Prologue

51 4 0
                                    

Prologue

"UWAAAHH!! UWAAAHH!!" Palahaw ng sanggol na umiiyak.

"Tine! Tumayo ka d'yan at yung anak mo ay umiiyak." Sigaw sa akin ng nanay ko. Dali-dali akong tumayo at isinantabi ko muna ang paglalabada ko. Tarantang pinupunasan ko ang kamay ko dahil sa paglalaba at pinuntahan ko ang anak kong umiiyak sa sala.

"UWAAAAHH!! UWAAAHH!!"

"Tahan na anak ko, nadito na si mama." Dahan-dahan kong binuhat ang iilang buwan pa lamang na sanggol ko. Marahan ko itong hinele ngunit hindi pa rin siya natigil sa pag-iyak.

"Hoy, Tine! Patigilin mo nga yang anak mo sa pag-iyak at ako ay naririndi! Hindi ako makatulog dahil ang ingay ng anak mo!" Sigaw sa akin ng tatay ko. Halatang kakatapos lang nito mag-inom sa labas. Hindi ko na lang ito pinansin at doon ko na lamang pinatahan ang anak ko sa kwarto ko.

Itanaas ko ang damit ko at inalis bahagya ang bra ko. Pina-dede ko ito upang tumahimik na ito sa pag-iyak. Tumahan na ito at unti-unti na ulit nakakatulog. Ibinaba ko na ang damit ko at inihiga ko na ang anak ko upang makatulog ito ng mahimbing.

Bumalik ako sa paglalaba at tinapos agad ito. Mga hapon na ng matapos ako sa paglalaba. Naisampay ko na rin lahat ng mga nilabhan ko.

"Tine, halika rito at may itatanong ako sa iyo?" Tawag sa akin ng nanay ko. Sumunod na lamang ako at pumunta sa harap niya. Sinenyasan ako nito na maupo sa tabi niya at sumunod naman agad ako.

"Ikaw ba ay may balak talagang pumasok sa kolehiyo?" Seryosong tanong sa akin ni nanay. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil pinag-iisipan ko pa lang din ang desisyon para roon.

"Hindi ko alam, inay. Pinag-iisipan ko pa lang rin ho ang desisyon para d'yan. Iniisip ko rin po yung anak ko dahil walang magbabantay kung sakaling papasok ako sa kolehiyo." Sagot ko lamang.

"H'wag mo isipin ang anak mo, anak. Nadito naman ako, ako ang magbabantay sa kaniya. Ako lola niya, kayang kaya ko alagaan ang apo ko."

"Pero Nay hindi ba nakakahiya dahil masiyado na akong matanda kung papasok pa ako sa kolehiyo. Mas pipiliin ko na lang magtrabaho para may pang-tustos ako sa anak ko."

"Iha, walang pinipiling edad ang pagpasok sa eskuwelahan, kung gusto mo makatapos sa pag-aaral hindi mo iisipan 'yan." Napaisip ako sa sinabi ni nanay. Siguro kaya ko naman mag-aral habang nagta-trabaho ako.

"Kung sakaling papasok ka anak, anong kurso ang kukunin mo?" Nawala ito sa isip ko. Masiyado akong pokus sa kung papasok pa ako sa kolehiyo o hindi.

"Eh.. Nay, hindi ko pa rin napag-iisipan ang tungkol d'yan." Napapahiyang sagot ko.

"Hindi ba't sinabi mo sa akin noon na gusto mo maging guro, noong ika'y nasa high school pa lamang." Napaisip-isip ako sa sinabi ni nanay. Gusto ko maging guro noon pa 'man. Pero ang iniisip ko kung kakayanin ko ang pag-aaral, pagtatrabaho at pag-aalaga sa anak ko.

"Kakayanin ko kaya Nay?" Nangangamba kong tugon.

"Kaya mo 'yan anak. Matatag ka at masipag sisiw lang sayo 'yon." Napangiti ako sa komentong binigay sa akin ni nanay.

Kakayanin ko at pagbubutihan ko para sa kinabukasan ng anak ko.

"Nay, may trabaho po ako mga alas- singko, eh alas-kwatro na ho, kayo na ho bahala sa apo niyo." Bilin sa nanay ko. Kahit pagod ako ngayong araw ay kailangan pa rin na kumayod para sa gastusin sa bahay.

"Sige anak, ipagbabalot pa ba kita ng hapunan mo?"

"Huwag na ho Nay, baka doon na lang din ako kumain. Libre naman ang pang-hapunan sa pinagta-trabahuhan ko." Sagot ko na lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝑴𝒚 𝑶𝒍𝒅𝒆𝒓 𝑪𝒍𝒂𝒔𝒔𝒎𝒂𝒕𝒆(ᴀʟᴄᴀᴢᴀ ᴜɴɪᴠᴇʀsɪᴛʏ#2) (ɢxɢ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon