Sabi nila kung masasaya ang nagdaan mga araw sayo ay ganon din naman ito kabilis maglalaho o mapapalitan nang sitwasyon. And it's true. Balik iskuwela na naman, and I'm fourth year college na this year.
Nag-aayos na ako ng sarili ko sa salamin at naglalagay ng powder to enhance my face skin and a little bit lipstick in my lips. Pagkatapos ay dinampot ko na ang bag ko sa ibabaw ng kama at humakbang na palabas ng kwarto. I am currently staying in my condo, for current state that my father are staying in the house now with my mother. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap ang ama ko, dahil hindi pa ako handa, marinig ang dahilan niya sa pag-iwan samin.
"Rian bilisan mo diyan baka ma-late tayo!. "
Napailing nalang ako sa malakas na sigaw ni diane sa labas ng kwarto ko. Dito kasi ito natulog sa condo ko dahil gusto niya akong samahan ngayon. Pero may palagay akong may ibang dahilan pa na hindi ko nalang inusisa dahil kung gusto niyang ipaalam samin ito at sinabi niya na, kaso ay hindi, kaya iniintindi nalang namin.
"Oo! Palabas na ako! "malakas na sagot ko at dinampot na ang tote bag ko bago humakbang na palabas ng kwarto.
"Dumaan nalang tayo sa malapit na Starbucks para makabili ng almusal natin."
Bungad ni Diane ng tuluyan makalabas, natataranta na ito dahil late na kami sa pagpasok sa iskuwela. Napailing nalang ako dito at tuluyan ng sumunod sa kanya palabas ng condo.
"Mali late pa ata ako sa first class ko, matanong nga bakit nga ba ako dito natulog sa condo mo."
"Recitation ko pa naman ngayon, tapos mali late ako."
"Wag kang chill chill lang diyan rian, mali late na kaya tayo."
Napairap nalang ako sa kawalan at hinayaan nalang magtatalak ang kasama ko habang pababa na patungong ground floor ang elevator na sinasakyan namin. Huminto ang elevator kaya napatingin ako sa numero at napakunot ang noo ng makitang nasa 10th floor palang ito.
Tuluyan bumukas ang elevator at tumambad samin ang isang mala modelong babae na naka creamy white fitted dress na above the knee. She has a blonde hair na curl ang dulo, a hazel brown eyes, perfect pointed nose, a curvy shape lips that paint in a red lipstick, and she has a fierce look in her face. Sa tingin ko ay mas matanda ito samin. Kaya natahimik ang kasama ko. Mala model itong naglakad papasok na hindi manlang kami tinapunan ng tingin.
She's a little bit familiar kaso hindi ko lang alam kung saan ko nga ba siya nakita. Iniwas ko rin ang tingin ko dito at sa harapan nalang tinuon ang paningin at pinagmasdan ang reflection ko sa elevator door. Hindi rin nagtagal ay bumukas din ang elevator dahil nakarating na rin kami sa wakas sa ground floor. Naunang lumabas ang babae na kinuha ang cellphone sa bag ng tumunog ito.
"Hello tita, yeah paalis na po ako. Yes i'm gonna surprise him. I know tita. Sky must be shock later."
Yan nalang ang narinig ko sa babae dahil nakalayo na kami dito. Nagsimula muling magsalita ang kasama ko na siyang hinayaan ko nalang at pinatunog na ang sasakyan ko. Siya naman ay lumapit na rin sa kotse nitong nasa tabi ko lang.
"Hihinto muna tayo sa Starbucks na malapit."paalala pa nito bago tuluyan sumakay sa sasakyan nito.
Sumakay na rin ako at inilapag ang tote bag ko sa passenger seat bago nagsuot ng seat belt at sinimulan ng imaneubra ang sasakyan ko bago nag-drive na paalis.
Hindi naman masiyadong traffic kaya nakarating kami sa Starbucks at inihinto ang sasakyan sa malapit na space sa parking area. Nakita ko naman ang paghinto rin ng sasakyan ni Diane. Lumabas agad ako ng matanggal ang seatbelt ko at na bitbit na ang aking bag. Pagkasara ko ng pinto ng sasakyan ay siyang pagbukas ng pinto ng sasakyan sa katabi ng akin. Lumabas si diane na bitbit na rin ang bag at nakatapat ang cellphone sa tenga.
BINABASA MO ANG
Taming The Mannhasser (Mafia Series#2)
ActionRhianna Catherine Pineda Alcantara ang babaeng kinasusuklaman ang mga lalaki, dahil sa kanyang past na hindi makalimutan. Xander Lee, a naughty childish man, loves to play around, mostly in girls. A playboy. Fifth boss in mafia world, a ruthless an...