Chapter 9

26 3 0
                                    

Hindi ko alam pero binundol ako ng kaba sa dibdib ng unti-unti itong lumalapit sakin.

"A-anong gagawin mo?.."kinakabahan kong tanong ng huminto ito sa harap ko at dumukwang ito para magkalapit ang mukha namin.

Pero hindi ito sumagot at tumitig lang sakin at ipinangko ako nito sa kinauupuan ko gamit ang dalawang braso niya. Titig na titig ito sakin na hindi ko maiwasan ma-akward.

"H-hoy bakit ganyan ka makatingin?.."nagkanda utal utal ko ng tanong. Pero hindi ito natinag at inilalapit lang nito ang mukha niya.

Jusko! Anong bang ginagawa ng lalaking ito! Hahalikan niya ba ako?. Anong gagawin ko.

Unti unti nitong nilalapit ang mukha niya kaya napigil kona ang hininga ko. Pero napatigil ang gagawin niya sakin ng makarinig kami ng tunog ng door bell. Kaya wala sa sariling tinulak ko siya at tumakbo papasok sa loob. Doon lamang ako nakahinga ng makapasok na ako sa loob.

Muntik na yon! Woah!

Nag-lakad na lamang ako palapit sa pinto at pagka-bukas ko ay isang delivery boy ang bumungad sakin.

"Sino sila?."tanong ko.

Ngumiti naman ito sakin."Food delivery po galing sa italian cuisine ma'am.."sambit nito.

Mag-sasalita pa sana ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si dark at siya ang humarap sa delivery boy. Nang mapermahan niya ay sinara na niya ang pinto at humarap sakin.

"Nagpa-deliver nalang ulit ako ng pagkain natin. Dahil medyo late na kung mag-luluto pa ako.."sambit nito na tinanguan ko lang.

Kinuha ko dito ang pagkain at nagtungo ng kusina para maihanda na ang pagkain. Umakyat naman sa taas si dark para magbanlaw ng katawan.

**
Ilang araw din ang nakalipas naging maayos naman kami. Nararamdaman kona rin ang weird na kinikilos ni dark. Hindi naman ako inosente para hindi malaman ang pakikitungo niya sakin.

Katulad ngayon kakatapos ko lang mag-hugas ng kinainan at hinahanap si dark dahil nasa kanya na naman ang cellphone ko.

Pano kinuha na naman niya. Nakakainis nga. Lagi nalang niyang hinahablot sakin ang cellphone ko kapag nagbabasa ako. Kainis!

"Dark.."pagtawag ko sa pangalan niya ng makalabas ako ng kusina. Dahil kakatapos ko lang mag-hugas.

Pero walang sumagot kaya naisipan kung umakyat sa taas at hanapin siya sa loob ng kwarto namin. Pero pagkarating ko doon ay wala siya.

Nasaan naman kaya yon? Kaya naisipan kong bumaba at hanapin siya. Nagtungo ako sa garden sa may right wing at hindi naman ako nabigo at nakita ko siyang nakatalikod at may kausap sa phone.

"Yeah.just update me if anything just happen there.."

Rinig kong sambit nito ng makalapit ako sa kanya. Naramdaman nito ng may nakatingin sa kanya kaya pumihit ito paharap sakin.

Halatang nagulat ito pero kalaunan ay ibinalik din ang seryoso ng ikspresyon.

"Kanina kapa diyan?.."tanong nito at unti unting naglakad palapit sakin.

Umiling naman ako at tinaasan siya ng kilay."kadadating lang.. Yung cellphone ko pala ibigay mona dahil tapos na ako mag-hugas ng pinagkainan natin.."sambit ko at lahad ng kamay sa harap niya.

Napangiti naman ako ng may dinukot ito sa bulsa niya at inilabas ang cellphone ko. Inabot nito sakin ang phone ko pero kukunin kona sana ng inilayo nito ito sakin para mapakunot ang noo ko.

"Hoy,bakit ayaw mong ibigay.."naiinis ko ng sambit sa kanya.

Ngumisi naman ito at dumukwang sakin para mapalunok ako.

Marrying The Secret Gangster(Lim University Series#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon