Vienna PoV
"Hi tita, it's so good to be here again" kusa akong napangiti sa sinabi ni Kashi, s'ya ang naglatag ng sapin at naglapag ng pagkain na dala namin.
"Hi ma, pasensya na ngayon lang ulit kami nakabisita" ngiting sabi ko habang pinupunasan ang gravestone kung saan nakaukit ang pangalan n'ya.
AENNA VERQUEZ- JAIDEN
04/22/1981 - 07/13/2009Nagsindi narin ako ng kandila at inayos ko ang pagkakalagay nung bulaklak na dala namin bago mapangiti.
Ma, sigurado na'ko sa nararamdaman ko. Mahal ko si Kashi, at ayoko na s'yang mawala sa'kin. I realized that he's the one who's willing to protect and stay by my side no matter what, he makes me happy and took good care of me.
Kusa kong ipinikit ang mata ko nung maramdaman ang biglaang pag ihip ng malakas na hangin.
Kaso mama hindi ko pa alam pano ako aamin. Alam ko namang ramdam na n'ya pero sana tama ang pinapakita n'ya sa'kin, sana totoo ngang mahal n'ya 'ko. Gabayan n'yo sana kami ni Kashi at sana ay tama ang landas na tinatahak namin.
"July 13, 2009... 13 years ago?" napatingin ako kay Kashi, nakatulala lang s'ya, naupo ako sa nilatag n'yang sapin at tumingin din sa puntod.
"Yeah, nakalimutan mo na agad? Bumisita na tayo rito bago pa tayo pumunta sa probinsya tapos ngayon mo lang napansin? She died 13 years ago"
"Something's wrong" he whispered but I didn't hear.
"Huh?"
"Nothing, nevermind" pilit s'yang ngumiti bago hawakan ang isang kamay ko.
Ngumiti ako at sumandal sa dibdib n'ya, matik na pumupulot sa bewang ko ang kamay n'ya, maagang sinundo ang kapatid ko kaya naman maaga rin kaming nakadalaw rito, 3 pm na pero hindi naman ganoon kainit dito dahil bukod sa makulimlim ang panahon ay mapuno rin dito.
"Yung aso mo asan na?" tanong n'ya nung makitang may babaeng naglalakad habang hawak ang tali ng aso. I missed my dog too, nung kinumusta ko ito kay Heinie ay sabi n'ya ok naman daw ang aso at nag eenjoy ang pamangkin n'ya at nabuntis narin ng ibang aso ang aso ko kaya nandoon na muna sa kanila.
"Oh, yeah I forgot about that. Sunduin natin sa bahay nila Heinie, kung ok lang sa'yo?"
"Sure, it's fine" tumango lang ako at tinext si Heinie na dadaanan namin ang aso ko.
"Yeobo"
"Hmm?"
"So there was this friend of mine... I want to ask you about uhm.... what if malaman mo na ikakasal ka na? Kunwari ano pinagplanuhan na ang kasal mo pero hindi mo alam. Magagalit ka ba sa nagplano at hindi nagsabi sa'yo?" tumaas ang kilay ko bago tumingala sa kan'ya, agad s'yang umiwas ng tingin nung magtama ang mga mata namin.
"Kaibigan mo ba talaga yan?" I asked him.
Ramdam ko ang kirot sa puso ko sa ideyang iyon. What if sarili n'ya ang tinutukoy n'ya? Naka arrange marriage naba s'ya sa iba? So totoo ang sinabi ng kapatid n'ya noon? Nung nasa probinsya kami?
"Don't overthink, yeobo please don't be mad... I'm just asking" kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya habang nakatingin sa'kin, ramdam ko ang kamay n'yang idinakop n'ya sa kamay ko at marahan itong piniga.
"I'm not thinking anything" I lied and even forced a smile. Hindi s'ya kuntento sa sagot ko pero piniga ko lang ang pisngi n'ya at umayos ng pagkakasandal sa kan'ya.
Iniwas ko ang sarili ko at hindi sinagot ang tanong n'ya, ayokong sagutin, natatakot akong baka sarili n'ya ang tinutukoy n'ya.
I want to hold him like this forever, I want him to wrap his arms around me until my last breath. I want him to be by my side everytime. I don't want to lose warmth when he's with me. Kung kailangan kong ilaglaban s'ya sa libo-libong fans n'ya ay gagawin ko, wag lang s'yang mawala sa'kin.
BINABASA MO ANG
Living with an idol ✓
Teen FictionWARNING: There will be some chapters that are not suitable for young reader(s). What will be the pros and cons of living with a well-known, famous idol? Vienna Verquez Jaiden, a 26-year-old single woman and not interested in having any romantic rela...