Chapter 8

39 2 0
                                    


Nang makabalik ng classroom ay nasaloob na ang prof namin na medyo may pagka-istrikta pa naman.

"Lagot. Na-late na tayo.."na sambit ko kaya naman natatawang ginulo ni renren ang buhok ko.

Napatingin naman samin ang prof."Why the both of you are late Ms. Villagracia and Mr. Santos?.."masungit na tanong nito.

"Sorry sir nagpasama lang po ako kay Ms. Villagracia i-tour itong school.."nakangiting tugon ni renren kaya lumitaw ang dalawang dimples niya. Nagtilian naman ang ibang kaklase namin na babae dahil sa pagngiti ni renren.

"Quiet class.."pagpapatahimik ng prof sa mga kaklase namin bago tumingin samin dalawa." Ok go to your sit the both of you and i remind you, dont let this happen again understand Mr. Santos and Ms. Villagracia?.."sambit ng prof namin na tinanguan namin dalawa.

Nagtungo naman kami sa mga upuan namin. Pagkaupo ay hinampas agad ako ni shan kaya napatingin ako dito.

"Ikaw sisi ah! Umaalis kayong hindi nagpapaalam,alam mo bang hinahanap ka ng asawa mo.."bulong ni shan sakin.

"Tch.wag ka munang magtanong mahuli tayo ng prof.."pagsaway ko dito at tumingin sa harap.

"Ok.pero mamaya wala kang takas sakin sisi.."sambit naman nito.

Nang maglabasan kasi kanina dahil lunch ay agad kong hinila si Laurence para makaiwas kay dark naaakward kasi akong makita siya dahil sa nangyari kanina. At nakarating naman kami ng garden at doon ko rin ipinagtapat lahat kay Laurence na kasal na ako kay dark at ngayon lang kami nakabalik dahil napasarap ng kuwento.

Nang matapos ang maghapon na klase ay nagligpit na kami ng gamit.Sabay sabay kaming lumabas at saktong paglabas namin ay papalapit na sa direksiyon namin ang apat.Napatingin naman ako kay dark na seryoso lang na nakatingin sakin at ganon din sa katabi kong si renren.Mabilis naman akong umiwas sa kanya ng tingin. Mabilis naman sila nakalapit samin.

Nagpakilala naman sila renren kila dark na ganon din naman sila kaso maliban lang kay dark na nasa sakin lang ang tingin at hindi manlang nagpakilala kila renren.Nagsimula na kaming maglakad na nauuna ang apat at kami naman na apat nila renren ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan.Pagkarating sa parking area ay naunang magpaalam si shan dahil nasa labas na ng gate ang sundo niya.

"Sige mauuna na kami cece. See you tomorrow.."nakangiting paalam ni renren at hinalikan ako sa noo. Sanay naman na ako dahil ganito siya sakin bata palang kami.

May tumikhim naman kaya napabitaw na si renren at ngumiting umalis na sa harap ko. Nang makaalis na ang magpinsan ay napatingin ako sa apat na nasa harapan ko pa.

"Bye celes.bukas nalang ulit may chix pa akong susunduin.."nakangising paalam sakin ni steven.

"Bye celes.mauna narin ako take care her bro sa paguwi.."paalam naman samin ni vien.

"I go ahead too.."paalam din ni dave.Kaya kaming dalawa ni dark ang natira.

"Tsk.lets go.."sambit nito at naglakad na palapit sa kotse niya.

Binuksan naman nito ang passenger seat ng makalapit kami sa kotse niya.

"Hop in.."seryosong utos nito.

Kaya sumakay nalang ako. Isusuot ko sana ang seatbelt ko ng unahan ako nito sa pagkakabit sakin. Kaya napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.Nang maramdaman kong umalis na ito at sumara na ang pinto ay napabuga ako ng malakas.Nang makapasok ito sa driver seat ay napatingin ito sakin. Hindi ko matagalan ang tingin niya kaya napaiwas nalang ako. Para kasing hinahalukay niya ang buong pagkatao ko sa gawi ng pagtitig niya.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon