*****************
"WHAT THE HECK!! TATANGA TANGA KA BA!? SEE WHAT YOU'VE DONE??? ISESERVE MO NALANG NG MAAYOS HINDI MO PA NAGAWA!! WHERE'S YOUR MANAGER???!!"
Nagulat ako sa reaksyon niya. Halos manliit ako sa hiya. "Maam sorry po hindi ko po talaga sinasadya" paghingi ko ng tawad sakanya.
Hindi niya pinansin ang dispensa ko, bagkus lalo pa itong nagalit.
"HINDI MO BA AKO KILALA??!! I SAID WHERE'S YOUR MANAGER?? WHERE'S LEI??!!" Singhal ng babae
"Anong nangyayare dito? OHH Ma'am Gwyneth kayo po pala. Ano pong problema?". Sabi ng Manager ko.
Nagulat ako na magkakilala pala sila ni Ma'am Lei. Sino siya? Bakit parang takot na takot siya sa babaeng ito??
"THIS MAN DID'NT KNOW HOW TO SERVE WELL, SIMPLENG TRABAHO NALANG HINDI PA MAGAWA NG MAAYOS. I WANT YOU TO FIRED HIM NOW!!" Napawang ang labi ko sa sinabi niya.
"Ma'am Gwyneth baka pwede po muna natin pagusapan to" pakiusap ng manager ko,pero sadyang galit ata talaga ang babaeng ito.
"Lei siguro naman alam mo kung bakit nandyan ka sa kinalalagyan mo ngayon?? Kailangan ko pa bang sabihin yun?? I WANT YOU TO FIRED HIM NOW. HINDI MAMAYA, HINDI BUKAS, BUT NOW!!! Get it??" Nakita ko ang takot sa mukha ni Ma'am Lei.
"Yes po Ma'am" biglang baling ang tingin sakin ng manager ko. "I'm sorry Gabb but i need to fired you. You can go home now". Napatungo ako at tumalikod, nangingilid ang luha. Paano na ako? Paano na ang Tatay ko??
Nagtungo na ako sa locker upang kunin ang aking mga gamit. Napalingon ako ng my biglang tumapik sa aking balikat "Gabb i'm really sorry, i don't have a choice, magaling at masipag kang empleyado alam kong makakahanap ka pa ng panibagong trabaho" at tumalikod na si Ma'am Lei sakin.
Hindi na ako nagabala pa na magtanong. Pero isa lang ang alam ko isa siyang makapangyarihang tao.
Hinang hina akong naglakad palabas ng Restaurant na iyon. Naupo sa gilid ng mga nakaparadang sasakyan. Nagiisip at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Paano na ang pamilya ko? Si Nanay, Ginger lalong lalo na ang Tatay ko??
Habang nag-iisip nahagip ng paningin ko ang babaeng dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho. Gusto ko siyang lapitan para pakiusapan, pero my takot ako na baka mapahiya akong muli. Pero parang may sarili atang utak ang paa ko at napagtanto kong papalapit na pala ako sakanya.
"Ma'am parang awa niyo na po kailangan ko po ang trabaho na yun. Ako lang ang inaasahan samin. May sakit po ang Tatay ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambili ng mga gamot niya". Pag-mamakaawa ko sa kanya.
Tinaasan niya lamang ako ng kilay at tumawa ng nakakaloko. "Haha! I dont care, that's not my problem. You didn't do your job right, so i guess you deserve it". Papasok na sana siya sa kanyang sasakyan ngunit pinigilan ko siya at lumuhod sa harap niya, hindi ko alam kung anung pumasok sakin, pero yun lang ang alam kong tama sa mga oras na ito.
" Ok Fine! Get Up! Im giving you a choice". Tumayo ako at medyo nabuhayan ng loob. "Accept it or Leave it!? Work for me, but be my SLAVE". Sabay bato ng kapirasong papel, at dali-dali siyang umalis.
"Are you willing to sacrifice your dignity for the sake of your Family? Will you be her SLAVE?"
************************
BINABASA MO ANG
She's in Control
General FictionGabby Francisco the man who will do everything for his Family. By incident he got terminated from his job because of this cold-hearted, dominating girl Gwyneth Yvonne Paredes. Swallowing his pride on bended knee asking her to convey back his job, an...