╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 6
╚════════════. .✯ . ╝Bumukas naman ang pinto sa silid ko at si Hexia ang pumasok na may dala-dalang pagkain. Malungkot ang mukha nito kaya naka ramdam ako ng pag-sisisi
Nilagay niya ang pagkain sa lamesa ko at lumapit sakin "Mahal na prinsesa kagabi kapa po hindi kumakain. Nag aalala na kami sayo" Umupo ito sa harap ko habang naka busangot
Wala kasi akong ganang kumain dahil sa nangyari, naka patay ako. Inalo na din ako ni ina kagabi pero wala pa rin iyong saysay dahil naka ramdam pa rin ako ng lungkot at galit sa sarili ko
"Mamaya nako kakain" Maikli kong sabi at hihiga nasa ulit pero hinatak ako bigla ni Hexia na ikina gulat ko. Bakas na rin sa kanya ang pagka inis kaya umiwas ako ng tingin
"Hindi kana po nakakatuwa mahal na prinsesa. Wala ka naman pong kasalanan at aksidente ang lahat kaya wag mo sisihin ang sarili mo. Pinapa bayaan mo na ang sarili mo!"
Hindi ako makapag salita sa pangaral niya sakin, ngayon ko lang nakita si Hexia na inis at sa akin pa talaga. Ganyan ba talaga pag nag aalala ka sa isang tao? Naiinis ka?
Nataranta naman ako nang makita kong nanunubig ang kanyang mata kaya agad na ako tumayo. Ayuko siyang makitang umiyak ng dahil sakin, hindi ako papayag
"Kakain nako" Umupo naman ako sa upuan at tinignan ang pagkain na nasa lamesa. Pinahid naman niya ang luha niya at tumayo, nandun pa din ang pagka busangot niya
"Lalabas po muna ako mahal na prinsesa. Babalik po ako at siguradohin mo pong matapos ka" Tumango naman ako sa kanya. Para siyang si ina kung maka pangaral
Ngumiti naman siya bago lumabas ng silid kaya kahit na wala akong gana ay nag simula na rin akong kumain. Kaonti lang ang kinain ko dahil wala na talaga akong gana kumain, baka iluwa ko lang
Bumalik naman ako sa higaan ko at hihiga na sana pero bumukas ulit ang pinto. Hindi naman ako mapakali nang makita ko si kuya Xaeious na pumasok habang sobrang dilim ng aura nito
Agad naman ito lumapit sakin at yumakap, ginantihan ko naman siya at naka ramdam ng lungkot. Mukhang alam na niya ang nangyari kaya niyakap niya agad ako
Isang linggo kasing wala dito si kuya Xaeious para pumunta sa ibang kaharian dahil may misyon siya. At hindi ko alam na ngayon na pala siya uuwi wala manlang nag sabi
"Are you okay? Nalaman ko ang ginawa sayo ni France" Nagulat naman ako. Wala akong pinag sabihan sa nangyari kahit kila ina at ama ay hindi ko sinabi dahil alam kong magkaka gulo
"Ano ang ginawa mo kay France, kuya?" Narinig ko naman ang pag tsk niya at medyo lumayo sakin. Alam kong may ginawa siyang hindi maganda kay France at gusto kong malaman kung ano iyon
"Wag mo na alalahanin" Hinawakan naman niya ang buhok ko na humaharang sa mukha ko at inilagay iyon sa likod ng tenga ko. Hinawakan niya din ang pisnge ko
"Walang pwedeng manakit sayo, Elise. Poprotektahan ka ni kuya" Nanlambot naman ako sa sinabi niya at niyakap ulit siya. Mahal na mahal ko silang dalawa ni kuya Xynon at sa kanila lang din ako malapit
"Pero kuya..."
"Wag mong saktan si France. Kasalanan ko naman" Kita ko naman ang tiim bagang niya kaya napa nguso ako. Mukhang wala na ang pag sasabi ko sa kanya niyan, dahil siguradong may ginawa na siyang hindi maganda kay France
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4)
VampireValkyrie Series #4 The 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 Elise Sy Valkyrie ┊┊┊✧ ⁺ ⁺ 𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚊𝚢𝚜 𝚜𝚑𝚎'𝚜 𝚊 𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜. 𝙱𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚍𝚒𝚍𝚗'𝚝 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝚋𝚎𝚑𝚒𝚗𝚍 �...