko sa kaniya makasagot, paglaban niya sa cafeteria para lamang sa mesa, pagsagip ko sa kaniya sa kamay ni Roger hanggang sa paglipat namin ni Lolo Arnold Arnold sa kanila.

Doon na tuluyang nagbasakan ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung tumulo na ang sipon ko. Ang gusto ko lamang ay mailabas ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Tanging sigaw ko lamang ang naririnig sa paligid. Kahit anong pahid ko sa luha ko habang tumatakbo papunta sa direksyon nina Stephanie, may lalabas pa rin na panibagong luha.

Narating ko na sina Egleia. Puno na ng dugo ang kamay ni Stephanie dahil ginamit niya itong pantakip para pigilan ang pag-agos ng dugo ni Egleia sa likod.

Lumuhod ako sa harap nila at kinuha sa bisig ni Stephanie si Egleia. “O-Oy, Egleia. Gumising ka na, kailangan pa nating... Kailangan pa nating iligtas kaharian mo. Hindi namin kaya ni Leonox talunin ang mga taksil nang wala ka.”

Sinubukan kong gisingin siya ngunit mas lalo lang nagsibagsakan ang mga luha ko nang makapa ko ang pulso niya. Hindi na ito tumitibok. Tumingin ako kay Stephanie at umiling. W-Wala na si Egleia.

“H-Hey, anong ibig mong sabihin? Humihinga pa ʼyan kanina, hindi magandang biro ʼyan.”

Yumuko ako at humagulhol. Ikinuyom ko ang kamay ko saka sinuntok ito sa lupa. Humulma ang kamao ko sa ginawa ko. Hindi ko papalampasin ang ginawa nila kay Egleia. Mata sa mata, buhay ang kinuha sa amin, buhay rin ang kapalit.

Itinukod ko muna ang isang tuhod ko saka tumayo. Ininat-inat ko ang leeg ko pakanan at pakaliwa. Humarap ako sa dalawang taksil na ngisi-ngisi. Nakita kong nakaluhod si Leonox habang hawak-hawak siya sa leeg ni Roger na nasa likod niya.

Inilabas ko ang sandata ko saka itinutok sa direksyon nina Leonox. Kung hindi sila iilag dito, isa sa kanila ang matatamaan nito. Umabot sa likod ang kamay ko dahil sa pag-inat. Buong pwersa ko itong binato sa direksyon nila.

“What the hell!”

Nakita kong bumitaw si Roger sa pagkakasakal kay Leonox habang si Leonox naman ay yumuko at narinig ko siyang nagmura.

“Leonox, ayos ka lang ba?”

Hinawi niya ang kamay ko saka hinawakan ang leeg. Tumayo siya habang hinaplos-haplos ang leeg nito. “If I will throw this scythe to you, would you be okay?”

Nahihiya akong ngumiti saka umiling. “Pantakot ko lang kay Roger para bitawan ka. At saka, hindi ka naman natamaan, iyon ang mahalaga.”

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. May mali ba? “Wow, you're grateful for that?”

Tumabi sa akin si Leonox. Sa kanan niya ay naroon ang leon habang sa kaliwa ko ay ang gorilya. Luge kami rito. Tatlo sila at tatlo rin ang kanilang higante. Nagtinginan kami ni Leonox.

Ascendance Of The Ruined Kingdoms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon