Ayana's POV
Payapa akong nag-aayos ng damit na aking suot para sa date namin ni Eric, sabi niya kasi dress formal daw kaya buti na lang talaga at mag mga dress ako na pasok sa formal attire.
"Ate? Mukhang may lakad ka nanaman yata?" wika ng kapatid ko na biglang sumulpot sa aking gilid na para bang isang kabute.
"Nakakagulat ka naman! Para ka naman kasing kabute!" inis kong sabi at hinampas siya sa kaniyang braso.
Imbis na umaray ay mukhang natuwa pa siya sa ginawa ko dahil nagawa niya pang tumawa. Minsan talaga naiisip ko na baka natutuwa ang kapatid ko sa tuwing sinasaktan siya eh, o 'di naman kaya baka immune na siya sa sakit kaya niya nagagawang tumawa.
"Bilisan mo, Ate, nasa labas na si Kuya Eric, naghihintay na siya sa'yo!" natatawa pa ring sabi ng aking kapatid.
Nagmamadali ko namang tiningnan ang aking sarili mula sa salamin at pinasadahan ng suklay ang aking mahabang buhok.
"Mukhang sa sosyaling restaurant yata kayo kakain ah?" pang-aasar naman ng aking kapatid.
"Ayaw ko nga eh kasi parang nakakahiya, pero sabi niya ayos lang daw at gusto niya rin akong i-treat sa isang restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan niya," patay malisya kong sabi.
"Ito naman! Wala pa naman akong sinasabi na kung ano ah?!" natatawang wika niya.
Hindi na ako sumagot pa at inirapan ko na lamang siya.
Minsan talaga napapaisip ako kung papaano nagkaroon ng girlfriend ang kapatid ko eh, I mean guwapo naman ang kapatid ko kaya nga lang may pagkabaliw lang siya. Minsan din naiisip ko nab aka takas mental talaga itong kapatid ko.
"Tabi nga! Lagi mo na lang akong iniinis!" pagtataray ko sa kaniya at iniwanan na siyang tumatawa mag-isa sa aking kuwarto.
Baliw talaga.
Naabutan ko naman si Eric na kausap ang aking mga magulang, ngunit agad silang tumigil sa pag-uuspa nang maramdaman nila ang aking presenya.
"Uhmm? Hindi ba okay ang damit ko? OA ba ang dating?" nahihiya kong tanong sa kanila. Kung makatingin kasi sila sa akin ay parang may problema sa damit na aking sinusuot.
Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan hanggang sa binasag ito ng tawa ni Mama.
"Gano'n ba talaga kapangit para pagtawanan mo ako, Ma?" hindi ko makapaniwalang sabi at tiningnan ang aking damit.
Pangit ba talaga? Ngayon ko pa lang 'to nasuot kasi wala naman akong event na pagsusuutan nito noong nakaraan.
"You look stunning, Ayana!" wala sa sariling wika ni Eric habang nakatitig sa akin.
Napangiwi naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Sabi niya I look stunning pero parang kabaliktaran ang pinapakita ni Mama eh.
"Hindi na, alam ko namang pangit! Magpapalit na lang ako," walang gana kong sabi at tumalikod na.
Akma na sana akong maglalakad papalayo kaya nga lang ay biglang nagsalita si Papa. "Maganda ka kaya anak! Bagay na bagay sa'yo!"
Muli naman akong lumingon sa kanila at nakita ko namang tumigil na si Mama, kaya nga lang ay nagpupunas pa siya ng luha mula sa sobra niyang pagtawa.
"Mukhang nagkamali ka yata ng pagkakaintindi, Ayana! Bagay na bagay kaya sa'yo ang damit mo! Hindi na nga makapagsalita si Eric dahil natutulala siya sa ganda mo oh!" wika ni Mama at tinuro niya si Eric na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin habang may kinang sa kaniyang mga mata. "Natawa lang naman ako dahil masaya ako!"
BINABASA MO ANG
The Fragrance of Love (Love Potion Series #2)
RomanceSome relationships end without a proper goodbye, and that's what happened between Daven and Ayana. Ayana Valdez is a florist who inherited her family's flower shop and a girl who's not been into romance ever since she broke up with her ex-boyfriend...