UNANG KABANATA
"No, no, no, Kathryn. Hindi mo ginawa 'yon. No, no, no, NO!" tinakpan niya 'yung mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ang OA-OA nitong bestfriend ko! Para 'yun lang eh?
Naikuwento ko kasi sa kanya yung pagtataboy ko dun sa Nerd na'yon. And ayan ang reaksyon niya. Sobrang OA na OA sa pagka-OA. Like duh? Ano naman kung ipinagtabuyan ko 'yun? Tss.
"Ano naman kung ipinagtabuyan ko siya? It's not a big deal." pagdidiinan ko sakanya.
Winagayway niya yung hintuturo niya sa mukha ko, "No, no, no! Kung sa tingin mo hindi 'yon big deal, sa iba big deal 'yon. BIG DEAL. Dahil isang Daniel Padilla ang ipinagtabuyan at tinanggihan mo. TINANGGIHAN! Dimo ba 'yon naisip?! Kung iba ang niligawan niya, iga-grab na nila agad ang chance at hindi na nila pahihirapan pa si Daniel. Gosh girl. You made the wrong choice!" mahaba niyang litanya. Edi wrong choice na kung wrong choice!
"Big deal man o hindi, wala na akong pake." ngumisi siya sa akin.
"Daniel Padilla, tinanggihan mo. Tignan natin kung hindi magbago 'yang isip mo kung magbago 'yang lalaking 'yan dahil sa pagka-brokenhearted sa'yo." ngumisi ulit siya bago kinuha 'yung bag niya at iilang libro. "Aalis na muna ako best, tapos na ako mag-review." paalam niya bago lumabas ng library.
Ha! Bakit naman magbabago ang isip ko?
✖ ✖ ✖
"Kends, alam ko si Kathryn 'yung pinopormahan ni Daniel. Nakita ko kasi si Daniel nung nakaraan, dumaan sa village namin. Eh magkatabi lang yung house namin ni Kath," medyo hininaan niya yung bulong pero dinig ko pa'ren, "Nag-iwan si Daniel ng gift sa harap ng bahay nila eh. Then, nag-doorbell tapos umalis."
I rolled my eyes, sakanya pala galing yung puppy na'yon? Akala ko ipinadala ni dad 'yon dahil ang tagal na naming hindi nakakapag-usap like e-mail, chat, Skype.
Halos tatlong buwan na'rin. Pero balik tayo sa dalawang madaldal na'to.
"Excuse me, Mae? Did you mention my name?" I asked. Kahit halata namang narinig ko.
Nanlaki ang mata nila ni Lauren. "Hmm, wala naman. May naikuwento lang naman sa akin si Maegan about you and Daniel and--" I raised my right hand telling her to stop talking.
"Ayokong maririnig uli ang pangalan ko na pinag-uusapan niyo lalo na't tungkol sa amin ni Daniel. And to clarify things. Hindi ako ang pinopormahan ng Daniel na'yon." I rolled my eyes bago bumalik sa puwesto ko.
Magbubulungan pa sila eh dinig na dinig ko naman. Nagbulungan pa sila!
Natapos ang araw ko, nang naririnig ang puro pangalan kong naka-dikit sa Daniel na'yon.
I call my driver, Mang Karlito to fetch me na. Agad naman 'tong dumating.
"Ma'am, sikat na po kayo ngayon ah?" Pinandilatan ko si Mang Karlito. Ano nanaman pinagsasasabi nito?!
"Matagal na akong sikat sa school, manong." Sabi ko nalang. Yun siguro yung tinutukoy niya.
"Hindi po ma'am, kanina po kasi.. Nasa TV si Daniel, yung anak ni Karla Estrada?"
"Huh? Diko kilala si Karla Estrada. Alam niyo namang hindi ako nanonood ng TV eh." sagot ko kay manong. Tsaka lang din niya naalala.
"Ay, oo nga po pala ma'am. Sorry," paumanhin nito.
Medyo na-curious ako sa sinasabi niyang sikat na ako kaya tinanong ko siya, "Ano bang meron, bakit ako naging sikat?" tanong ko kay manong. Itinigil niya yung sasakyan sa gilid ng kalsada at kinuha ang phone niya.